Masaya ang start nang school year. Mas nakakabonding kami magbabarkada. Basta masaya kami lahat.
One night.
BZZZZZZ
Nagvibrate yung phone ko. Busy ako sa kaka-facebook ko. Dati rati pag kaharap ko mga social sites ko, wala akong pakealam sa phone ko. Pero bakit parang may outside force na nagsasabi na basahin ko yung message, So ayun, binuksan ko yung message.
O.O O.O O.O O.O O.O
Si Terrence nagtext! Utang na loob, wait. Kinikilig ako. HAHA
"Good eve Stacy! Kumusta?"
Ay, parang ang tagal na namin di nag usap ah. Nangumusta agad? :D Pero okay lang. HAHA
"Okay lang ako, ikaw ba?"
"Okay lang din."
Gaaaah! Ayoko pa matapos yung conversation pero di ko alam kung ano pwedeng pag usapan! -__-
Nagtext ulit siya. O.O
"Stacy, di na ko magpapaligoy-ligoy pa. Can you be my girl?"
Na shock ako sa nabasa ko. Literal na nashock ako talaga. Hindi ko alam kung dapat ba kong sumaya, o magduda. Hindi ko maexplain yung gusto nararamdaman ko. Yung feeling na parang lahat nang swerte napunta sakin. Ngayon lang ako nakaramdam nang ganito.
"Luh, Terrence ikaw ba to? Lasing ka ba?"
"Ano? hindi ako lasing ah. Grabe naman to."
"Ehh, late na Terrence. Maaga pa pasok natin bukas, tulog na tayo. Goodnight."
"Ah, sige Stacy, Goodnight."
Tell me something I dont know?! Wala akong choice kundi i-end yung conversation. O.O inshock parin ako pagkalipas nang ilang minuto. Di ko parin binubura yung message niya sakin. Hindi ako makapaniwala sa text niya.
Hindi ako talaga dapat maniwala kasi text lang yun. Baka pinag tri-tripan lang ako. Ay ewan! Anu ba yan! Gaaaaah! Hindi ko to babanggitin kila Kim. Hindi pwede.
KINABUKASAN
Walang kakaiba sa araw na to. Normal kaming nag uusap ni Terrence pero mas malapit na kami kesa sa dati. Wala nang mas sasaya pa sa araw na to. Sana di na to matapos. Masaya ako pag kausap ko siya, sana ganun din siya sakin. :>
K-K-R-R-R-R-I-I-IN-N-N-NG
Hays! Dismisal na. :/ Pero okay lang. may bukas pa naman. :D Narealize ko sa araw na to, hindi ko lang siya crush. talagang gusto ko na siya. :)
Ngayon lang ulit ako nakaramdam nang ganitong feeling. Naiinspire ako tuwing nakikita ko siya, tuwing nag uusap kami. Ginaganahan ako palagi. Love na nga ba talaga to? SANA.
KINAGABIHAN
B-Z-Z-Z-Z-Z-Z
*OPENING MESSAGE*
Nagtext ulit si Terrence. Syempre, itinigil ko na naman yung pag iinternet ko para makatext siya. :D
"Hi Stacy!"
"Hi Terrence. Napatext ka?"
Para di naman halata na hinihintay ko yung text niya. HAHA
"Magtatanong ulit ako. Sana sagutin mo. Pwede ba kitang maging girl friend?"
O.O
Sino ba mag aakala na tatanungin na naman niya yun. Impossible naman ata na hindi siya tong katext ko.
"Seryoso ka ba?"
"Matagal na kitang gusto. 1st year palang tayo. Kaya ko kinuha kay Ceasar yung number mo para itext ka nung summer. Ngayon lang ako nagkaroon nang chance para ipaalam sayo kasi akala ko nun umiiwas ka sakin."
Aww! Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Mag eexplain ba ko? Wala naman akong dapat i-explain sakaniya. :/ Totoo kaya lahat tong nababasa ko?
"Ehh kasi gusto ka ni Sam kaya medyo umiwas ako konti. Ayoko kasi na isipin ni Sam na may kaagaw siya sayo."
"Kung ganun, matagal ka din may gusto sakin?"
Teka, ano? gaaah! hindi talaga ako nag iingat sa mga tinetext ko. :/ Anubayan! wew! Here goes nothing.
Nagtext ulit siya.
"Tatanungin ulit kita. Di na ko papaligoy-ligoy pa. Pwede ba kitang maging girlfriend?"
Anong sasabihin ko? Gusto niya ko, gusto ko siya. Pg umoo ako, hindi ko kaya pagsisihan to? Ano kaya mangyayari? Hindi ako magaling sa mga ganito. Anong gagawin ko?
Pero kasi, opportunity to eh. Pano kung inayawan ko siya, tas may makita siyang iba? Pano nalang ako? Ngayon lang ulit ako nakaramdam nang happiness nang dahil sa isang lalake. Gaaaaahhhh!! BAHALA NA NGA!
.
.
.
.
.
.
.
.
"Oo Terrence. "
BINABASA MO ANG
It Doesn't Always Last </3
Teen FictionHindi lahat nang fairy tale stories may happy ending. Hindi lahat nang panahon magiging masaya tayo. Pero nasa-saatin kung pano natin ipaglalaban yung kung ano sa tingin natin ay tama. ^^