Chapter 01

35 18 22
                                    

In my first day of High School ay wala akong ni isang kaklase na naging kaklase ko noong Elementary.

Pagpasok ko ng Grade 7, nakita ko ang aking mga kaklase na nagmula sa mga malalayong lugar.

Wala akong kilala sa kanila kahit isa.

Nakikita kong pare-parehas kami ng sitwasyon. Nagtitinginan lang kami at wala talagang nag-uusapan.

Tapos, nakita kong pumasok ang aming teacher at pumunta agad sa aming harapan dahil na-late na siya.

Nagpakilala agad siya.

"Good Morning Class! I am your adviser for today. I am Mr. Vhong."

"Navarro?" Tanong naming lahat tapos nagtawanan kami sa aming pagka-assuming.

"Oh my gush? No. I'm Vhong Marcus from the land of rice."

Napansin kong may pagkafeminist ang kanyang boses. Hindi naman siya bakla pero may pagkakilos babae siya.

Dahil nga nagpakilala ang aming teacher ay ninais rin niyang magpakilala kami.

Habang nagpapakilala sila ay nagcompose na rin ako ng sasabihin ko.

Lumalakas ang aking kaba kapag papalapit na papalapit na sa akin ang tadhana.

Hanggang sa dumating ang puntong ako na ang susunod.

"Ako si Tasyo del Tacio, 13 years old from the land of Tobacco."

Nang matapos ay biglang gumaan ang aking pakiramdam. Parang natanggal ang tinik sa aking lalamunan.

Habang nagrerelax ako, akala ko ay tapos na ang introduction.

Meron pa palang isang hindi tapos.

"I am Jopay Cumustacana. 13 years old from the land of Garlic."

Pagtingin ko sa kanya ay nahumaling ako sa kanyang ganda. Biglang napaslow-motion ang aking mundo.

She is very attractive. Geez. What this feeling called?

Tapos, mas lalong kuminang ang kanyang imahe pagtingin niya sa akin. Sheesh.

Then, hindi ako makapaniwalang kinindatan pa niya ako. Ta's may pataas kilay pa at pangiti.

Oh my gush, my heart is racing. Wala naman akong sakit sa puso, arrythmia nan o palpitation. Nagpawis na rin ako sa sobrang init.

Iba ang pakiramdam ng ganitong feeling.

Pero biglang may tumapik sa akin na siya namang gumunaw sa aking mapalaparaisong mundo.

"Ikaw si Tasyo? Right?"

Nabasag ang pagtitig ko kay Jopay dahil sa tanong na iyon!

Sumagot ako agad ng "Oo." Pagkatapos linoko niya ako.

"Uy! Gusto mo ba siya pre? Gusto mo ireto kita sa kanya?" Tanong nito.

"Huwag!" Tapos napatingin ako sa kanya. "Wait, ikaw si Watt? Right? Iyong palatanong?"

"Oo, bakit?"

"Tignan mo, may evidence. Nagtanong ka na naman." Biro ko.

Dito ay nagpatuloy ang kanyang katanungan dahil sa patuloy na pagtitig ko kay Jopay.

"Irereto na ba kita sa kanya pre? Para kasing nagugustuhan mo na siya dahil titig na titig ka?"

Dito ay sinagot ko siya ng pag-deny.

"Nagugustuhan? Hindi ko pa siya nakakausap, gusto agad? Hindi no."

Atat na atat si Watt, first day of class palang pero parang kilalang-kilala niya ako base sa kanyang action. I think hindi siya mahiyaing tao.

Pagtingin ko ulit kay Jopay ay wala na siyang kausap kaya naman ito na ang pagkakataon ko para makausap siya.

Pero, ramdam ko ang kaba at nerbyos paglapit ko.

Lumabas agad sa bibig ko ang mga hindi dapat sabihin dahil sa nerbyos.

"Hello, Jopay Cumustacana, dadalhin kita sa aming bahay? Ay!"

Napatakip na lamang ako sa aking bibig.

"Ano?" Tanong tuloy niya. Nakakahiya tuloy.

"Um, wala iyon."

Natuwa na lamang sa akin si Jopay sa akin.

"Tasyo? Right? You are so very funny. Narinig ko rin ang kantang iyan, akala ko biro lang pero totoo pala."

Dito ay napangiti na rin ako sa hiya.

Dito ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa pero nandoon pa rin pagkahiya ko.

"Jopay, can be friends?" Then she quickly respond. "Sure, Tasyo. I think I am comfortable for being friend with you."

"Sure? Paano ka naging comfortable eh magiging magkaibigan palang tayo?"

"Um, because you are funny. I am comfortable with a funny person like you."

May benefit pala ang pagka-utal ko kanina.

Haist, mamamatay na yata ako sa kilig nito. She said that she is comfortable with me. Darn it!

Ngayon, masaya ako na magkaibigan na kami ni Jopay.

Iba talaga ang ngiti at saya ko ngayon. Sa saya ko ay gusto ko na tuloy maghugas ng pinggan namin sa bahay. Kahit anong klaseng pinggan  at baso pa, kahit yari ito sa plastic.

Ngumingiti na rin ako kahit marami na agad kaming homeworks ngayong first day.

Pero natanggal ang aking ngiti ng nagtanong sa akin si Watt.

"Tasyo? Magkaibigan na agad kayo ni Jopay?"

"Oo. Bakit ngumingiti ka?"

"Sino ba naman ang hindi ngingiti kapag masaya ang ibang taong tulad mo?"

"Wala ka talagang hindi maitatanong no Watt?"

Napangiti na lamang ulit si Watt.

Tapos tinanong ulit ako.

Nauumay na talaga ako.

"Pwede ba tayong maging magkaibigan, Tasyo?"

"Sure," sabi ko kaagad kahit parang ayaw ko.

Pero, inisip kong kahit tanong siya ng tanong sa akin ay nakikita kong mabait siyang tao. I think hindi naman siya ganong nakakabwisit.

The Romantic Comedy Life of Pilosopo TasyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon