Chapter 5

1.3K 61 3
                                    

Freya

Huminga ako ng malalim bago kumatok.

"Come in."

Dahan dahan akong pumasok sa office nya. Nakasandal lang sya ng bahagya sa may office table nya.

"Freya, you are aware naman na on duty ka kanina di ba?"

Mahinahon sya today unlike nung mga nakaraan na lagi nya ko napagsasabihan.

"Yes. Sorry."
"This is just a warning, I want you to focus on your job during working hours okay?"
"Yes Maam."

Sabi ko na nakayuko. Kasalanan to nung lalaki na yon e. Pampam kasi.

"Also, please provide me your class schedule para magawa ko yung days kung kailan ka lang pwede mag duty."

Binigay ko sakanya yung schedule ko this sem and tinignan nya uto ng mabuti.

"When do you usually study?"
"Sa gabi bago matulog, around 8pm also during vacant periods."
"Saturday, Sunday, Wednesday. 7-5pm. That's your final Schedule. Ayoko kunin lahat ng oras mo since nag-aaral ka din. Eventually you'll have to do case digests."

Tama nga si Ligaya. Considerate ang Boss namin. Ngumiti ako at nagpasalamat bago lumabas ng office nya.

"Girl, proud ako sayo. Nakasurvive ka."
"OA girl. May diniscuss lang sakin si Ms. Steph."

Syempre di ko na ikkwento na napagalitan ako noh. Kahihiyan ko din yon.

Mabilis na natapos ang araw at kagaya ng sabi ni Irene madami ulit customers nung hapon kaya pagod na pagod kaming lahat kahit si Astrid makikita sakanya na napagod din sya.

"Una na ko Ish, Ingat kayo ni madam pauwi."

Paalam sakin ni Irene pero pabulong yung last part. Kumaway lang sya sakin ng nakangiti at umalis na. Pagkakuha ko ng mga gamit ko lumabas na din ako sa locker room. Nakatayo si Astrid sa may dulo ng hallway habang iniikot yung susi sa daliri nya.

"Di ka pa nakakauwi?"
"Inaantay kita. Sabay na tayo."
"Akala ko ba mainipin ka."
"Oo nga. Tara na."

Halata sa boses nya na pagod sya kaya di na ko masyado nakipagtalo sakanya. Sumunod lang ako sakanya papunta sa kotse.

"Okay ka lang ba?"
"Oo, pagod lang."

I looked at her worriedly. Medyo husky kasi voice nya, not the usual. I touched the side of her cheek with the back of my hand.

"Medyo mainit ka Astrid. Sure ka okay ka lang?"
"Oo."

Di ko na sya masyado kinulit at hinayaan ko na lang sya magdrive. Ilang minuto pa binaba nya na ako sa may stoplight. Pagkadating sa bahay ginawa ko lang yung homeworks ko at nag advance reading. After non, natulog na ako.

Kinabukasan maaga akong dumating sa University, andun na din si Athena.

"Good morning Ish."
"Good morning. Kayo ha? Nagdate kayo ni Amber kahapon."
"Hehehehehe, crush ako ng crush ko. Getting to know each other na kami sismars."
"Iba ka din, ambilis mo ha. Baka naman iwan mo na ko pag naging kayo. Di naman masaket."
"Gaga hindi. Ikaw pa din bestie ko, magiging thirdwheel ka nga lang."
"Wow ha? Salamat."

Tinawanan nya lang ako. Mabilis na natapos yung morning class namin, nagstart na maglectures yung mga prof namin may mga paassignment na nga. Last week kasi puro introduce yourself lang tapos yung iba di pa kami pinasukan.

"Ish lunch na tayo. Andun na daw si Amber."
"Plano nyo talaga kong gawing third wheel noh?"
"Dali na lika na, libre ka na lang namin."
"Kung ganon lang din naman di na ko aangal, kahit habang buhay nyo ko ithirdwheel okay lang."

Stay, Stay, Stay (FreenBeck)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon