CHAPTER 13

11.7K 231 1
                                    

CHAPTER 13

EFFIE'S POV

Ilang araw rin akong na sa bahay matapos ang nangyari noong gabing 'yon. Tatlong araw akong pinag leave ni Wyatt, at dahil sa mabait ako hindi na ako nakipag talo, maayos na rin 'yon para iwas sa chismis. Sigurado kasi akong matapos ang gabing 'yon ay pinag uusapan na ako sa company
Sino ba naman ang hindi magugilat ano, Effie Cynara from Secretary of WR food company tapos bigla naging fiancée ng CEO ng kompanya?

Pag pasok ko ng building bay napailing na lang ako sa mga bulong-bulongam sa hallway. Akala ko nakalimutan na nila 'yon dahil tatlong araw akong wala, hindi pa pala.

"Diba siya na 'yong Fiancée ni sir Wyatt? Paano sila nag karelasyon, e bago pa lang 'yan dito. "

"Siguro nilandi nya si sir Wyatt, hindi naman mahirap 'yon lalo na pag secretary ka madali ka makakalapit kay sir." Palihim akong natawa sa sinabi niya. Hindi mahirap? Baka nasubukan na niyang lumandi sa CEO?

"Yeah, she is totally slut and I hate her!

I hate you Wyatt! Pinag chichismisan na tuloy ako, puro naman fake news.

"Akala ko pa naman si Ma'am Chelsea na 'yong fiancée ni si, 'yong secretary niya pala," ani pa no'ng isang empleyado at tumawa.

"Ang aga-aga pinagchichismisan niyo ang buhay ng may buhay! Bumalik kayo sa mga trabaho niyo!"

Napaangat ang tingin ko sa babaeng sumigaw, si Angelica.

Nagsialisan naman ang mga empleyadong nag bubulong-bulongan sa hallway.

"Good morning! Effie, or should I say Ma'am Effie?" Ngumiti siya at niyakap ako saka tumalon-talon.

"OMG Girl! Hindi mo man lang sinabi noong una palang na may relasyon pala kayo ni sir Wyatt, hindi tuloy ako na orient," aniya at ngumuso.

"By the way, kumusta ka na pala? Gaga ka, tinakot mo ako no'ng gabi na 'yon! Akala ko talaga ay iiwan mo na kami.

Mahina akong tumawa, babae talagang 'to. "Ayos na ako, don't worry," ani ko at nginitian siya.

Sumama siya sa'kin papunta sa office ko dahil gusto niya raw munang makipag kuwentohan.

"Mag kwento ka dali! Paano kayo nagkakilala ni sir, at kailan pa kayo naging kayo?" excited na tanong nito sabay upo sa sofa.

Huminga muna ako ng malalim at umupo sa tabi niya.

"Ano kasi, eh... hmm hindi--"

"Diba sabi ko sa'yo susunduin kita? You're not answering my call either."

Biglang naputol ang sasabihin ko ng biglang pumasok si Wyatt.

"And you, what are you doing here?" tanong niya kay Angelica na napaayos naman ng upo at pilit na nginitian si Wyatt.

"Goodmorning, sir." bati nito sa kaniya ngunit tinaasan lang siya ng kilay ni Wyatt.

"Answer my question in 3seconds 1--"

"A-ah, eh kinamusta ko lang naman at binati ang fiancée niyo sir. Diyos ko naman baka mamaya niyan tanggalan niyo ko ng trabaho," natataranta niya namang sagot.

Natawa ako sa reaksyon ni Angelica, parang bata itong nabuking.

Kumunot ang noo ni Wyatt na parang hindi ito ma naniniwala sa sinabi ni Angelica.

"Sir naman kasi, curious lang ako kung kailan naging kayo ni Effie, nakakagulat naman kasi ano. Hindi nyio man lang pinaalam noong una palang, kaya ngayon pinag uusapan si Effie sa labas."

Parang gusto kong batukan si Angelica dahil sa sinabi niya. Kahit kailan talaga ang babaeng 'to hindi nakakapag preno ng bibig.

"Pinag uusapan? "

OBLIVION 1: Wyatt Roberts  (Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon