Astrid
3PM na pala at kagiging ko lang, kanina kasi pagkahatid ko kay Freya ay natulog ulit ako. Kanina pa ko paikot ikot dito sa condo ko dahil sa boredom at nagugutom na ko. Tinatamad naman ako magluto. Kinuha ko ang phone ko at minessage si Freya.
Babe?
Oww?
Dami customers?
Medyo dumadami na. Bakit?
Pwede lumabas?
San ka punta?
Tudamun. Roadtrip. Brum brum skrr skrr
Gusto mo gilingin ko yang dila mo sa coffee grinder :)
Joke lang eh. :<
San ka nga pupunta?
Sa SM San Lazaro, kakain lang. Gutom na ko :(
Wala ka na hangover?
Wala na. Pero miss kita.
Magkasama lang tayo kanina.
Gusto ko lagi kita kasama tska nakikita. :3
Clingy, pero ang cute mo. Magkikita naman tayo bukas. :* Sige na labas ka na. Wag ka lang masyado magpagabi.
Yes po. Update kita.
Ingat ka Astrid.
Tinype ko yung I love you pero di ko magawang isend.
Will do. Ikaw din mag-ingat ka. Update mo ko pag pa-out ka na at andyan na si Kuya mo.
Pagkareply ko sakanya ay naligo na ako at nagbihis. Kinuha ang susi ng sasakyan at magdrive na papunta sa mall. Naglalakad lakad lang ako para maghanap ng makakainan ng may narinig akong tumawag sakin.
"Steph?"
Liningon ko ito at nagulat sa nakita.
"Oh my God! Ikaw nga!"
Niyakap ako nito ngunit nanatili ang mga kamay ko sa bulsa ng pants na suot ko kaya kumalas din ito agad.
"Namiss kita. Kamusta ka na?"
"Okay naman ako Ashley."
Walang expression na sagot ko sakanya. Ngumiti ito ng mapait.
"Are you still mad about what happened to us?"
"No but it was my biggest mistake."
"I know I'm at fault and pinagsisisihan ko yon. If you can just give me another chance-"
"No. Excuse me, kailangan ko na umalis. Iniintay na ko ng Girlfriend ko."
Di ko na sya inantay na sumagot pa at naglakad na palayo.
Freya
Kakatapos lang ng shift ko at nagpaalam na ko kila Irene na mauuna na. Kinuha ko yung phone ko para iupdate si Astrid. Malamang nag-aalala na yon.
Astrid, pauwi na ako. Nakaout na ko. Tapos ka na ba kumain?
Habang iniintay ko si Kuya ay chinecheck ko paminsan minsan yung phone ko kung may reply sya ngunit hanggang sa dumating si Kuya ay wala pa rin itong reply.
Pauwi na ko sa bahay. Andito na si Kuya. Are you driving? Drive safely okay? :)
"Tara na?"
Sinuot ko na yung helmet at tumango kay Kuya. Dahil Sunday ngayon, mabilis lang ang byahe kaya 15 minutes lang ay nasa bahay na din kami. Pumasok na ko at nagmano kay Mama.
BINABASA MO ANG
Stay, Stay, Stay (FreenBeck)
FanfictionThis is my first ever story I wrote in Wattpad wherein Astrid (Freen) and Freya (Becky) became college buddies. Freya is oblivious to what Astrid feels for her. What will happen to them if Freya finds out about the latter's feelings? Disclaimer: Thi...