2nd Year, 1st Chance

26 1 0
                                    

SSSCCCHHOOOOLLLL

K-R-R-RI-I-I-N-NG-G-G-G

Ayun na naman yung buzzer! Pero sa di inaasahang pagkakataon, magkaklase na naman kami nang mga kabarkada ko. Ang sayyyyaaaa!! Sila Kev, Ceasar at Heinz magkaklase din pero sa ibang section nga lang. Sayang!

Nagulat ako bigla nung nakita ko yung isang lalake na pumasok sa room namin. Si Terrence!

OMG! Magkaklase na naman kami ni Terrence. Hindi ko alam kung magiging masaya ako o hindi kasi nga kaklase din namin si Sam, sigurado, lalandiin na naman niya si Terrence. </3

Terrence: Huy! Kumusta? Akalain mo ba naman, magkaklase na naman tayo. Asan sila Kev?

Sam: Magkaklase din daw sila Kev, Ceas, at Heinz. Sa ibang section nga lang. Tinext ako ni Heinz kanina.

Kim: Ang swerte mo ah! Napasama ka na naman sa mga magagandang dilag na gaya namin.

Terrence: Luh, naka bakasyon pa ata pag iisip mo Kim.

Nagtawanan nalang kami.

Ako: Second years na tayo. Ano pa kaya ang bago?

Kim: Gusto mo nang bago? Magka boyfriend ka kaya? HAHA

o.O Matagal na din kasi nung magkaroon ako nang love life. I mean, ang bata ko pa para dun. Pero naranasan ko na din mainlove, hindi nga lang ganun kaseryoso. XD lumandi din ako nun, konti. HAHA

Nakapagtataka, hindi gaano kinakausap ni Sam si Terrence. Ano kaya'ng meron?

Sam: May nakita ako kanina. New student ata pero di ko alam kung anong section niya. Pasama naman ako mamaya. Mag boy hunting tayo. :D

Ehh kaya naman pala! May nakitang ibang gwapo tong babaeng to kaya di pinagtutuunan nang pansin si Terrence. ay ay, Feeling ko tuloy ako na ang pinakamaswerteng tao sa mundo.

Kim: Alam mo ba kung parehong 2nd year yun? Baka naman freshmen ah. Ikaw talaga, pag dating sa mga lalake, ang talas nang paningin mo!

Sam: Ang ampalaya, kinakain. Hindi inuugali. Kelan ka pa naging bitter? Maging masaya ka nalang para sakin. HAHA

Di ko mawari kung joke ba yun or humour lang talaga niya. Ay ewan!

It Doesn't Always Last &lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon