Kaizen's POV
Matapos matanggap ang text message na naglalaman ng address kung saan naroon si Venice ay mabilis akong bumangon sa pagkakahiga at mabilis pa sa alas kwartong nakapagbihis at nagdrive papunta sa kung saan ito naroon. Habang nagmamaneho ay maraming pumapasok sa isip ko. I should've asked Mark kung buhay pa ba ito or what? Anyways , masamang damo yun kaya hindi yun mamamatay ng maaga. Wait for me , Venice.
Ilang oras din akong nag drive at habang tinatahak ang direksyon mula sa aking waze app ay hindi ko mapigilang kabahan. Habang patagal ng patagal ang pag da drive ay paliblib ng paliblib ang lugar. Sigurado ba si Mark sa addres na to? Baka mamaya ipinagkanulo na ako ni Mark at pinapunta pala talaga niya ako rito para patayin. Okay, sige lang.Go!. Pagod na rin ako lalo na sa mga nangyayari lately.
Mas lalo lang akong kinabahan ng wala na talaga akong makitang bahay at puro puno nalang ang nakikita ko sa paligid. Sobrang liblib na nito. Ilang kilometro nalang ay mararating ko na ang location. I wonder kung anong nag-iintay sa akin doon. Maybe , a bunch of men who will end my not so precious life. I trusted him so much , I can't believe na magagawa niya sa akin ito. Hindi ko alam pero naiiyak na ako. The feeling of being betrayed is what I dislike the most. Well, kung ito talaga ang gusto ni Mark. Pagbibigyan ko siya. I'm tired too.
Matapos ang ilang minuto, The waze app said tha't I have already arrived. Pero sobrang dilim ng paligid at wala akong makita sa labas kundi mga puno. Pinukpok ko nalang ang ulo ko sa manibela. Intayin ko na lang dito yung mga nakatakdang pumatay sa akin para hindi na sila mahirapan. Palinga -linga ako sa paligid ng sasakyan. Ayaw ko din lumabas baka mamaya may aswang pala rito. Ayoko naman mamatay sa ganung paraan.
I waited a little bit longer inside my car hanggang sa tuluyan na akong kinuha ng dilim . ..
Kinaumagahan . . . . .
Nagising ako sa mainit na tama ng sinag ng araw sa mukha ko. Buhay pa ako. Haysss, sayang naman. Sakit ng katawan ko. Hindi maganda ang pwesto ko habang tulog. Lumabas ako ng sasakyan parang tignan ang kabuuan ng paligid. Anong gagawin ko dito? Puro matatayog na kahoy lang nakikita ko sa paligid. Niloko ata ako ni Mark or maling intel ang nabigay niya sa akin.
" Hellooo! May tao ba ditto?! Kilala niyo ba si Venice Aviles! Hinahanap ko kasi siya! Dito daw address niya eh!" Oo, alam kong mukha na akong tangang nagsisigaw sa kawalan. But this is what happens when you're desperate.
" Di naman ako aware na engkanto pala si Venice! Kaibigan ko kasi yun eh! nagsama din kami nun ng isang taon! Tapos hayop siya sa ginawa sa akin ! Gaganti dapat sana ako kaso naaksidente daw kasi siya! Nag-alala lang naman ako sa kaibigan kong yun! Please naman oh! Ipakita niyo na sa akin yung lagusan papunta sa mundo niyo!" umiiyak ako habang sinisigaw ang mga katagang yun. Baliw na kung baliw.
Umupo ako mula sa pagkakatayo. Ilang sandal pa ay parang may naramdaman akong pag galaw ng lupa. Teka , wait! So engkanto talaga siya? Hala! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Gumalaw ang lupa at naramdaman ko ang unti -unting pag guho ng lupa kung nasaan ako ngayon. Anong nangyayari? Tinignan ko ang sasakyan ko at nakita ko ang sabay naming pagguho. At malilibing pa talaga akong buhay. Huhuhu. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Lord, kung ito man ang katapusan ko. Then, so be it.
YOU ARE READING
Met You In The Dark
RomanceIn the darkness, I've seen the light. You are that light, Miss. An unexpected love story.