Freya
Okay naman yung 1st week ko sa CEU. Naging close ko na din yung mga blockmates ko pero si Athena pa din ang lagi kong kasama. Kakatapos lang ng last subject class namin ngayong umaga.
"Girla, di ko talaga alam kung tama pa ba desisyon ko sa buhay na nag LegMa ako."
Maiyak iyak na sabi ni Yna. Pano ba naman kasi bukod sa terror yung mga prof eh unang linggo pa lang nagbigay na agad ng mga babasahin except dun sa mga minor subjects namin since freshmen palang naman kami.
"Kaya mo yan, ano ka ba. Ginusto natin to, wala na tayong choice."
Bumuntong hininga na lang tong kasama ko at nagligpit na din ng gamit.
"San tayo kakain?"
Tanong ko sakanya. Biglang nagliwanag ang mukha nya at hinila ako palabas ng room.
"Hoyyyyy sandaleeee. Tekaaaaa. San ba tayo pupunta?"
"Kakain."
"Kakain? Eh nasa baba lang ng building natin yung Cafeteria tapos hinihila mo ko papunta sa kabilang side ng Campus."
"Exactly dun nga tayo kakain."
"Huh? May pagkain naman sa malapit e."
"Iba pagkain don."Ano daw? Wala na kong nagawa nung makatawid kami papuntang Education Building which is yung baba is Cafeteria.
"Maupo ka na dyan. Libre na kita."
O sige di na ko mag-rereklamo. Libre naman pala. After, ilang minutes nakabalik na si Athena na may dalang pagkain. Umorder sya ng dalawang Katsudon Set.
"Salamat sa pagkain Athena."
Sabi ko sakanya. Mapayapa kaming kumakain nung mapansin kong di ginagalaw ni Athena yung pagkain nya at may tinititigan sa di kalayuan. Sinundan ko yung tingin nya at nakita ko si Amber.
"Kaya naman pala kahit pagkalayo layo e dito gusto kumain. Ibang pagkain naman pala ang gusto."
"Nakakabusog kaya."Nakangiting sabi nya.
"Kakainin mo pa ba yan? Kukunin ko yan."
"Hoy! Wag akin to."Sabi nya sabay hila ng tray palapit sakanya.
"Hoy girl, naghahanap sya ng mauupuan oh. Sana tumingin sya dito ang luwag sa pwesto natin o may bakante pa kung ayaw nya naman kandungin ko na lang sya eme!"
"Girl, ang lande ha."Tumingin ako sa paligid at puno na nga yung cafeteria at wala na masyadong maupuan. At pagkaswerte swerte nga naman ni Athena, napatingin sa gawin namin si Amber. Ngumiti ito at naglakad papalapit samin.
"Hi Athena at Freya, pwede ba makishare ng seats? Wala na kasi maupuan eh. Please?"
"Kahit wag ka na magplease, upo ka lang dito ka oh sa tabi ko."Jusko Lord, kung ganto lang magkacrush ayoko na lang.
"Salamat."
Ngumiti sya saming dalawa bago tumingin sa paligid na para bang may hinahanap. Kumaway ito, sinundan ko ang tingin nya at nakita ko si Apakan na papalapit sa table namin. Kapag sineswerte ka nga naman.
"Steph dito!"
After awhile naramdaman ko na lang na may humila ng upuan sa tabi ko. Wala naman na kasing ibang bakante kaysa naman umupo sya sa sahig choosy pa ba sya na ako katabi nya.
Tahimik kami na tinuloy ang pagkain nung magsalita si Yna.
"Oo nga pala Girl. Nakahanap ka na ba ng part-time job?"
"Hindi pa nga eh."Oo nga pala need ko pa humanap ng part-time job bago pa maubos ng tuluyan yung pang allowance ko.
"Sorry for butting into your conversation, pero baka kasi matulungan kayo neto ni Steph. Nagbukas kasi sya ng coffee shop just a few block away from here. Right Steph?"
BINABASA MO ANG
Stay, Stay, Stay (FreenBeck)
FanfictionThis is my first ever story I wrote in Wattpad wherein Astrid (Freen) and Freya (Becky) became college buddies. Freya is oblivious to what Astrid feels for her. What will happen to them if Freya finds out about the latter's feelings? Disclaimer: Thi...