"Tita, uuwi muna ako para kunin ang mga gamit ni Wynter, ha. Kayo na po muna ang bahala rito," paalam ko."Okay, mag iingat ka," aniya at niyakap ako.
"Opo, babalik po agad ako," sagot ko.
Nilapitan ko muna si Wynter na karga-karga ni Alcina at hinalikan sa noo. "Balik agad si Daddy baby," saad ko at sandaling nilaro-laro muna ang kaniyang kamay bago lumabas.
Pag dating ko ng bahay ay malinis na ang sahig na pinagyarihan ng insidente. Mukhang pinalinis na ni Sevv.
Dumeretso na ako sa taas para kunin ang mga gamit at damit ni Wynter para dalhin sa hospital. Pag labas ko ng closet ay umupo muna ako sa kama. Binuksan ko ang drawer ng bedside table para kunin ang charger ng phone ko nang makita ko ang isang sobre sa loob nito. Dahil sa curiosity ay binuksan ko iyon at nagulat ng mabasa ang naka sulat sa papel.
"GET READY, EFFIE, BECAUSE I'M GOING TO COLLECT A DEBT."
Umigting ang panga ko at nailukumos ko ang papel. Bakit hindi sa 'kin sinabi ni Effie ang tungkol sa sulat na 'to? Damn! Chelsea, I'm going kill you!
Umupo muna ako sa kama at kinalma ang sarili ko. Kailangan kong mapatunayan na si Chelsea ang may gawa kay Effie no'n. Ipinikit ko ang aking mga mata upang makapag-isip nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Tinignan ko 'yon at nakita kong si Alcina ang tumatawag.
"Hello.."
"W-Wyatt.." Bigla akong kinabahan ng marinig ang boses niyang umiiyak.
"Wyatt...w-wala na siya. Iniwan na tayo ni E-Effie." Humagulgol ito sa kabilang linya.
Parang nabingi ako sa narinig ko. "W-What?" Baka mali lang ang narinig ko.
"Wyatt.. wala na s-siya." Rinig-rinig ko ang ang hagugol nila ni tita mira sa kabilang linya.
"No..no.. no! Anong sinasabi mo!? H'wag kang mag salita ng ganiyan!" sigaw ko at pinatay ang tawag.
Agad akong bumaba ng bahay dala ang mga gamit ni Wynter at mabilis na sumakay ng sasakyan. Pinihit ko na nang napakabilis ang sasakyan ko na halos liparin ko na ang daan papunta sa hospital.
Hindi.. hindi puwedeng mangyari 'to! Hindi ko kakayanin.
Pag dating ko sa hospital ay mabilis akong tumakbo patungo sa PACU. Bigla akong napatigil nang makita sina Alcina sa labas kasama si Tita Mira na humahagugol sa iyak.
"Wyatt..." tawag sa'kin ni tita habang umiiyak.
Napaawang ang labi ko at nilukob ng sakit ang dibdib ko. Dahan-dahan akong nag lakad papasok sa PACU. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng makita kong natatakpan na ito ng puting kumot.
Napahawak ako sa dibdib ko habang dahan-dahang lumalapit sa kaniya. Ramdam ko ang panlalamig at pangagatog ng tuhod ko.
Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang kumot at binuksan iyon. Parang binagsakan ako ng langit at lupa nang makita ang nagungulay asul niyang mukha.
"Love..." Hinawakan ko ang pisngi niya at dahan-dahan itong hinimas.
"Love...bakit ang lamig mo?" Sunod-sunod na kumawala ang mga luha sa mga mata ko.
"Love, anong nagyayari sa 'yo? B-Bakit ang lamig mo?" Tinanggal ko ang suot kong coat at pinatong sa kaniya.
"Love, h'wag ka namang ganiyan... bumangon ka diyan."
Humagulgol na ako habang hawak-hawak ang mukha niya.
"Love! H'wag ka namang ganiyan... bumagon ka na!”
BINABASA MO ANG
OBLIVION 1: Wyatt Roberts (Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)
General FictionWyatt Roberts is the chief executive officer of a well-known food enterprise in the Philippines. He already possesses everything, including wealth, good looks, and a healthy body. However, there is one thing he lacks: love. When his girlfriend betra...