Chapter 05

27 13 10
                                    

Ang papel na iyon ay itinago ko sa aking cabinet. Linagyan ko pa ng envelope na plastic para hindi kainin ng daga o mabasa ng tagas ng tubig sa bubong.

I will wait for you as balikbayan, Reda.

~~~
1 years left ng umalis si Reda ay Grade 8 na ako. Umusbong ang aking kaalaman at hindi pa rin nawala ang aking pagiging pilosopo.

Umusbong rin ang aking kaalaman tungkol sa salitang love.

Pero, hindi ako relate kung ano ba ang salitang iyan sa akin.

Buti nalang, nagkaroon ako ng kaibigan, si Pad.

Payat siya, malaki ang buhok, pangrock-star ang dating, magalaw ang katawan na parang may bulate, pero taga-advise ng pag-ibig.

Marami na akong natutunan sa kanya pero hindi ko pa rin makuha kung ano iyon.

Sabi niya, sobrang dense ko kaya hindi ko pa nakukuha si Jopay hanggang ngayon.

Dahil dito, ako na mismo ang nagsearch sa Google, buti may laman na internet na ako ngayon.

Pero, hindi ko pa rin talaga maintindihan ang love at hindi ako makarelate kahit na-search ko na ito.

Hanggang sa isang araw, naintindihan ko rin ang salitang love.

Habang tinititigan ko si Jopay ay na-aatract ako sa kanya, bumibilis ang tibok ng aking puso, at nafa-fall in love na ako sa kanya.

Wait, ito ba ang tinatawag na love, my affection and feelings for her is what we called love.

Dito ay lumapit si Pad sa akin.

"Yes, nababasa ko ang isip mo bro, tama, mahal mo na siya Tasyo. Noon ka pa yata tumititig sa kanya, hanggang ngayon, hindi mo pa rin ito nakukuha?"

"Eh malay ko, ang tagal kasing magdevelop ng love hormones ko eh."

"Anong love hormones bro?"

"Huwag ka ng magtanong Watt."

Dito ay hindi pa rin nga nagbabago si Jopay. Matalino, palangiti at maganda pa rin siya.

Para sa akin, mas lalo pa siyang gumanda pagkatapos ng isang taon.

Mas naging blooming siya at attractive.

Isinusulatan pa niya ako eh at ginagawan ng project.

Dito ay naco-confused ako kung bakit ito ginagawa ni Jopay sa akin.

Tinanong ko ulit ang tagapagpayong si Pad kung bakit ito ginagawa ng isang babae sa akin.

"Pad, bakit ginagawa ito lahat sa akin ni Jopay?"

"Bro! Hindi mo pa ba napapansin, nagfi-first move na si Jopay sa iyo. Ibig sabihin, mahal ka rin niya!"

"Totoo ba iyan?" Tanong ni Watt.

"Oo bro Watt. Narealize ko na, na tama si Pad." Sabi ko. "Dapat ako na rin ang gagalaw para sa kanya."

Sumang-ayon sa akin sina Watt at Pad. Napatindig sila sa pagsang-ayon.

Hanggang sa naglakas loob akong sabihin sa kanila ang aking desisyon.

"Watt, Pad! Haharanahin ko na talaga si Jopay! Ibabanat ko na ang aking ginintuhan kong boses sa kanya!"

"Iyan ang katapangan Tasyo, pero paano nagiging ginto ang boses?"

"Iyan ang linya ko Pad. Walang gintong boses dahil hindi ito metal!"

Naghanda talaga ako sa aking paghaharana kay Jopay. Ayaw ko ng paghaharana sa cellphone. Hindi ako takot!

Gusto ko iyong traditional serenade!

The Romantic Comedy Life of Pilosopo TasyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon