Chapter 16

64 2 0
                                    

Chapter 16

Gia's POV

Finally! Nakarating na din sa Mall! Kailangan talaga namin magshopping ni Bes para sa pagpasok namin. Hindi kasi required mag uniform dun and super okay yun para sakin-samin.

Dali-dali kong hinila si Bes sa isang stall at iniwan yung dalawa dun. Hahaha. Bahala sila.

"Bes! Ano ba! Wag ka dyan tumingin! Dito sa mga dress dali!" Sabi ko sakanya. Grabe after 1 week nakapagshopping ulit! Parang hindi ako mabubuhay ng hindi nakakapag shopping. Hahaha.

"Ayoko dyan. Ampanget"

"Hoy anong panget? Mas panget yang taste mo noh! Bat ba mas type mo magsuot ng jeans?"

"Wala. Mas komportable kasi ako. E ikaw bat ang hilig mo sa dress?"

"May fashion sense kasi ako." Sabi ko with a bitchy tone.

"Psh. Fashion sense your face."

"Dali na kasi! Eto oh! I'm sure baay to sayo." Sabay taas ng isang red backless dress na 3 inch above the knee.

"Pinagdamit mo pa ko." Halata sa pagkakasabi nya ang sarcasm.

Pero on the second thought, pwede kaya syang magbackless? Kasi ang pagkakaalam ko may malaki syang tattoo sa likod nya.

"Bes, pwede ka ba magbackless?"

"Oo naman. Kaso di ko lang talaga type yang ganyang dress. Masyadong revealing."

"Diba may tattoo ka sa likod? Yung pinakita mo sakin?"

I felt her stiffed. Anong problema?

"A-ah yun ba? Wala na pinatanggal ko na yun. Di ko nga alam kung bat may ganun ako. Basta pinakita ko sayo yun agad diba? Ibig sabihin di ko alam yun."

Teka, bakit feeling ko masyadong defensive si Bes?

"Ahh okay." Yun na lang ang naisagot ko saka tinuloy ang pamimili ng damit.

After one hour..

Tinext ko na yung dalawang lalaki. Di ko kasi alam kung san bang lupalop nagpunta yung mga yun di naman kami makaalis dito kasi super dami ng pinamili namin. Laspag nga ata card ko kaka-swipe. Hahaha!

Sa sobrang dami namin pinamili, yung iba, pinagsasama na lang namin sa iisang paperbag pero kahit anong gawing siksik ang dami pa din e.

Aish! Nasan na ba yung mga yun?! Nagugutom nako! Hindi naman naimik tong katabi ko simula ng may nagtext sa kanya. Ano kayang sinabi nung nagtext para matulala yan ng ganyan? Di bale na nga.

"Yo!" Sigaw ni Cliff.

"Bat ang tagal nyo?" Tanong ko.

"Hindi kasi namin agad nakita tong store na to."

"Tara na! Daan na lang tayo sa isang drive thru, hapon na oh. Baka magalit na si tita." Sabi ko.

"Bat ang tahimik mo?" Tanong ni Lucas kay Bes.

"H-huh? Ah, wala wala."

"Okay."

Pumunta na kami sa parking lot at halata sa mukha ng dalawang lalaki na nahihirapan na silang buhatin yung pinamili namin. May mga sapatos kasi dun kaya medyo mabigat. Ay hindi mabigat pala talaga.

"Grabe! Sa susunod na mag mall kayo di nako sasama swear!" Sigaw ni Cliff.

"Me too." Sang-ayon ni Lucas.

Aba aba!

"Sabi mo ililibre mo kami Ford?" Napatingin ako kay Bes na may malapad na ngiti. Oo nga noh?

Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon