Second day of school. Ayun muse and escort nga kami ni Daniel. Hayyysssttt. Sige na nga muse ako. Hahahalol on the way na ulit kami ni Seth sa school.
"Te! Te! Nakikinig ka ba? Ano bayan eh. Para akong tae dito na nagkukuwento sa hangin"
"Hahaha sorry naman. Ano nga yung sinasabi mo?
"Nakakainis yung muse namin. Panget panget naman. Mas maganda pa ko. Mukha kayang tae!"
"Si John escort niyo no?"
"Ay hindi siya janitor namin"
"Hahahaha baliw ka"
"Buti ka pa muse tapos yung crush mo escort"
"So? Ano naman ngayon?"
"Ano bayan te! Ang bobo mo talaga walang kasing bobo"
"Wow! Look who's talking"
"E edi wow!"
"Di mo ba siya crush? Okay naman siya ah"
"Oo nga okay lang pero di ko alam baka ngayon magustuhan ko na siya joke! Haha di ko alam"
"Anong di mo alam? Pag ganyan yung sagot ibig sabihin oo"
"Utut! Di nga. Di ko talaga alam"
"Gege bahala ka. Try mo kasi siyang kilalanin"
"Oo na. Ge bye na intayan ulit tayo ah?"
"Ge. Bye te.. labyu! Yiiieee!!!! Ew. Hahahaha"
"Baliw"Bakit nga ba di ko siya magustuhan? Itsurang tao naman siya. Hahahaha I mean di siya ganoong kagwapuhan di katulad ng mga hearththrob dito sa school pero may istura naman siya. Kayumanggi, matangkad, matalino, medyo may kalakihan yung katawan niya. If you know what I mean. Hahahahalol hindi man siya sobrang gwapo biniyayaan naman siya ng sobrang laking puso. Mabait siya. Habulin din siya ng mga girls kahit papano lalo na kapag nakilala na siya ng hus---
"Aray! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!"
"Ay sorry. Ikaw kaya tumingin sa dinadaanan mo para kang naglalakad sa buw- uyyy! Ikaw yung muse namin di ba?"
"Ah oo. Hi classmate ba kita?"
"Oo naman! Ako kaya pinakagwapo sa room natin dapat nga ako yung escort eh mas bagay pa tayo kesa kay Daniel"
"WHOOOO! Para kong tinututukan ng 10 elektrikpan na may 10 ding aircon!! Sobrang lakas ng hangin!!"
"Hahahaha ang cute mo"
"Weh? Grabe ka naman ngayon lang tayo nagkakilala nambobola ka na agad"Naglalakad na kami papuntang room.
"Di ako nambobola no. Bakit? Sinabihan lang kita ng cute eh. Feeling mo ba may gusto ako sayo? Ikaw ang grabe! Kakakilala palang natin e feeling mo gusto na agad kita? Hayyy grabe talaga mga babae sa panahon ngayon"
"E-eh? Sorry naman"
"Sus. Aminin mo na crush mo ko no? Mas crush mo ko kesa kay Daniel no?"
"Ha? Di ko naman siya crush eh"
"Sus! Nakikita ko sa mga mata mo. Sa mga malalaki mong mata!"
"Abaaaa!!! Alam mo FC ka! Kakakilala lang natin tapos---"
"Hey pare"
"O Daniel ikaw pala"
"So kilala mo na pala si Myra"
"Oo naman siya nga yung muse natin eh ang ganda pala niya sa malapitan pare bagay na bagay kayo"
"Aba! Napaka mo ah! Parang kanina kaka--!"
"Hahaha ge bantayan mo yan pare baka maagaw ko bigla"
"Hahahaha sige"Bwisit yun. Mayabang na, feeling close pa! Aba at laging di ako pinapatapos magsalita. Pumasok na kami sa room dahil magsisimula na yung klase.
Breaktime
"Girl! Close pala kayo ni Daniel tsaka Mark. Pano?"
"Sinong Mark?"
"Yung kausap mo kaninang umaga? Ano bayan girl nakachikahan mo na di mo pa kilala"So, Mark pala pangalan ng ugok na yun.
