Nasa likod ako ngayon ni Father kausap ang hindi ko kilala. If I'm not mistaken isa rin ito sa mga nag dodonate ng malaki sa simbahan bukod kay Mayor.
Nasa gilid ko naman ang mga kaibigan kong nagpapa-picture kay Hershey. Minsan nakikita ko ang mata niyang nakatingin sa akin pero iniiwas ko agad. Hindi rin ata ako magkakaroon ng pagkakataon.
"Magandang umaga, Mayor." Bati ni Father kay mayor habang nagmamano sa kaniya ang lalaki. "Mukhang tuwang tuwa ang mga sakristan sa iyong anak."
"Magandang umaga, padre. Hindi ko naman sila masisisi." Nakangising sagot ng lalaki. "Oo nga pala padre ang usapan natin patungkol sa simbahan?"
Naglakad ang dalawa palayo sa akin kaya nagkaroon ako ng chance para magpakita kay Hershey. Gusto ko sana sabihin o ipaalala sa kaniya na nag picture kaming dalawa pero para hindi na rin pwede.
Bukod sa mga sakristan ay may ibang tao na rin na nag pa-picture kaya naglakad na ako palayo. Kasabay naman ng paghupa ng dami ng tao dahil sumingit ang kapatid nito at may binulong sa kaniya.
Huminga nalang ako ng malalim at lumakad papunta sa likod ng altar. Hanggang sa may umawat sa akin hawak ang kanang kamay ko at hinihingal parang kanina pa ako hinahabol.
"Hershey?" Tanong ko ng tuluyan kong makita ang mukha niya. "Anong nangyayari sayo?"
"Picture?" Nilabas niya ang camera niya at inayos ang sarili niya. Hinila na niya ako palapit sa kaniya at binigay kay Ark ang camera. Puno naman ng asar sa akin ang lalaki. "Tara na."
Ang daming picture na tinake ang kaibigan ko na may iba't-ibang pose. Hanggang sa tawagin na siya ulit ng kapatid niya.
"I'll just send it to you." She said and waved goodbye. I wave back and smile at her.
Nung ngumiti siya sa akin parang nawala ako sa sarili ko. Hindi ko na kaya iresist yung ganda niya grabe. Parang anghel talaga na binaba ng langit.
I just hope she still remembers the first midnight we spent together.
BINABASA MO ANG
First Midnight (COMPLETED)
Teen Fictiona short Epistolary Galing sa isang kilalang pamilya si Hershey and palagi silang nagsisimbang gabi sa isang simbahan. There she met Gabriel who caught her attention by just walking in the aisle holding a candle. To the first boy who make her head t...