Freya
Astrid accompanied me in my enrollment. It was a smooth process, di kami masyado nagtagal and I was successfully admitted. Dumiretso na kami sa hotel na pinagstayan ko sa may Pasay to get my belongings.
"Ako na dyan. Ito na lahat ng gamit mo babe?"
"Yes po."
Kinuha nya na sakin yung maleta at sya na ang nagdala. Pagbaba ay nilagay nya na sa kotse. Medyo maliit lang yung space nung trunk at buti nagkasya. Dumiretso na kami sa shop.
Hinawakan ni Astrid ang kamay ko at pumasok na kami sa store. Medyo nakakapanibago dahil bago na ang mga chairs at tables. May nadagdag din na decorations.
"Isha?"
Napatingin ako sa harap at nakita si Irene at Seulgi sa may bar counter na tila nagulat nung nakita ako. Nginitian ko ito at nagwaive gamit ang isang kamay ko.
"OMG! Ikaw nga!"
Gulat na sabi ni Irene at mabilis na lumapit samin. Tumingin muna ito kay Astrid na parang nagpapaalaam. Tumango naman si Astrid at binitawan na ang kamay ko. Nagpaalam ito na pupunta lang sa office. Pagkaalis nito ay agad akong niyakap ni Irene bilang pagbati.
"Girlaaaa~ namiss kita. Bigla ka na lang nawala. Ang ganda ganda mo pa din."
"Namiss ko din kayo. Kamusta kayo dito?"
Bumulong ito sakin.
"Yung unang tatlong buwan medyo mahirap. Sobrang grumpy nung boss natin, halos lahat napapansin. Yung ibang crew di na tumagal at nagresign kami kami lang din naiwan. Buti medyo nahimasmasan na nung nakita kaming hirap sa pag accomodate ng mga customers."
I let out an apologetic smile.
"Thank you kasi di nyo iniwan si Astrid."
"Wala yon. Malaki din naman kasi natulong nya samin."
Sabi nito habang naglalakad kami papunta sa may barista counter.
"Kamusta SeulBear?"
Pagbati ko dito.
"Okay naman. Si Irene lang naman nahirapan nung umalis ka bigla, sya na lang ulit yung barista. Hahahaha. Hirap na hirap sya magtrain ng bago. Di daw kasing galing mo. Ikaw ng bukang bibig nyan na 'Buti pa si Isha isang beses lang makita nakukuha agad.' Buti nga di naririnig ni Madam."
Natatawang kwento nito. Kinurot naman sya sa tagiliran ni Irene.
"Ang daldal mo."
Wala naman silang pinagbago. Ganon pa din kakulit katulad ng dati.
"Are you back for good na ba?"
Tanong sakin ni Irene at tumango ito.
"Buti naman, mababawasan na kasungitan ni Madam."
"Ang daldal mo Seul, pag ikaw narinig di kita sasaluhin."
"Feelings ko nga di mo sinalo. Kay boss pa?"
Sinamaan nito ng tingin ang isa. Akala ko naman nagkatuluyan na tong dalawa.
"Di pa din kayo?"
"Hindi pakipot yan si Irene eh."
"Pag di ka tumigil, ihahampas ko sa mukha mo tong pitsel na hawak ko."
"Tatahimik na nga."
Napailing na lang ako sa dalawang to. Wala naman masyadong customer dahil tanghaling tapat kaya nakakapagkwentuhan kami.
BINABASA MO ANG
Stay, Stay, Stay (FreenBeck)
FanfictionThis is my first ever story I wrote in Wattpad wherein Astrid (Freen) and Freya (Becky) became college buddies. Freya is oblivious to what Astrid feels for her. What will happen to them if Freya finds out about the latter's feelings? Disclaimer: Thi...