Laking gulat ko nung narinig ko si Terrence. Agad kong tinanggal yung kamay niya sa mukha ko sabay lingon sakaniya.
Ako: Anong ginagawa mo? baka may makakita satin!
Terrence: Cool ka lang. Walang nakakita, wag paranoid. Love you!
Ayuneeeh! yiie yiie yiie! Kinikilig ako to the max, to the highest level. Ngumiti nalang ako para di gaanong halata. HAHA
Ang kulit kulit ni Terrence, pinipilit niya 'kong subuan nang Piatos na dala niya. Tumingin muna ako sa paligid tska ko na tinanggap. HAHA Para safe, lmao.
Tuloy-tuloy yung kulitan naming dalawa sa school. Kasi nga di pa kami legal sa lahat nang tao, wala pa muna kaming formal date. Okay lang yun. Basta nagkikita kami sa school, nag-uusap at nag kukulitan, solve na ko dun.
Pero sanhi nang pagiging malapit namin sa isat-isa, di namin mapigilan na di mag usap hangga't sa nakahalata na ang lahat.
Nessie: Stacy, matanong ko lang. Seryosong tanong, seryosong sagot. Ikaw ba ehh, may gusto kay Terrence?
Nagulat ako sa tanong ni Ness. Hindi ako makatingin sa mga mata niya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Di ko alam kung hanggang saan aabot yung tanong niya.
Ako: Ha? Ano?
Nessie: Narinig mo ko. May gusto ka sakaniya noh?
~May narinig kaming sigaw mula sa may door.~
Sam: Ness, Stacy!
Tila excited si Sam. Agad-agad siyang pumasok sa room sabay hila samin ni Nessie.
Sam: Ayun yung crush ko! Tara sundan natin!!!
Anak nang tipaklong naman! Yung totoo?! -____- Mapapasubo na naman kami dito. Boy hunting! kakahiya. Pero okay na rin yun. Atleast nakatakas ako sa awkward moment namin ni Ness! Haaayyy
.
.
.
.
Kim: Oh ano? Masaya ka na? Mark yung pangalan. Pero mas matanda sayo nang isang taon. 3rd year na siya section B. Okay ka na?
Sam: *blushing* ang gwapo niya talaga! *puppy eyes*
Kim: Asan si Ness?
Ako: Di ko alam eh, Baka nag washroom lang o may binili.
.
.
Pagkaraan nang ilang minuto, dumating si Ness na parang tuwang-tuwa. Parang nakasagap nang isang exciting na balita dahil sa bilis nang takbo niya papuntang room. Kung makatalon pa kala mo New year, magpapatangkad, ang taas! -___-
Nessie: Teka! hinihingal ako!
Ako: Malamang para kang nakikipaghabulan sa aso eh. Anyare sayo?
Nessie: Ikaw Stacy! Kala mo ba matatago mo to nang matagal?
Ako: Ang alin?
Nessie: Ikaw ba aamin o ako mismo magsasabi?
.
.
Oh crap! Alam niya na! Gaaaahd! Pano to?! Ano sasabihin ko? Teka, pano niya nalaman? Baka naman iba yung iniisip niya.
Ako: Ehh ano nga yun? Di ko alam sinasabi mo.
*Sabay tingin sa floor*
.
.
.
Nessie: Sila Terrence at Stacy na. Yung gf pala ni Terrence na nabanggit ni Heinz, si Stacy pala yun.
o.O Holy smoke! Ipinaglandakan ba naman?! Lahat nang classmates namin napatingin. -___- Bigla kong tinakpan nang notebook yung mukha ko dahil sa sobrang hiya. Di ko alam kung pano mag re-react. Someone, kill me now!!! HUHU
BINABASA MO ANG
It Doesn't Always Last </3
Teen FictionHindi lahat nang fairy tale stories may happy ending. Hindi lahat nang panahon magiging masaya tayo. Pero nasa-saatin kung pano natin ipaglalaban yung kung ano sa tingin natin ay tama. ^^