Chapter 8

1 0 0
                                    

Ano ba gagawin namin dun sa park? Ugh bat ko ba iniisip yun? Bahala talaga siya. Di ako pupunta.

1pm
.
.
.
2pm
.
.
.
3pm
.
.
.
Ohmy! 3:00 na. Pupunta ba ko? Pano kung magantay yun?

"Te pumunta ka na kasi"
"Huh? Pano mo?"
"Sinabi niya din sakin. Sabi niya pilitin daw kita"
"What?!"
"Puntahan mo na kasi. Di ka naman sasamantalahin nun eh"
"Baliw!"
"Pumunta ka na"
"Oo na sige na"

Ohmy! Wag nalang kaya ako sumipot? E pano nga kung.. kung.. AARRRRGGGGGHHHH punta na nga lang ako. Wala namang masama di ba?

Park

Nakatalikod siya sakin na nakaupo sa damuhan. What is he holding? Is that a guitar? Wait, little things ba yung tinutugtog niya? Hay bahala na nga. First time ko siyang makakausap ng normal. I mean nafefeel kong seryoso 'tong usapan na 'to. Pag naguusap kasi kami palaging lokohan.

"H-hey.."
"O Myra"
"So bakit mo ko pinapunta dito? Anong gagawin natin?"
"You mind sitting down before we talk?"

Naupo naman ako sa tabi niya sa damuhan. I love the ambiance here. Kalmado, tahimik, presko.

"You like the ambiance here?"
"Ha? O-oo"
"Ako din"
"Madalas ka ba dito?"
"Oo. Ang sarap lang mapag-isa minsan. Naiisip mo yung mga problema mo at kung pano sososlusyonan, yung mga happy memories, sad memories"
"Yeah tsaka magdaydream haha. Gumagawa ka ng scenario sa utak mo na alam mong imposibleng mangyari"
"Hindi naman lahat. Inimagine ko na mangyayari 'to eh"
"Ha? Haha"
"Hm.."
"Sooo... bakit ba tayo nandito?"
"Marunong ka magplay ng kahit anong instrumento?"
"Ahhhmmm I can play the keyboard a little tsaka guitar"
"Alam mo 'to?"

Nagplay siya ng kanta na sobrang love na love ko.

"Omg! Little things! Syempre alam ko yan! Directioner ako eh!"
"Your hand fits in mine like it's made just for me"
"Omg ^O^"

Nakikinig lang ako sa kanya at inaappreciate ang boses niya wait what?! Kailan pa ko naging mahinahon kapag siya kausap ko?

"Ehem! Oy ugok! Wag mo ko daanin sa paganyan-ganyan ha?"
"Hayyy eto na naman po siya sa pagsusungit"
"Sinasayang mo ang oras ko! Ano ba kasi gagawin natin dito?"
"Bat ba ang sungit mo pagdating sakin?"
"E kasi nga ayoko sayo"
"Mabait naman ako ah. Sweet, gwapo, maaalalahanin, every girl's dream ako"
"Talaga lang ha?"
"Oo naman! Pansinin mo din kasi yung mga magandang side ko"
"So ano nga ginagawa natin dito?"
"Masakit ba?"
"Ang ano?"
"Yung puso mo or sa puso mo?"
"H-ha? Uuhhh... ...."
"Sorry"
".... *sobs*"
"Sige. Iiyak mo lang. Andito ako para sayo"

Niyakap niya ako at hinimas-himas ang likod ko para gumaan ang loob ko.

"Bakit ka ba umiiyak? Akala ko ba di mo siya gusto? Tapos ngayon, hayysssst"
"Di ko alam. Sa totoo lang, di ko rin a-alam. Ang alam ko lang ma-ma-masakit. Siguro nga may gusto din ako sa kanya. Masyado akong kampante na hihintayin niya ko. Pero nagkamali ako"
"Hayyyy dapat kasi ako nalang. Alam mo di ka iiyak sakin. Di ka makakaramdam ng kirot diyan sa puso mo. Makakaasa ka sakin na kaya kong maghintay. Kapag ako sinagot mo---"
"Teka teka ano ba pinagsasasabi mo?"
"Mahal kita Myra. Mahal na mahal. Matagal na"
"M-mark..."
"Shhhh kaya kong maghintay. Gusto ko lang malaman mo na mahal kita at hindi magbabago yun. Hinding-hindi kita iiwan.Hayaan mo lang ako na iparamdam sayo ang pagmamahal ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan tayo ganito. I mean aalis na kami ng family ko later papuntang states. Dun ko na itutuloy pag-aaral ko. Mag-iingat ka palagi ha? Tandaan mo, hihintayin kita. Pag hindi tayo sa huli magpapari ako"
"Mark..."

Niyakap niya lang ako ng mahigpit. Walang nagsasalita samin. Di ko namalayan nakatulog pala ako.

Ordinary Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon