All in One

25 2 0
                                    

Hindi ko pa pala nababanggit, may mga kabarkada din si Terrence sa room. Sila Ceasar, Heinz at Kevin. Gaya namin, matagal na rin silang magkakaibigan at magkakalapit lang din sila nang tirahan. Ang cool lang talaga, parehong-pareho kami. XD

Habang tumatagal, nagiging close kaming apat kila Terrence. Di tumagal, parang nag assume na rin kami na iisang grupo nalang kami dahil madalas kami gumala na magkasama.

Ang bilis nang panahon, matatapos na pala ang school year. Anytime soon mag 2nd year high school na kami. :/

.

.

.

.

.

.

Ayun nga, summer break na. Nagdesisyon ako na magbakasyon sa Probinsya nang papa ko kasama yung mga kapatid ko. Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko tska ako lumisan.

.

.

.

.

.

PROBINSYA

"Stacy wala na 'kong load. Pasama naman ako sa store paload tayo."

Siya si Emily, pinsan ko. Hindi ko matanggihan tong babaeng to!

Ako: Sige, magpapaload din ata ako. Tagal ko na di nagload baka amagin yung cellphone ko.

Pumunta kami sa store nagpaload, pauwi na kami nung may nagtext sakin na unknown number. Ang weird lang kasi sabi sa message "Hi. Nagdodota ka ba?" o.O

Di ko din nababanggit, Oo, marunong ako magdota pero sakto lang. Di ako pro. Nagpaturo ako nun sa bunso kong kapatid kasi mahilig din siya magdota tska tinuruan din ako ni Kevin, yung friend ni Terrence na friend na rin namin.

Rineplyan ko siya "Who's this po?"

English para sosyal. HAHA

Pero familiar yung number, parang kilala ko. Para makasiguro, tinext ko si Ceasar, tinanong ko kung kaninno yung number na yun. Nagulat nalang ako nung nag reply si Ceasar.

"Si Terrence yan. Bakit?"

o.O Hindi ko alam kung paano ako mag re-react pero kumalma lang ako. Tinext ko ulit yung number: "Terrence?"

"HAHA gotcha!" reply niya.

Mula nun, naging magtext mates na kami ni Terrence buong summer. Di ko na pinaalam sa mga kaibigan ko kasi nga yung situation na crush siya ni Sam.

Natapos na ang summer break, anytime soon pasukan na naman! Ang bilis talaga nang panahon. Bukas babalik na ulit kami sa siyudad, back to school na naman.

It Doesn't Always Last </3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon