Chapter 26

17 1 0
                                    

Crimson's POV

"Crimson! Ikaw talaga na bata ka! Ako ang mapapagalitan ng mommy at daddy mo."

"Hayaan mo sila tanda. At hayaan mo na din ako." Walang gana kong sabi kay tandang minerva. Napabuntong hininga naman sya.

"Kumain ka na ba?"

"Nah. Wala akong balak."

"Merong pagkain sa lamesa. Pag nagutom ka kumain ka na kang dyan." Napatingin naman ako sa kanya ng matalim pero baliwala lang sa kanya. Ewan ko ba dyan, bukod sa magulang ko, sya lang ang isa pang hindi natatakot sakin.

Umakyat nako sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay inilatag ko lahat ng armas na dala ko kanina at kinuha ang dagger na ginamit ko para mapatay ang kalaban ko kanina.

How I love the smell of blood. Napa-ngisi naman ako. Malamang ay nakaabot na sa council ng 2nd division ang sinabi ko kanina.

Tumitig ako sa salamin. At ramdam ko ang pagpapalit ng kulay ng kaliwa kong mata. It was crimson red. Labing anim na taong ikinubli.

"Uunti-untiin ko kayo kagaya ng ginawa nyo sa akin dati" ramdam ko ang pagdugo ng mga palad ko dahil sa tindi ng pagkayukom ng mga kamao ko.

I call someone.

"Hello my dear Avien. How's drama?"

[Hindi ko na kaya Young Lady.]

"Ganyan ba ang isang Avien Lee?"

[I called you po kanina. Dapat po may sasabihin ako pero binaba nyo po agad. And you knew that I'm not Avien]

"Of course I know! You stupid! Anong sasabihin mo?" I said in a cold voice. Ramdam kong natigilan sya sa tono ng pananalita ko.

[A-about s-sa nakuha kong information sa mga kumuha sakin kanina.]

"Okay. Meet me."

[Yes young lady.]

There's always a story for every missing piece. And the story is about to unfold sooner.

Nag-ayos nako ng sarili ko at umalis na.

Pagkadating ko sa meeting place namin. Nakita ko syang nakaupo at parang namo-mroblema. Stupid. Di nya ba naisip na nakikita sya ng kalaban nya?

Nagkamali ako sa pagpili sa kanya. That's for sure!

"What's with the face?" Nangingisi kong tanong.

"Young lady!" Nagulat ata sya sakin? Well sino ba namang hindi magugulat kung ang kaharap mo ay kamukhang-kamukha mo?

Napangisi naman ako sa kanya.

"Long time no see, Karen." Ramdam ko ang pagpula ng kaliwa kong mata. I don't care kung makakita. I can shot them dead.

"I'm sorry young lady."

"You should be! You ruined my plans!" Hindi na lamang sya umimik. "So spill it."

"Thet put a microchip on my nape. Sabi nya once I detach it, sasabog daw ito. And he gave me four years to live dahil tinurukan niya ako ng infected blood at elixir na pampabilis ng epekto nito. The infected person usually last for 8 years pero dahil sa elixir, bumilis ang epekto nito. I was being too emotional na hindi naman dapat." I was amused!!

"You're very different now Karen! I can't see any resemblance of your old self! You are no more the EG girl, you know, English Girl?" (A/n: yung tinutukoy ni Crimson is yung sa chapter 2.)

Hindi na naman sya umimik. Ugh!!

"Lemme see." Tumayo sya at tumalikod sakin. Nakita ko yung lump sa batok nya.

Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon