Prologue

2.4K 31 5
                                    

Bang! Bang! Bang!

Rinig ang malakas na putukan mula sa palitan ng mga bala ng kasapi ng AFP at mga rebelde. Kalahating araw na ang lumipas at di parin natatapos ang bakbakan. Isang malaking kampo ng mga rebelde ang sinalakay ng mga sundalo sa liblib na bayan ng Quezon. Marami na ang nasawi at mga dugo ay dumanak sa lupa.

Mga napinsalang bahay at buhay na kailanman ay di na maibabalik pa. Mga musmos ,matatanda ,dalaga o binata . Walang pinipili ang bala. Lahat sila ay biktima. Biktima ng maling sistema.

Tug! tug! Tug! Tug! Tug!

Mga ugong ng helicopter ay maririnig sa himpapawid at ilang sandali pa ay maririnig ang malakas na pagsabog. Boogsh! Sa isang iglap ay napulbo ang lugar.

"Search the area". maririnig mula sa radio ng mga sundalo ang nakakatakot na boses ng isang babae.

"Copy, ma'am". Sagot ng kanyang tropa.

"Make sure that the area is clear. Unahin nyo i search ang area outside the zone kung saan nag land ang bomba. Baka may nakatakas. Maliwanag ba?". Agad namang tumugon ang mga sundalo sa utos ng kanilang lider. Maya-maya pa ay bumalik ang mga Ito upang mag report na na clear na ang lugar.

"Good. Now, make the necessary actions para makaalis at makabalik na tayo sa Headquarters. I want it to be quick. At habang wala pa ang magsusundo sa atin dito. Keep yourself on guard. We'll never know. Maglilibot lang ako."  Ani nito. Walang ibang maririnig sa mga sundalo kundi yes, ma'am. Ganun nila ito nirerespeto kahit pa babae ito.

Ang kanilang platoon leader na si Lieutenant Venice Aviles na nag top sa kanilang klase noong siya ay nag-aaral pa lamang sa prestihiyosong Philippine Military Academy. 24 years old at kung nagtataka kayo kung bakit ipinagkatiwala sa kanya ang misyon kahit babae ito, well, she's undeniably very competent kahit babae siya. Marami na rin siyang past successful missions under her. Sa simula ay ininsist niya na siya ang gawing platoon leader kahit na babae siya. And the command had doubts. But she still pushed through and napatunayan niyang kaya niya. She was even awarded several distinguished awards. She earned the trust of the AFP pati narin ang mga kasama niyang enlisted personnel dahil kahit sobrang cold niya as a person , marunong siya magdala ng tao. And wala pang casualty under her leadership. Lahat sila umuuwi ng buhay.

That's her. A history in the Armed Forces of the Philippines. Lt. Venice Aviles ng Philippine Army.

Habang naglalakad si Venice para maghanap ng maiihian ay may narinig siyang ungol mula sa di kalayuan. Tila nag-aagaw buhay ito.  Maingat siyang naglakad palapit sa ingay na nagmumula sa likod ng malaking puno. Nagtago muna siya sa puno bago pabigla niyang hinugot ang kanyang baril upang itutok sa kung sinuman ang nandoon sa kabilang banda.

Pagtutok niya sa kanyang baril ay tumambad sa kanya ang isang duguang babae. Nabalot sa dugo ang puti nitong saplot. Maputi ang babae, balingkitan ang kanyang katawan at lalong lumitaw ang hubog ng kanyang katawan sa suot nitong hapit na white dress hanggang hita.

"Who are. . .!" Naputol ang pagsasalita ni Venice nang mapagtanto niya kung sino ang babae. Agad niya itong itinali na mas lalong nagpalala sa sitwasyon neto. Namilipit sa sakit ang babae at tila mawawalan na ito ng buhay.

"Please, w-wag m-mo k-kong hayaang m-mamatay. Please, save me." Aniya ng babae.

Walang kahit na anong emosyon ang mababanaag sa mukha ni Venice. Her eyes darted to the woman infront of her in the brink of her painful death. Nakatitig lang ito sa mga mata niya na tila nangungusap. Pero di nagpatinag ang huli. Iniwan niya ang babae habang nakatali. She even heard her shout at her begging for her help.

Naglakad pagbalik si Venice sa kung saan naroon ang kanyang mga sundalo. At naabutan niya itong namamahinga. Nagsisimula ng dumilim at siyang pagdating naman ng kanilang sundo. Nagmadali namang mag pack up ang mga sundalo para sumakay na sa six by.  Sumakay na rin siya matapos niya masiguro na kompleto ang tropa. Makalipas ang ilang minuto ay umalis na sila sa lugar. Nakarating sila sa kanilang kampo pasado alas siyete ng gabi. Mainit naman ang pagsalubong sa kanila. Kaliwat kanan ang pagbati para sa matagumpay na misyon. Yun ang alam ng lahat.

Pasado alas otso na ng gabi at namahinga na ang mga sundalo sa kanya kanyang quarters. Habang si Venice ay maingat na naglalakad tungo sa parking lot. Maya-maya pa ay maririnig ang tunog ng pagkabuhay ng makina.

Met You In The DarkWhere stories live. Discover now