K-R-R-R-R-I-I-N-N-G-G
Dali dali akong bumangon sa aking kama nung marinig ko yung alarm ko. Excited ako sa araw na to kasi first day of High school.
Ako pala si Stacy Reyes, first year high school. Simple lang ako pero minsan din nakikiuso. Meron akong tatlong best friends sila Kim, Nessie at Sam. 7 years na kaming magkakilala. Ganun na pala kami katagal.
Dahil first day of school sabay-sabay kaming papasok ako yung susundo kasi ako yung may pinakamalayong bahay sa amin. Magkakatabi lang kasi kami nang bahay pero sa pinaka dulo ako. Nakagawian na namin yung ganong sistema.
SCHOOL
Kim: Grabe! Parang kelan lang nung una tayong magkakilala, ngayon high school na tayo.
Nessie: Ang bilis nang araw.
Sam: Sana pati college magkakasama parin tayo noh?
Ako: Ang aga-aga nang mga drama niyo parang gra-graduate na tayo agad nang high school. Forever tayo! Tara na, baka malate tayo.
Ayoko talaga nang masyadong madrama pero kapag ako yung nag drama, ay ay sagad sagad promise!
...
Inannounce na yung sections namin. At sa pambihirang pagkakataon, magkaklase kaming apat. Ang swerte namin!
Pumunta na kami sa assigned classroom namin. Medyo tahimik at nahihiya pa kami kasi kaming apat lang yung nanggaling sa iisang elementary school. Halos lahat nang ibang kaklase namin galing sa iisang school. Ang awkward pero kakayanin! :O
Umupo ako sa 1st row, 2nd seat, tumabi sa 3rd row, 2nd seat si Nessie, at sa 3rd row 3rd seat si Kim at 4th row 2nd seat naman si Sam.
Magsisimula na yung klase nung may kumatok sa pintuan. May pumasok na isang lalake.
"Mr. Cruz?" sabi nang teacher
"Yes ma'am." sagot nung lalake
"Sige, jan ka muna sa likod ni Miss Reyes habang inaayos ko yung seat plan"
Shocks! Bakit dito pa?! -__- Oh well,
"Kukunin ko lang yung attendance sheet class, wag maingay"
....
"Hi Miss, Ako pala si Terrence"
Nagulat ako nung nagsalita siya. Tumingin ako sa mga kaibigan ko pero nakatitig lang din sila na para bang sumesenyas na pansinin ko yung lalake.
Tumalikod ako, "Hi, I'm Stacy." sabay ngiti.
Napangiti din siya.
Gaaaaaahh! Ang cute cute nang smile niya! :'>
BINABASA MO ANG
It Doesn't Always Last </3
Teen FictionHindi lahat nang fairy tale stories may happy ending. Hindi lahat nang panahon magiging masaya tayo. Pero nasa-saatin kung pano natin ipaglalaban yung kung ano sa tingin natin ay tama. ^^