Freya
Ako si Freya, but you can call me Isha. Di kami mayaman, mukha lang kasi nga half british ako. Scholar, which is sobrang laking tulong sa family ko kasi di na namin need magbayad ng tuition and nakakareceive ako ng allowance from the Government and University. I also worked part-time sa isang Fast Food Restaurant malapit sa University para pandagdag sa allowance at pang-gastos ng family ko. Ang focus ko lang naman sa buhay ay maging ganap na Attorney ako at makatulong sa family ko, not until I met Ortega na nag-pagulo sa buhay ko.
First time I saw her is when I took the Entrance Exam in Central East University of Manila. Dream University ko ito and ito lang yung tinake ko na Entrance Exam. It was a Saturday Morning March 26, 2022 to be exact, mainit since malapit na ang Summer. I'm pretty sure na lahat ng requirements ko dala ko that day, chineck ko pa nga bago umalis ng bahay. Di ko alam kung pinaglalaruan ba ko ng panahon pero sagad yung kamalasan ko noong araw na yon.
Dumating ako sa school around 6:30 am which is 1 hour before the exam. Since maaga pa, I decided na dun na lang muna mag-palipas ng oras sa may Pavilion malapit sa Building na pag-eexaman ko. Confident ako na kaya ko yung exam pero nag-browse pa din ako sa notes ko just in case. Half an hour passed bago ko nag-decide na pumunta na dun sa room. Inayos ko na yung mga gamit ko at tumayo sa kinauupuan ko. I turned around and di ko sinasadya na may nabangga ako worst is may hawak sya na coffee.
"Fuck."
Hindi pasigaw ang pagkakasabi nya but the annoyed tone was there. Di ko sure kung ako lang ba but her voice eh mas mainit pa sa kape nya. I mean buti na lang frappe yung hawak nya. Some of it spilled sa damit nya and I dropped some of my belongings.
"I'm sorry. Di ko sinasadya, di ko napansin na paparating ka. I'm really sorr-"
"Stop."She put her hand in front signalling to stop. Napalunok na lang ako kasi parang galit sya pero nag-sosorry naman ako.
"But-"
"Just leave okay? I don't need your apologies. Next time be mindful sa mga kilos mo. You're so clumsy and you might cause troubles para sa iba."Aba'y walang manners to ahhh? First she cuts me off then eto sya nagmamaldita. I mean oo at fault ako but no need na magmaldita sya di ba? Bahala sya dyan sana pala mainit na lang yung kape na natapon sakanya. Maganda pa naman sana sya kaso maldita. Pinulot ko yung ibang gamit na nahulog at naglakad na ko palayo.
I arrived sa designated room ko. Pumila na ko dahil nag-umpisa na magpapasok yung proctor which is a member ng Student Central Organization. Kinocollect na nila yung mga requirements. Turn ko na nung mapansin ko na nawawala yung Admission Test Slip ko.
"Miss, sure ka ba na nadala mo? Baka kasi naiwan mo sa inyo."
"Opo sure ako, chineck ko po gamit ko bago umalis kanina."
"I see dito po muna kayo sa gilid habang hinahanap nyo pa po para makapasok na yung iba."I've been looking for the damn piece of paper nung may narinig ako mag-salita.
"Wag mo na hanapin, di mo din naman makikita."
That voice, sounds familiar. Tinaas ko yung tingin ko at nakita ko yung babae kanina na nakabanggaan ko. She is now wearing a white v neck shirt at black cardigan kanina kasi naka polo shirt sya ng student org. Angas ng dating nya huh.
"Rhi, eto na yung slip niya."
"Thank you Ms. Steph."Sabi nung Rhi sabay ngiti na may halong pagpapacute. Yuck, mas maganda pa ko dyan e.
"All good na Ms. Knight you can sit on any vacant sit."
"Thank you."I smiled kay Rhi and tumingin kay Steph. Mag-tthank you sana ko, nung nilapit nya yung mukha nya sa may tainga ko at bumulong.
BINABASA MO ANG
Stay, Stay, Stay (FreenBeck)
FanfictionThis is my first ever story I wrote in Wattpad wherein Astrid (Freen) and Freya (Becky) became college buddies. Freya is oblivious to what Astrid feels for her. What will happen to them if Freya finds out about the latter's feelings? Disclaimer: Thi...