Love is in the air

47 2 2
                                    

Hindi niya ko linigawan, nagtanong lang siya, umoO ako. Naging kami sa simpleng text lang. Easy to get ba tawag dun? Hindi ko inexpect na magiging ganito ang sitwasyon, na magiging kami sa isang iglap lang. Pero ano magagawa ko? Mahal ko talaga siya eh. Ngayon nasasabi ko na mahal ko na siya. Hindi ko nalang siya crush. Mahal na mahal ko na siya talaga.

Terrence: Totoo? Sinasagot mo na ko?

Ako: Baka gusto mong bawiin ko?

Terrence: Wag! Promise, di ka magsisisi. Salamat. Pero may hihingin sana akong favor sayo, kung maaari lang.

Wow ha! May favor agad?

Ako: Ano naman yun?

Terrence: Okay lang ba kung sikreto muna natin tong relasyon natin? Kung okay lang sayo?

Oo nga. Baka kung anong isipin nang iba. Ayoko rin na isipin nila na easy to get ako.

Ako: Oo, ayoko din na mainvolve sa kung anong issue jan. Secret muna natin. :)

Terrence: Thank you. Tulog na tayo babe. I love you

o.O GAAAAAAH! Kutungan niyo nga kooooo! Para akong nananaginip! Totoo ba tong nababasa ko? :D Lalo akong naiinlove sa kanya, pano pa kaya pag sa personal niya sinabi to?! Ay ay ay, ako na pinakamasayang babae sa mundo. :)))))))

Ako: Cge, Goog night! Sweet dreams.

Terrence: Wow! Ang sweet ah.

Ehhhh, bakit kasiiii! HAHAHA Napaka conservative ko lang. :P

Ako: Ehh matulog na tayo. Bukas nalang ulit. :D :*

.

.

Yan nalang yung last na reply ko sakanya. Ang saya ko. Feeling ko magiging masarap tulog ko neto, pero parang hindi ako makakatulog sa kakaisip na commited na ko sa isang tao na matagal ko na ding pinangarap. Ang corny ko! Ganito ba talaga pag inlove?

Makatulog na nga, dami kong satsat. :)))) Good night.

.

.

.

.

.

.

KK-RRR-RR-IIII-NN-G-G-N-G--

Pagkarinig ko nang alarn ko agad agad na kong bumangon. Di na ko kailangan pang gisingin ni mama. Nakakapagtaka, may ngiti na agad agad sa mukha ko. I checked my phone, may message si Terrence.

"Good morning Beautiful."

Enebeyen! Kinikilig ako! Dahil sa sobrang saya ko nakalimutan ko na magreply sakaniya. Yung message niya sakin ang nagpapatunay na lahat nang nangyari kagabi ay totoo. Siguro nga seryoso siya, SANA.

Bumaba na ko, nag ayos, nag almusal.

Mama: Oh, ang aga mo ata ngayon. Blooming ah. Anong meron?

Sumobra ba pag aayos ko? o talagang kitang-kita lang sakin na masaya ako? :D Ganito pala pag inlove, MASAYA.

Hindi nalang ako umimik, ngumiti nalang ako kay mama.

~SCHOOL~

Kim: Oh, medyo napaaga ka naman ngayon Stacy.

Ako: Ah, di ako nag puyat kagabi ehh.

Nessie: Pansin ko nga, nung nag online ako mga 12 ehh offline ka. Makikipag kwentuhan sana ako eh.

Ganun kami ni Nessie. Babad kami palagi sa internet- facebook, twitter, plurk, bebo, tumblr. Parang lahat nang social sites meron kami. HAHA Pag may bagong social site, inu-update niya ko agad tas gumagawa kami nang mga accounts namin. Pag boring, delete o deactivate agad, kaya ang dami din naming email add. HAHA

Ako: Ano naman pagkwe-kwentuhan natin?

Kim: Nako! Kayo talagang dalawa, Kung mag kwe-kwentuhan kayo, wag online. Isama niyo naman kasi ako diba?

Si Kim kasi, ayaw na ayaw niya na nagpupuyat. Mamumula kasi mga mata niya parang magkaka allergy. hehe

Dumating na si Sam.

Sam: Hi Friends. Good morneng!

Kim: Oh, Akala ko ba mag bo-boy hunting tayo today? 5 mins nalang mag be-bell na.

Nessie: Wag mo sabihing nakalimutan mo? Di ka naman nakakalimot pag lalake pinag uusapan ah.

Sam: Alam niyo di ko alam kung talagang joke yan o iniinsulto niyo na tlaga ako!

Ako: HAHA eh bakit ba kasi ngayon ka lang?

Sam: Nagkwentuhan kami nila Heinz sa may gate. Di ko alam na may girl friend na pala si Terrence? Kelan pa?

HUWWAAATTT?! Teka, bakit alam nila Heinz?! Akala ko ba secret lang yun? Pambihira naman Terrence!

**Kamot ulo**

Nessie: Oh, kung makakamot ka Stacy! May kuto ka ba? HAHA

Ako: Ha? Ano?

Kim: Ang weird mo ah. Wait, si Terrence may gf na? Kelan pa?

Sam: Anak nang! Yan din yung tanong ko eh, Ano to give & take?

Ako: Ehh, hayaan niyo nalang yun. Ano naman kung may gf siya?

Sam: Sabagay. Gwapo din yung kaibigan natin.

~KKkK-RrRr-IiIi-NnN-GgG~

Sa wakas nag bell na! Di ko alam kung pano ako makakaiwas sa mga ganito! >.<

Pumasok na si Terrence. Shocks! Ang gwapo niya! Tumingin siya sakin sabay ngiti. Gaaaaaaah! Anubayan! :DDDD

.

.

Umupo siya sa harap ko, ganun kasi yung seating arrangement. Ang gwapo na nga niya pag nakaharap, ang gwapo parin niya pag nakatalikod. Ay heaven lang talaga! 

Sam: Hoy Terrence! Di ka nagsasabi ah, may girlalu ka na pala! 

Terrence: Ha? Sino maysabi?

Nessie: Nabanggit daw nila Heinz kay Sam. Pero di nila sinabi kung sino. 

Ang ingay naman nang mga to! -___- Hindi ako pwedeng mag pa-apekto! 

Ngumiti lang si Terrence. Hindi na siya nagsalita kaya tumahimik na rin yung dalawa. Hindi naman siya galit kaya wala na siguro akong dapat ipag alala. 

Break time na. Sa wakas! Nagutom ako sa Math na yun! -_-

Kumakain ako nang siopao sa room,pumunta nang canteen yung tatlo para bumili nang juice. Nagulat lang ako nung may umupo sa likod ko sabay takip sa mga mata ko. 

Ako: Oh, anong trip yan Nessie? Ano na naman ang ayaw mong ipakita?  

Si Nessie ang palaging gumagawa nang ganito samin. Lalo na pag meron siyang ayaw ipakita. Pati pag meron siyang ayaw tignan, ganun siya magtakip nang mga mata niya. Parang bata pero ang cute cute. 

Nagulat nalang ako nung: 

"Anong Nessie? Guess again"

OMG! Si Terrence ba to? Hala! Teka, bumibilis yung pintig nang puso ko. Feeling ko pinagpapawisan ako. Hindi ako makapag salita. Baka may makakita samin! Anong gagawin ko?! yiiiie! Kinikilig akooooo! Pigilan niyo koooo! <3 

It Doesn't Always Last &lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon