Chapter 5

4 0 0
                                    

Happy Sunday! Hayyyssstt naaalala ko na naman yung natalo ako kahapon. Ako? Magiging nice kay Mark? No way! Pfftt. Otw na kami ngayon sa church.

"Dad san tayo kakain pagkatapos ng misa?
"Di pa nga nagsisimula yung misa Seth pagkain ka na agad"
"Hahaha san ba gusto niyo mga anak?"
"Gusto ko sa Mcdo dad"
"Hephep! Di tayo kakain sa fastfood ngayon. Nagyaya si Mare ng lunch sa bahay nila later"
"Sinong Mare ma?"
"Yung mama ni Mark. Labas labas din kasi Myra pag may time"
"WHAT? Di ako pupunta"
"Bat naman? Para kang engeng"
"Kumain nalang tayo sa labas"
"Wag na. At makatipid-tipid"
"Nandito na tayo"

Whaaaaat? Pano ba kasi naging family friend namin yung family nila? Ugh

Church

"Ma dun tayo sa unahan para kita natin yung pari"

Request ni Seth. Nung papaupo na ako may mga ibang nakaupo na din. Tingin ko buong family din sila. Wait, ohmygod

"Mare! Tingnan mo nga naman haha"

Shems! Family ni Mark. Sinasadya ba ng tadhana na pagtagpuin kami?

"Later ah, lunch"
"Osige Mare"

"In the name of the father, the son and the holy spirit"
"Amen"

After 1hour natapos na yung misa. Palabas na kami ng simbahan ng may sumanggi sakin.

"Hi Myra"
"Hmp"
"Ops! Yung deal? Kailangan mong maging nice sakin. Natalo kita eh"
"Ha! Do you really think na gagawin ko yun? Imma rule breaker you know!"
"Hm? Talaga? We'll see. See you later May *wink*"

I hate him. Really. Sana one day magising nalang ako ng wala na siya. -_-

Mark's family residence

Hayyy dapat di ako pupunta eh. Si Mama kasi eh. Nakakaasaaaaarr!

"Let's eat!"

Woah! Ang sasarap ng pagkain. Di na ako nagsisisi na sumama ko haha. Yun nga lang kaharap ko si Mark. Grrrr kesa naman katabi di ba? E kahit na! Gusto ko sa baba siya ng lamesa kumain parang pusa. Oops! Bahay nga pala nila 'to. Haha

"Wow Tita ang sarap po ng luto niyo"
"Seth wag masyadong sipsip. Hahahajk"
"Nako thank you Seth kain ka lang"
"Uhhmm Tita pano po ba kayo naging magkumare ni mama?"

Tanong ko kay Tita.

"Bestfriends kami ng Mama mo noong high school. Parang kayo ni Mark, ayun hindi kami mapaghiwalay. Tinaga namin sa bato na walang iwanan kahit may kanya-kanya na kaming family. Kailangan magkaibigan ang kanya-kanya naming family para bestfriends for life talaga"
"Ahh ganun po ba........ wait, di ko po bestfriend si Mark"
"Ha? Sabi ni Mark bestfriends daw kayo. Palagi nga daw kayo magkasama sa school eh. Palagi ka niyang kinikwento sakin"
"Wha----"
"Ma, tama na po. Nakakahiya na"

Sabat ni Mark

"Haynako anak ayos lang yan. Atleast may first ever bestfriend ka na"
"Maaa! Tama na nakakahiya"
"Aynako kumain na nga lang tayo. Hahaha"

What? Kami? Bestfriends? How dare he? Ni hindi nga kami friends eh. Bestfriends pa kaya?
Nakakaasar talaga yung lalaking yun!!!

Ordinary Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon