"Hm, you are?" Malamig na tanong ko. Nakikita ko ang gulat sa mga mata niya. "You must be Hershey. Mayor's daughter?"
"Uh, yeah." Nahihiyang tanong niya. Tsaka nagpaalam sa amin.
Nakikita ko ang gulat na kasabay ng lungkot sa mga mata niya noong tanungin ko siya. I will never forget her but I don't want her to think that I'm still the man who chased after her 2 years ago.
Hindi na ako 'yon.
Nag iikot ako at nakikipagkilala sa mga kaibigan ni mommy and ni daddy. Ganoon din naman ang mga kakilala ni Mayor. This is a formal dinner na kung saan makikita naman na puro mayayaman talaga nandito.
Kung hindi mayayaman ay kilalang tao.
"What's with your act earlier?" Tanong ni tito ay inakbayan ako. "You're hurting my daughter's feelings."
"I'm sorry, tito." Sagot ko. Deserve naman niya iyon.
"That's fine."
Umalis din naman ito agad noong tinawag na siya ng kung sino. Dito lang nagkasundo ang parents ko tsaka si Mayor na tinuring na rin akong tunay na anak. Masaya rin naman ako kapag kasama ko sila Mayor pati na ang asawa nito.
Napatingin ako sa orasan ko. Mag babar kami ng mga kaibigan ko ngayong 10 pm pinayagan naman akong umalis dito. Hindi ko rin naman halos ramdam na party ko to parang party ata nila daddy to eh.
Nagpaalam na ako sa step mom ko at kay daddy pati na rin kay Mayor. It's already 10:15 magagalit na mga kaibigan ko.
"Gabriel." Malambing na tawag sa akin ng isang babae paglabas ko ng reception. "Gabriel!"
Naramdaman ko ang palad niya sa kamay ko na naging dahilan bakit huminto ako sa paglalakad.
She chased me. She ran after me.
"Hmm?" Walang ganang sagot ko habang hinaharap siya.
Hinila niya ako palapit sa kaniya at hinawakan ang kwelyo ko. Naramdaman ko nalang ang labi niya sa labi ko. Pinikit ko ang mga mata ko at hinawakan ang beywang niya para lumalalim pa ang halik.
Kagaya ng lalim ng gabi. Bumalik sa akin ang pakiramdam noong una ko siyang halikan.
I was taken back then when she kissed me. She was drunk but I'm more drunk on her kisses. The way she bite my lower lip and move my hands on her waist. It was midnight that time.
"Gabriel," tawag niyang muli ng matigil ang halikan namin. "Mahal parin kita, Gab."
Napangisi ako sa narinig ko. Now, I know why he chased me.
"Oh, so you stopped dating Warren? Wait, are you even dating for real? O cover lang yon kasi marami kang dine-date?" Nakangising sunod-sunod kong tanong. "Bakit hindi ba masarap humalik mga lalaki mo? Bukod kay Warren at sa akin. Sino pang ginago mo-"
Naramdaman ko ang palad niya sa pisngi ko.
"I just want to tell you what I feel, Gab hindi mo na kailangan akusahan pa ako na ginago kita!" Sigaw niya sa akin. Naririnig ko ang pagragatal ng boses niya pa parang maiiyak.
"Hindi mo nga ba ako ginago, Hershey?" Tanong ko agad. "After one week of dating me kayo naman ni Warren ang nagde-date pagkatapos ano? Bago nanaman!"
Tumawa ako ng parang baliw sa harap niya.
"Lalakero na nga gago pa. Ka babaeng tao ganiyan ka magloko?" Sinampal nanaman niya ako ng isa pang malakas. "What the hell?"
"Unang una hindi kita niloko, Gabriel!" Umiiyak na sigaw niya. "Wala kang alam!"
"Really? Tandaan mo, after your dating issues with Warren nakipag-break ka saakin. Hindi ba panloloko yon?"
Tinalikuran ko siya.
"I'm done with you, Hershey. So don't talk to me again like we have past 'cause I don't remember anything about you at all." At tuluyan ko na siyang nilayasan.
Nakita ko ang paghina ng Paa niya kung saan ay napaupo siya dahil sa pag-iyak. But I choose not to get out of my car and just leave her. We're not healthy for each other.
BINABASA MO ANG
First Midnight (COMPLETED)
Teen Fictiona short Epistolary Galing sa isang kilalang pamilya si Hershey and palagi silang nagsisimbang gabi sa isang simbahan. There she met Gabriel who caught her attention by just walking in the aisle holding a candle. To the first boy who make her head t...