Chapter 21

32 1 0
                                    

Kazmir's POV

Nakipagkita ako sa kung sino mang hudas ang nagpadala ng sulat at litratong iyon.

Sinunod ko ang binigay nyang address at napadpad sa isang abandonadong bahay. Makikita mo sa istroktura nito na luma na at nasunog. Bigla namang nag ring ang telepono ko.

"Ako ba ginagago mo ha?"

"Hahaha! Why would I do that? Gusto mong makipagtulungan sakin para sa babaeng yon diba? Pumasok ka sa lumang bahay na iyan at may malaking kwadradong metal sa sahig at buksan mo iyon. Papunta iyon sa opisina ko."

Binaba na nya ang tawag at sinunod ko na ang utos nya.

May hagdan pababa. Pinasok ko na ang parang basement at nakita ko sa loob ang isang malaking screen at may upuan sa harap nito. Biglang bumukas ang screen at narinig ko ang boses nya ngunit hindi ko parin makita ang kanyang mukha.

"Batang Takahashi, andito ka. Hahaha!"

"Now, tell me. What do you know about that girl." I'm pertaining to Courtney or Avien. I don't care who the hell she is.

"Lahat ng iyon ay palabas lamang."

"What do you mean?"

"Planado ang pagpapakahulog nya sa bangin para malayo sayo. Gumawa sya ng paraan para hindi matuloy ang engagement party nyo dahil una, pinaghihinalaan nya ang ama mo na gusto syang patayin nito at ikalawa, ginamit ka lang nya. Meron silang nakaraan ni Vince at sya ang mahal ni Courtney." Seryosong sabi nya. Napayukom naman ang kamao ko. Lalong nanaig ang galit sa puso ko. Minahal ko sya. Ginagamit lang pala ako. Tanginang yan!

Pinakalma ko muna ang sarili dahil puta, baka masugod ko ang babaeng yon ng wala sa oras.

"Akong bahala magpahirap sa kanya sa loob ng eskwelahan. Ikaw na bahala sa labas."

"Walang problema batang Takahashi."

Lumabas na ako sa lugar na yon. Hindi na muna ako bumalik sa school dahil baka makapatay ako.

Pinaharurot ko ang kotse ko papunta sa bagong tayong battleground. Matagal ng wala at tapunan ng patay ang battleground sa Underground Society.

Uminom ako sa counter.

I just loved a woman na sa tingin ko mamahalin ako. Mali ba yun? Masakit malaman na yung babaeng pinagugulan mo ng luha at oras mo sa loob ng dalawang taon ay buhay at mahal ang isang taong malapit sayo. Nakuha nya pa akong lokohin kanina kasama ng lalaking yun?! Mahal?! Ako?! Tangina yan na naman! Iniwan nya nga ako paano naging pagmamahal yun?!

Di ko inaasahang sa sobrang galit ko nabasag na ang baso sa sobrang higpit ng hawak ko.

Sisiguraduhin kong magdudusa ka, Courtney. Higit pa sa pagdudusang naranasan ko.

--

Maaga akong pumasok ngayon para umpisahan ang pagpapahirap sa babaeng dating mahal ko.

Inutusan ko ang ilang estudyante dito na wag tigilan yung babaeng yon hangga't hindi umiiyak. Malaya silang gawin kahit ano sa kanya. Wala nakong pakialam kung mamatay sya o mag makaawa sakin.

Bela's POV

Narinig ko sa isang estudyante rito na inutusan daw sila ni Kaz na wag tigilan si Courtney. Nagiisip ba sya?! Kahit itinago samin ni Ney ang nangyari hindi namin magawang magalit dahil alam naming may plano sya. Alam ko ring nasasaktan si Kaz pero hindi ko naisip na pwedeng humantong sa ganito! Oh God.

Dumating na si Courtney. Alam kong ramdam nya na may kakaiba at may hindi magandang mangyayari pero bakit? Bakit hindi sya nakilos?!

Hinampas sya ng dos por dos na kahoy ng isang lalaki sa ulo kaya napadapa sya. Nakita naming tatlo yun at agad syang inalalayan.

Two WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon