Chapter 3

1 0 0
                                    

1 week na ang nakakalipas since my simple and calm life turned into a miserable one. Ugh bakit kasi ang lakas ng trip ng Mark na yun? Parang tae eh. Tss Speaking of Mark bat parang wala pa siya? Baka absent? Yes!

"May hinahanap ka?"
"Hey Daniel! Wala akong hinahanap no"
"Akala ko hinahanap mo si Mark"
"Di ah. Sana nga absent siya eh"

Naging stern yung tingin niya sakin tsaka naging seryoso yung boses.

"Nanliligaw ba siya sayo?"
"Ha? Ano ka ba naman! Ang dumi ng isipan mo"
"Mukhang nagkakamabutihan kasi kayo eh"
"What? No! Never!"
"E bakit palagi siyang nagaabang sa gate niyo at laging nakabuntot sa inyo ni Seth pag uwian na tsaka papasok?"
"Ha? Di ko alam pinagsasasabi mo"
"Wala. Basta sabihin mo lang kapag ginugulo ka niya ha?"
"Oo naman!"
"Ako lang dapat manggugulo sayo"
"HA-HA-HA nakakatawa ka talaga. Di ba napagusapan na natin to?"
"Alam ko. Pero kasi--"
"Excuse me pare, pinapatawag tayo ni Ma'am"
"Ah sige. Wait lang Myra ha?"

Nagsmile nalang ako as a sign na 'okay' pero nawala bigla nung narealize kong si Mark pala yung naginterrupt sa kwentuhan namin.

Ugh. Nakakagulat naman si Daniel. Bat ganun siya kumilos? Umarte? Napagusapan na naman namin yun eh. Bakit kasi ako pa? Nirereto ko na nga siya sa iba eh. Sabi ko di pa ko pwedeng magboyfriend. Kailangan ko pang maging flight attendant. Sabi niya handa daw siya maghintay. Umagree naman siya na maging bestfriend kami. E bat parang nawala na naman sa utak niya yun? Hayyy... kasalanan 'to ni Mark eh. Umepal pa kasi sa buhay ko eh. Wait, nagseselos ba si Daniel? :3 Bat kay Mark pa? E mukhang tae naman yun eh.

Otw na kami pauwi ni Seth. Inobaerbahan ko nga si Mark. Totoo nga. Sinusundan niya kami pauwi. Alam ko naman na magkaparehas kami ng subdivision na tinitirhan pero alam ko may reason.

"Seth aware ka ba na sinusundan tayo ni Mark pag papasok na tayo tsaka uuwi?"
"Oo naman"
"Ha? Bakit? Pano?"
"Mama and his mother are really good friends and mom asked Mark if he could take good care of us"
"WOW ENGLISH! Hahahaha"
"Nosebleed nga eh. E kasi nga wala daw tayong service mas gusto pa natin idagdag nalang sa baon. Ikaw eh"
"Anong ako? Ikaw din naman ah"
"E basta ganun yun. Feeling ko nga mas safe tayo eh"
"Sus. Malay mo rapist pala yan o ano ka? You can't just trust people"
"WOW ENGLISH! Hahahahaha e bat naman hindi? Family friends yan te di mo ba alam yun? Tska matagal na natin yang kilala di ka lang lumalabas ng bahay"
"What?"
"Di lang natin siya nakikita masyado kasi parehas kayo, takot sa araw"
"E bat di ko siya nakikita sa school?"
"Malay ko sayo! Baka kapag dumadaan siya nagkakataon na nakapikit ka hahahaha"
"Baliw!"
"Dejk home school kasi siya"
"Ahh. Mayaman home school. Baka kasi may epidemia siya kaya pinahome school at di lumalabas ng bahay?"
"Edi may epidemia ka din?"
"W-wala"

Barado ako dun ah. So ganun pala ang istorya ng buhay niya. Nasa frontyard ako ngayon nagpapahangin lang ng magvibrate phone ko. May nagtext, number lang. Who's dis pokemon?

From: Unknown
Hi

Nagreply ako.

To: Unknown
Who's this?

From: Unknown
Uhh this is Harry Styles

To: Unknown
Utuuuttt!!! Yung number mo pang pilipinas tapos sasabihin mong ikaw si Harry Styles? At saka for sure panget ka at jejemon pa!

From: Unknown
Ang hard mo naman. Di ako jejemon nakikita mo naman format ng text ko di ba? Tsaka di ako panget fyi

To: Unknown
E sino ka ba? Kilala ba kita? Kilala mo ba ko? Ipapablatter kita

From: Unknown
Bibigyan kita ng clue, pogi ako matalino, chick magnet at mas gwapo sa 1D

To: Unknown
Ang kapal naman ng mukha mo! Wala ng mas hihigit pa sa kagwapuhan ng 1D no!

"Te! Anong ginagawa mo diyan? Bat galit na galit ka magtype?"
"E kasi may nagtext sakin unknown number ang kapal ng apog at bunbunan"
"Hi Kuya Maaaarrk!"

Nakita ko si Mark sa labas ng bahay nila na nagtetext. Ngumisi siya sakin. Shems alam ko yung mga ngiti na yun! Arrggghhh nakakaasar siya! Ang yabang yabang talaga.

Ordinary Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon