CHAPTER 6
EFFIE'S POV
Iniwan ko siya sa dancefloor. God! For the second time he kissed me again. Hindi ko alam ang i-r-react ko, gusto ko sana siyang sampalin at sigawan pero hindi ko magawa.
Aaminin ko nasarapan ako sa halik niya pero mali, sobrang mali 'to. Boss ko siya at empleyado niya lang ako. Ayokong masira reputation ko bilang isang sekretarya niya.
Bumalik ako sa table namin.
"Oh, Nasaan na si sir?" tanong ni Jayson, hindi ko siya sinagot bagkus ay tumagay ako ng wine at nilagok iyon.
Naramdaman kong gumalaw ang upuan sa tabi ko. Bumalik na rin siya sa upuan niya.
Tumagay ulit ako at iinumin ko na sana ng biglang niyang inagaw sa 'kin ang wine glass ko.
Tinignan ko siya ng masama ngunit nginitian niya lang ako.
"Thanks," wika niya at tinaas ang baso 'tsaka ininom ang wine na tinagay ko.
I rolled my eyes at tumagay na lang ulit sa isang baso.
"This time, let's listen to Mr. Deville speech. Please give him a big round of applause!" ani ng MC kaya nag palakpakan naman kami.
Umakyat ang isang lalaking medyo may edad na sa stage at nag simula nang mag salita.
Nakatingin ako sa direksyon niya ngunit wala akong maintindihan sa sinasabi niya. Lutang pa kasi ang utak ko dahil manyak kong boss, nakakainis!
Nang matapos mag salita si Mr. Deville ay nakipag-palakpakan na rin ako.
Napahawak ako sa sa magkabilaang braso ko nang makaramdam ako ng lamig. Sabi ko na, lalamigin talaga ako sa damit na 'to. Bakit ba kasi backless 'to?
"Now, Let's Welcome Mr. Roberts, the biggest investor of Mr. Deville. Please give him a warm of applause."
Tumayo na si Wyatt sa upuan niya, pero hinubad niya muna ang coat nito at pinatong sa akin.
"Baka mag kasakit ka, may trabaho ka pa bukas," saad niya at dumeretso na sa stage.
"Ayieee! sana all, concern!" tukso sakin ni Angelica.
Kumunot naman ang noo ko. Concern? Baka na konsensya kamo sa ginawa niya.
"Uy, Jayson bigay mo na rin sa 'kin coat mo, nilalamig ako, oh," pangungulit niya kay Jayson habang nakanguso pa.
"Aba, hindi ko naman kasalanan kung bakit ka nag suot ng tube na dres, ah," sagot niya.
Gustong kong matawa sa reaction ni Angelica, para siyang bata na nag mamaktol.
"Alam mo, hindi ka talaga gentleman! Kainis 'to."
Biglang hinubad ni Jayson ang coat niya at padabog na binigay kay angelica yon. "'Wag mong ibabalik sa 'kin na hindi nalabhan, ah!" asar na wika niya.
"Awiee! Mabait din naman pala, eh. Salamat Jayson," saad ni Angelica at tumawa. Baliw talaga 'to, pero infairness bagay sila maging couple. Ship, ship!
Nang matapos mag bigay ng mensahe si Wyatt ay bumalik na rin sa siya mesa namin.
Nag umpisa na rin ang party, 'yong iba nasa dance floor na at nagsasayawan habang kami ay nasa table lang.
Napatingin ako kay Wyatt pero bigla rin akong napabalik nang makita kong nakatingin din pala siya sa 'kin habang iniinom ang alak niya.
Si Angelica at Jayson ay nsaa dance floor na at nagsasayaw. Kami na lang ni Wyatt ang naiwan sa table.
Ano ba to, naiilang ako. Ang awkward.
BINABASA MO ANG
OBLIVION 1: Wyatt Roberts (Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)
General FictionWyatt Roberts is the chief executive officer of a well-known food enterprise in the Philippines. He already possesses everything, including wealth, good looks, and a healthy body. However, there is one thing he lacks: love. When his girlfriend betra...