"Ah. Di naman kami close nun eh. Kaninang umaga lang kami nagkausap. Si Daniel close ko talaga yan. Siya ang first ever bestfriend kong lalaki"
"Ahh. Pakilala mo naman ako"
"Sige ba"Tinawag ko si Daniel na nasa counter. Pero instead na siya ang lumapit, si Mark. Ugh -_-
"Tawag mo ko?"
"Hindi ikaw. Si Daniel"
"Nakikita mo ba? Bumibili pa siya. Ako muna kausapin mo"
"Uhhhh girl, si Mark, Mark si Bembem"
"Kilala ko na siya girl ano ka ba! Classmate ko na yang ugok na yan since elem eh"
"Oh hi Bem. Long time no see"
"Hi Mark. Nice to see you.. again. Hahaha"
"Hahaha kaibigan mo pala si Myra? Bakit? Ang dami-daming ibang matino diyan oh"
"Aba't ang kapal naman ng mukha mo!"
"Hahahaha baliw ka talaga Mark. Pagpasensyahan mo na si Mark ganyan talaga yan may saltik"
"Mukha nga!"
"Hi guys!"
"Oy pare!"
"Hi Daniel. I'd like you to meet Bembem my girlbestfriend ^_^"
"Hi Bembem nice meeting you"Nagshake hands sila.
"Uhhh h-hi"
"Myra kumain ka na ba?
"Ah, di pa eh. Di pa ko nakakabili mahaba pa yung pila"
"Ah sayo nalang to oh. Pipila nalang ako ulit"
"Ay wag na. Ako nalang pipilaBago pa ko makatayo, binigay na niya sakin yung binili niyang pagkain at pumila na ulit. Di ko na siya napigilan. Ang sweet talaga niya. ^___^ oh walang malisya bestfriend ko siya.
Nandito ako ngayon sa baba ng building nila Seth ang tagal naman nila maguwian. Talo pa kami.
"Hi Myra"
Di ko siya pinansin.
"Uy! Yohoooo?! Myra? Myraaaaaaaaaa!!"
"Ano ba?!"
"Sino hinihintay mo?"
"Kapatid ko"
"May kapatid ka pala?"
"Ay hindi wala. Trip ko lang magantay dito hanggang sa mamuti na yung mata ko"
"Awww ang sungit mo naman. Bat ka ganyan? Pero pag kay Daniel.... hayyyy iba talaga nagagawa ng pag-ibig"
"Huh? Baliw ka!"
"Te!"
"Oh andito ka na pala"
"Ay hindi wala, picture ko lang to"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?"
"Magkapatid nga kayo"
"O, hi Kuya Mark!"
"Magkakilala kayo?"
"Oo naman te! Kapitbahay natin yan eh"
"Talaga?"
"Labas-labas din kasi wag masyadong skin conscious"
"Mabait yan te"
"UTUUUUUTTT! Yan mabait? Laslasin ko kaya leeg niyan?"
"Grabe naman yang ate mo. Hayyysssttt TURN OFF!"
"Bakit sinabi ko bang ma turn on ka sakin?"
"Hindi. Sabi nung switch"
"Corny mo! Tara na nga seth"Naglalakad na kami palabas ng gate ng mapansin kong sumusunod siya samin.
"O bakit ka sumusunod?"
"Bakit? Syempre lalabas ako ng gate may iba pa bang labasan dito? Ano ba naman yang kapatid mo Seth"
"Tse"Nasa kanto na kami ng subdivision namin ng mapansin kong nasa likuran namin siya.
"Bat ka sumusunod? Malamang uuwi. Magkapitbahay lang tayo di ba?"
"Oo nga naman te"
"Tse"Nung bandang hapon inaantok ako. Nakahilata lang ako sa kama ng magvibrate phone ko.
From: Daniel Bestfriend
Nililigawan ka ba ni Mark?Nagreply ako
To: Daniel Bestfriend
Ha? Anong pinagsasasabi mo? Ayoko nga magpaligaw dun! Never in a million years! -_-From: Daniel Bestfriend
KAba! K lang nireply sakin? Bat naman niya naisip na nililigawan ako nung ugok na yun? Ew -_-
BINABASA MO ANG
Ordinary Love Story
Short StoryThere is time for everything. Specially love. When the time is right, everything will fall into place.