Chapter 06

27 13 9
                                    

In reality, Pad is my classmate. I and him is not close to each other. Sadyang naisama lang siya sa aking panaginip.

Today, nasa labas ako ng aming room, sabi ng teacher namin, lumabas ako dahil hindi ako nakikinig.

Hindi nga ako nakikinig dahil nakatulog nga ako kanina, kaya lumabas talaga ako. I admit it.

Mapapa-sheesh nalang talaga ako, nakaramdam ako ng hiya sa kanilang lahat kanina. Lalo na kay Jopay.

Habang ang mga tamad na kaklase ko, nakikita ko sa kanilang mukha ang inggit.

Parang gusto nila akong sundan pero wala silang magawa kundi mag-stay at makinig para hindi sila mapagalitan.

Pero, kasalanan ko ito kung bakit ako napuyat at nakatulog sa klase. Magdamag akong naglaro ng online games. Pero, napakamalas ko kagabi dahil lahat ay talo. Madaling salita, lose streak tapos MVP loss pa.

Mas mabuting nagsolo nalang ako at hindi na nag-invite ng pabigat sa party.

Nakakainis ka talaga Watt, akala ko malakas sa online game na ito, isa ka palang pabuhat.

Nagsisisi akong isinama kita sa aking laro.

Labis akong naiyak kagabi, nagdabog ako at sumigaw sa pagdadalamhati.

Limang star agad ang nabawas. Pinaghirapan ko lahat ng iyon sa wala.

Walang hiya ka. Sa susunod hindi na kita isasali.

Iyan ang aking pagdaramdam. Hindi ako nagdalawang isip na tanggalin si Watt bilang kasama ko sa party.

Buti nakabawi ako sa pagiging solo player kaso madaling araw na ng nakatulog ako kaya puyat na puyat talaga ako.

~~~

Paglabas nila ng room ay alam kong tapos na ang klase.

Simula ng pumasok ako kanina ay hindi ko pinansin si Watt. Masama ang loob ko sa kanya.

Hanggang sa puntong lumapit siya sa akin na lagi niyang ginagawa araw-araw.

Kinausap niya ako pero tumalikod ako sa kanya.

"Huwag mo akong kausapin, wala akong naririnig?" Sabi ko.

"Tasyo, galit ka ba sa akin? Dahil kagabi, lagi tayong talo?"

"Obvious ba? Dahil sa pagkatalo natin, binawi ko lahat ng iyon at dito ako napuyat. Nakita mo naman, napahiya ako sa lahat kanina dahil sa pagtulog ko sa klase! Nalungkot tuloy si Jopay sa akin!"

Nakita kong nalungkot si Watt at umiyak.

"Tasyo, ano kaya kung isumbong kita kay mommy?"

Tumakbo ito papalabas ng gate sa takot ko hinabol ko siya. Hays, mali yata ginawa ko.

"Wait lang Watt. No! Huwag mo akong isumbong! Bati na tayo!"

"Talaga?"

"Oo, isip-bata ka pala. Loko!"

Sa saya ni Watt ay inilibre niya ako agad ng ice cream.

"Bati na ba talaga tayo? Tasyo?"

"Oo Watt, sinabi ko na kanina diba?"

Nanumbalik ang masayang mukha ni Watt. Pati ako, natuwa sa pagiging sarcastic.

Ayon kasi sa mga rumors, ang nanay ni Watt ay isang manghuhula at mangkukulam.

Pero, hindi ako naniniwala. Nakita ko ang nanay niya, malayo sa tinatawag nilang ganon.

Pero, mas mabuti pa rin ang maging ligtas, right.

~~~

Sa halos isang taon naming pagiging magkaibigan ni Watt ay ipinasyal din niya ako sa kanilang bahay.

Hinikayat ako ni Watt sa pagpapahula ng aking kapalaran sa kanyang nanay.

Pagpasok ko ay nakita ko ang kanyang nanay at ng kanyang bolang crystal.

Dito ay agad akong napansin ng kanyang nanay at kinausap agad nito si Watt.

"Watt my dear, nagdala ka pala ng kaibigan mo dito?"

Nagtanong agad si Watt as I expected.

"Diba po nay okay lang na ipasyal ang kaibigan sa bahay?"

"Sure, anong pangalan niya?"

Napapaisip ako, kung manghuhula talaga siya.

"Tita, sa tingin ko naman, alam niyo na po pangalan ko dahil manghuhula kayo," sabi ko pangiti.

Nanlaki ang mata nito sa akin at ako'y tinakot. "Binata, gusto mo kulamin kita?"

Scary.

"Tita, my name is Tasyo nga pala."

"Mabait ka palang bata."

Dito ay may request si Watt sa kanyang nanay.

"Do you like to predict my friend's future right? You can do it right mom?" Tanong niya.

She answered, "As long as he is not a bad kid."

"Masama ka bang tao Tasyo? Hindi diba?" Tanong sa akin ni Watt.

"Nakita mo na bang naging masama akong tao sa iyo Watt? Diba ang bait-bait ko." Sabay kindat ko.

"Okay, pasado ka na kahit sinungaling ka, anak," pangungutiya ng nanay niya sa akin.

Napamangha ako, nahulaan niya. Manghuhula talaga siya.

Dito ay agad na nagsimula ang panghuhula.

"Anak, ano ba ang huhulaan kong kapalaran mo?"

"Love life po tita." Sagot ko.

Dito ay nginiti-ngitian niya ako at pagkatapos pinabayad niya ako.

Medyo napag-trip ako kay Watt, hindi pala ito libre.

Dito ay nagpahula na ako kahit alam kung uutuhin lang ako. Hays, kasi nagpauto ako.

Ito ang aking tinanong, "Tita, sa aking hinaharap, masaya ba ang aking love love life?"

Dito ay sinimulan ni tita na ipikit ang kanyang mga mata at pagkatapos hinawakan ang bolang crystal.

Dito ay agad siyang napamulat ng kuminang ang bolang crystal.

Kinabahan ako bigla sa kanyang paghehesita.

"Tasyo, ikinalulungkot kong sabihin na ikaw ay tatandang single!"

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Nagdabog ako sa table dahil sobrang hindi ako naniwala.

"Is that true? But why?" Tanong tuloy ni Watt.

"This is NOT TRUE!!!" Sigaw ko.

Pagkatapos, bigla ulit kuminang ang bolang crystal.

"Wait, anak. Don't throw any tantrum. Nagbago ang iyong kapalaran."

Dito ay napalitan ng pag-asa ang aking panghihinayang.

"Sorry anak, low battery na pala ang bolang crystal..."

Paasa...

~~~

Kinurot ko ang aking kamay at tumambling ako ng tatlo pero napatunayan kong hindi ito panaginip.

Ngayon, may namuong tanong sa aking isipan.

Talaga bang tatanda akong single?

The Romantic Comedy Life of Pilosopo TasyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon