CHAPTER 15

11.4K 226 2
                                    

CHAPTER 15

WYATT'S POV

Nandito kami sa office ko ngayon, nakaupo ako sa swivel chair ko habang si Effie ay nasa sofa.

"Bakit ang init ng ulo mo kay Sevv? Wala naman siyang ginagawang masama."

Hindi ko rin alam kung bakit inis ako sa lalaking 'yon. Unang kita ko palang sa kanya 'di ko na siya gusto.

"I don't like him." Umarko ang kilay niya dahil sa sagot ko.

"You dont like him? So, dahil 'di mo lang siya gusto ay kakainisan mo na siya ng gano'n?"

Hindi ako sumagot.

"Wyatt ito na 'yong malaking opportunity para sa atin, sayo at sa kompanya mo. Please consider their offer."

Tinignan ko siya. Matiim lang itong nakatitig sa akin habang nag hihintay ng sagot ko. "Kaya ba gustong- gusto mong tanggapin ko ang offer nila para palagi mong makikita 'yong Sevv na 'yon?"

"Oh, c'mon Wyatt, this not about Sevv, this is about our company."

"W-Wait, are you jealous?"
Nginisihan niya ako at pinangliitan ng mata.

Ako nag seselos? "Why would I?" pa inosenteng sagot ko at inilihis ang tingin sa kaniya.

"Eh, bakit ka namumula?" Lumapit siya sa akin at hinarap ang mukha ko sa kaniya.

Napadapo ang tingin ko sa labi niya.
Damn Effie! Baka ano na naman ang magawa ko.

"You're blushing!" panunukso niya at tumawa.

Bigla kong inilapit ang mukha ko sa kaniya dahilan upang matigilan ito.

"Do you want me to shut you up?" tanong ko at nginisihan siya kaya. Ngumiwi namam ito at agad na bumalik sa sofa.

"Wyatt naman, please accept their offer na. Para rin naman sa company 'yon, e." Ngumuso ito habang nangungusap ang mga mata.

Huminga ako ng malalim at tinignan siya. "Let me think of it," sagot ko.

"H'wag mo nang pag isipan." Nag papadyak-padyak ito habang pinapatulis ang nguso.
Natawa na lang ako, parang bata siyang nagmamaktol.

"Alright, but in one condition." Lumiwanang ang mga mata niya ngunit natigilan din ito at nag isip saglit.

"Sige, ano 'yon?" inosente niyang tanong.

Lihim naman akong napangiti habang tititigan ito.
"Call me love, and pretend to be my fiancèe in front of Sevv, kagaya ng pinapakita mo sa mga empleyado rito.”

Natigilan ito dahil sa sinabi ko.
"But, Sevv is my childhood bestfriend, and he deserve to know the truth. " I just rolled my eyes.

"Ayaw mo? Oh, sige wala na tayong dapat pag usapan pa tungkol do'n sa pag accept ko ng offe—"

"Oo na, oo na!" sagot niya, kaya mas lalong lumapad ang ngisi ko.

"Alright! Tawagin na ang Sevv na 'yon para makapag sign na ako sa inaalok nila."

Masigla siyang tumayo at akmang aalis na sana ng tawagin ko siya.

"Hep! Where do you think you're going?" Umarko ang kilay nito.
"Sabi mo tawagin na siya?"

"Hindi ko sinabing ikaw ang mag tatawag, kaya umupo ka diyan."

Ngumuso ito at kunot noong bumalik sa kinauupoan niya.

"Baka mamaya ay mag yakapan na naman kayo, " he uttered.

"What did you say?" tanong nito dahil hindi niya masiyadong narinig ang sinabi ko.

OBLIVION 1: Wyatt Roberts  (Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon