CHAPTER 9

12.7K 228 1
                                    

WYATT'S POV

"Effie?"

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa nakikita ko. Basang-basa siya at rinig na rinig ko rin ang pag hikbi niya.

Mas lalong lumakas ang pag iyak nito nang iangat niya ang ulo niya at nakita ako.

Hinubad ko ang coat ko at pinatong sa sa balikat niya dahil nakikita ang panloob na suot nito.

"I'm sorry, nahuli ako."

Hindi ko ma explain ang inis at galit na nararamdaman ko. Sumosobra na talaga ang matanda na 'yon, lahat ay dinadamay na niya.

Pinahid niya ang mga luha niya 'tsaka pilit na nginitian ako.

"Ayos lang ako, sir," aniya kahit kitang- kita naman sa mukha nito na hindi.

Tumayo ito, ngunit hindi pa man siya nakakahakbang ay napakapit na ito sa braso ko.

"Are you okay?" Parang gusto kong sapakin ang sarili ko sa tanong ko, dahil alam ko namang hindi siya maayos.

"I'm fine," sagot nito at nag lakad na palabas ng resto.

Nakasunod lang ako sa kaniya at may napapansin akong kakaiba.

Bigla itong napahinto sa paglalakad. Something's wrong with her.

"Effie?" tawag ko, ngunit hindi siya sumagot.

Ilang sigundo lang, when I found my self running towards her at sinalo siya sa kaniyang bagsak.

"Effie! Effie!?" Tinapik-tapik ko ang pisngi niya but she's unconscious.

"Sir, napano po siya?" tanong ng security guard ng resto ng makitang bumagsak si Effie.

"Open my car's door!" sigaw ko kaya dali-dali naman niyang binuksan ang pinto ng sasakyan ko.

Pinahiga ko siya sa likod ng sasakyan at nag madaling mag maneho patungo sa hospital.

Nang makarating kami sa hospital ay agad siyang tinakbo sa ER.

"Sir, dito na lang po muna kayo," ani ng nurse kaya napatigil ako at nag hintay na lang sa labas ng ER.

Nag hintay lang ako ng ilang minuto bago lumabas ang doctor.

"Doc, how is she?"

"She's okay now. Na over fatigue lang siya. I suggest na h'wag masiyado siyang mag pakapagod sa trabaho dahil magkakasakit talaga siya. Mag pahinga lang siya at magiging okay na siya," paliwanag ng doctor.

Nakahinga ako ng maayos ng marinig iyon. But, at the same time na kokonsensya ako. Last week kasi madami akong pinagawa sa kaniya.

"Puwede mo na siyang puntahan," aniya, bago umalis.

Pag pasok ko, I saw her lying at mahimbing na natutulog.
Umupo ako sa upuan sa gilid ng kama niya.

"Hey, miss suicidal sakitin ka rin pala?"

Inayos ko ang kumot niya at pinagmasdan ito.

"Sige na, kasalanan ko naman kung bakit ka nagkasakit. Kung alam ko lang na sakitin ka, edi hindi na sana kita kinuhang sekretarya." I laughed.

Parang tanga akong kinakausap ang tulog.

"Mag pagaling ka agad, makonsensya ka kay Angelica dahil sigurado na siya ang sasalo ng trabaho mo pag matagal kang nagkasakit. "

Hinawi ko ang buhok niyang nag tatakip sa maganda niyang mukha.

*Phone ringing*

Tinignan ko ang cellphone ko at na buhay na naman ang inis ko ng makita ang pangalan ni tanda sa screen ng phone ko.

OBLIVION 1: Wyatt Roberts  (Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon