Simula noong kinausap ako ni Reda ay napansin kong nagbago siya.
Hindi na siya pabida ng gaya ng dati, hindi na rin siya pasipsip at ngayon, lagi na siyang nakikipag-usap sa akin.
I think parang may mali. Bumait na rin siya. Naging friendly sa aking mga kaklase at naging malapit pa lalo kay Jopay.
Sa ngayon, nag-umpisa na ang aming first grading examination. Wala akong problema ngayon dahil nagreview ako ng sobra kagabi.
Habang sinasagutan ko ang aking papel ay may mga nakita akong mga kaklaseng basta sagot ng sagot o hula ng sagot, iyong iba nangongopya, iyong iba sulyap ng sulyap. Iyong iba natutulog at ang iba ay umiiyak.
Then, may naririnig ako sa aking katabi.
Si Watt pala iyon. Nagtatanong sa akin.
"Tasyo, ano ang no. 47?"
Hayop! no. 47 na niya tapos ako sa umpisa pa lang. Tapos, siya pa ang may lakas ng loob na magtanong.
Sumagot ako, "Watt! No. 1 palang ako."
Tapos sabi ni teacher, "Eyes on your papers! Tama ka na nga, humanap ka pa ng iba, ibang answer!"
Napansin ko sa papel ni Watt na sa huling bahagi siya nagsimulang sumagot.
Akala ko napabilib na niya ako.
Sa pagtatapos ng aming examination ay maganda naman ang resulta, basta pasado at hindi nangopya.
Si Watt naman ay nakapasa rin, pero pasang-awa.
Agad niya akong tinanong, "Nakapasa ka rin ba?"
"Oo naman. Hindi sa pagmamayabang pero magaling kaya ito, nakasalamin pa ako no."
Dito ay agad na lumapit sa akin si Jopay.
"Nakapasa kayong dalawa ni Watt? Tasyo?"
"Oo, nakapasa kami. Sobra nga sa kalahati eh kaya nakapasa talaga kami."
Yinakap ako sa tuwa ni Jopay sabay sabi niyang "Congrats."
Naamoy ko ang bango ng aroma ni Jopay. Ang bango talaga niya. Sakto namang nakita kong nanlaki ang mga mata ni Reda.
Pagkalas niya ay yinakap rin niya si Watt sa pagkapasa.
Tinanong ko si Reda, "Reda, ba't nanlaki mata mo kanina, para kasinlaki na ng mata ng kuwago?"
"Ako?! Hindi, napuling lang mata ko kanina kaya nanlaki ang mata ko sa sakit."
"Oh, kaya naging Reda na mata mo?"
Napangiti ko si Reda, "That's weird. Not a funny joke okay?"
Matapos iyon, tinawag agad ako ni Jopay, I don't know why.
Sa aming pagpasa ay sinabi sa amin ni Jopay na ililibre niya kami.
Mukhang maganda mood niya ngayon dahil nakapasa rin siya tulad namin.
Nakita kong marami siyang pera sa kanyang wallet nang binibilang niya ito. Siguro para sa panlilibre niya mamaya.
Sa tingin ko mayaman si Jopay.
Kulay blue lahat ng papel na pera sa kanyang wallet. Ang sarap holdapin ito. Just kidding. I can't do that with my friend. Okay, beyond friend.
Bago kami pumunta ay tinignan muna ni Jopay si Reda. I don't know why pero ang importante, ang libre namin.
Pumunta kami sa mang inasal. Malapit kasi sa school ang restaurant na iyon.
Kami'y kumain at nakarami ako ng unli-rice. Mga 8 cups ng rice.
BINABASA MO ANG
The Romantic Comedy Life of Pilosopo Tasyo
RomanceAng kwentong ito ay nakakalokang kwento ni Tasyo tungkol sa kanyang highschool life. Sa kanyang buhay ay nagkaroon siya ng mga kaibigang abnoy. Hindi tuloy niya alam kung nakakatulong ito sa kanya. Lalo na ng nagkaroon siya ng isang babaeng kanyang...