Kaizen's POV
Ilang oras na kaming palibot-libot sa Mall kakabili ng mga gamit. At ako ang pinapapili niya sa lahat. Wow, mag-asawa yarn? Tsss. And everytime na pupunta kami sa ibang store ay hawak niya ang kamay ko papunta. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Ang awkward lang, hindi ako homophobic or what but I've never imagined myself being with a woman. Paano kung may makakita sa akin na kilala ako? Well, impossible. Malayo pala to Manila. Nasa Davao pala kami na recently ko lang din nalaman habang binabaybay ang daan kanina.
Hayss. Bakit pa kasi ako umuwi sa Sulu. I shouldn't have been in this situation. Pero kagaya nga ng sabi nila, hindi na natin kayang ibalik pa ang oras. Baka may rason kung bakit ito nangyari. Pero ano? Ang pahirapan ako? Tsss.
Matapos ang ilang oras na pagkaladkad niya sa akin sa kabuuan ng Mall ay natapos na din sa wakas. Nasa parking lot na kami nitong Mall. Nakasandal lang ako sa harapan ng kotse niya habang pinapasok niya ang mga pinamili na sobrang dami. Hayssss. Pagod na pagod na ako at gusto ko ng matulog. Papikit pa lang ako ng . .. .
"Don't act so tired,Miss. You didn't even helped me earlier." Sabi nito habang pumasok sa driver seat at pinaandar ang sasakyan.
Pinili ko na lang na wag sumagot. Masyado na akong pagod para makipagbangayan pa. Wala naman talaga akong masyadong ginawa pero sobrang pagod ako. The depressing kind of tired.
Pumasok ako sa kotse niya na walang kibo. Nakatingin ako sa labas pero ramdam ko ang mga titig niya. Bahala siya dyan. Akala ko magsasalita siya Pero wala. Pinaharurot lang neto ang sasakyan ng mabilis hanggang sa nakarating na kami sa napakagara niyang bahay. If the circumstances were different, I'd be glad to live here. And of course , kung wala siya syempre.
"We're here. Get all the things at the back and carry it inside" walang ganang sabi ng babae. Hindi ko parin kasi alam ang pangalan niya. Kasi ayaw niya talaga magpakilala. What if ako nalang kaya gumawa ng nickname niya. Hmmmmm. Sufi? Pinacute na Suplada. Yes, Sufi it is.
"Hey, aren't you listening?"
"Ha? Ano yun ,Sufi?" Ngiti kong sabi sa kaniya
"Sufi? Who's Sufi?"
"Ikaw. May iba pa bang Tao rito?"
"What? That's not my name. Keep guessing.Tss"
"I'm not guessing. I've decided. Yan ang pangalan mo since napaka Suplada mo."
"Whatever. Can you just do what I say?"
"Seriously? Ako magkakarga niyan lahat?" Sabi ko.
"Yeah. Why? You didn't helped me earlier. So I figured it's fair on my part that you'll be the one to carry that now." Looks like she have decided. Wala na rin naman akong magagawa kung makikipagtalo ako rito. Lumabas na ito ng sasakyan niya at naiwan akong naiinis sa loob.
Sinimulan ko ng buhatin ang pagkarami raming pinamili ng huli. Tagaktak ng ang pawis ko habang siya prenteng nakaupo at nanunuod ng TV. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin na parang di talaga ako nag eexist.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos ko din. Nilapitan ko siya at tinapik. Lumingon naman ito sa gawi ko. Mukha pang di interesado sa sasabihin ko.tsk.
"Tapos na po. Pwede bang magpalit muna ako ng damit." Pairap kong sabi sa kanya.
"Get all the things inside your room." Tipid nitong sabi.
"W-what?" Pinagtitripan ba ako neto. Baka pagkatapos kong iakyat eh ipababa niya naman ulit.
"You heard me."
"Pinagtitripan mo ba ako?! Nakakapagod na nga ipasok yan lahat dito tapos gusto mo iakyat ko pa sa hagdan?!" Wow , unbelievable. I should leave here as soon as I can.
YOU ARE READING
Met You In The Dark
RomanceIn the darkness, I've seen the light. You are that light, Miss. An unexpected love story.