Chapter 7

1 0 0
                                    

♪Does he watch your favorite movie does he hold you every night♪ ~......

Kahit di para sakin yung kanta, naiiyak padin ako. Bat parang ang sakit sakit? Dahil ba bestfriend ko siya? Dahil ba sinabi niya na hihintayin niya ko? Bakit?

Flashback

"D-daniel?"
"Oh hey Myra"
"Wh-what's this?"
"Bem, hintayin mo nalang ako sa sasakyan"
"Sige"
"A-ano yun?"
"Ahh. Simple, kami na ni Bem"
"P-pero s-sabi m-mo..."
"Na ano? Hihintayin kita? Myra, nakakatawa ka naman. Sabi nga ng isang philosopher, "There's no permanent thing in this world except change" you know Myra, nothing stays the same forever lalo na ang feelings na di napapansin. I'm sorry but I love Bem. Hindi ko 'to ginagawa to get even you because of Mark. I'm both happy for you two. Can we please still be bestfriends?"
"I-I-I I have to go"

At dun, sa isang conversation lang, nakalimutan ko na lahat ng bagay sa mundo. Parang gusto ko nalang mawala. Ang sakit sakit. Hindi ko alam kung bakit. Gusto ko ba siya kaya ganto yung reaction ko sa nangyari? No. Alam ko sa sarili ko na hindi ko siya gusto. Hayyyy

School

"H-hey Myra"
"Oh Bem"
"I heard what had happened. I'm sorry. I didn't know. Di mo naman nakukwento sakin yung tungkol sa inyo"
"Ano ka ba! Ayos lang. Tsaka walang kami. Niligawan niya lang ako"
"Sorry ah? Bestfriends parin ba tayo?"
"Syempre naman!"
"Pati kayo ni Daniel?"
"Yeah sure!"
"Talaga?"

Si Daniel.

"Hahaha ikaw talaga kung saan saan ka sumusulpot"
"Awww namiss ko ang bestfriend ko. Pahug nga!"
"Ehem"
"Ay sorry Bem. Wala namang malisya eh"
"So kamusta kayo ni Mark?"
"Kami? Wala namang kami eh. I really hate him. Bestfriends daw kami? Feelingero!"
"Nako girl alam mo bagay kayo. May chemistry eh"
"Tigilan mo nga ako Bem"
"Myra pansinin mo kasi yung feelings niya sige ka, baka maexpire din yun katulad ng kay Daniel"
"Oh cmon! Wala naman siyang feelings sakin eh"
"Sinong may sabing wala?"

Shems. Bigla bigla nalang 'tong sumisingit 'tong ugok na 'to eh.

"Bakit ka ba nangingialam nlsa usapan ng magbebestfriends ha?"
"Bakit? Bestfriends kaya tayo!"
"Umalis ka nga dito"

Imbes na umalis, tumabi pa siya sakin.

"Uhhh Myra alis muna kami ha?"
"Wait Bem!"
"Sakit no?"
"Huh? What are you talking about?"
"Tss. Wag ka na nga magmaang-maangan. Oh eto, sandwich. Kainin mo yan ha?"
"No thank you. Baka may gayuma pa yan"
"Grabe ka! Gumising ako ng maaga para ipagprepare ka niyan kasi sabi ni Seth di ka daw kumakain ng masyado lately"
"Bakit? Sino ba nagsabi sayo na ipagprepare mo ko neto?"
"Konsensya ko! Di ko makakaya kapag nagkasakit ka"
"Wow! May konsensya ka pala"
"Bat ba ang sungit sungit mo sakin?"
"E kasi I don't like you"
"Subukan mo kasi akong kilalanin baka di mo lang ako magustuhan baka maadik ka pa!"
"Ang yabang mo talaga"
"Sige na. Diyan ka na. Kainin mo yan ha?"

"One thing, magkita tayo sa may park mamayang 4pm sa subdivision natin"
"Wh---"

Umalis na ang mokong. Di manlang ako pinagsalita. Bahala siya. Di ako pupunta.

Ordinary Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon