Chapter 9

213 9 2
                                    

Kaizen's POV

" Girl , bakit naman ganun yung pagtrato mo kay maam? Ano ba talagang meron sa inyo?" sabi ni Monica. Tsk. Kung alam mo lang kung anong meron sa amin Monica. Baka hindi lang ganun ang gawin mo.

"Wag mo nang alamin. It's not a nice story to tell" . Nandito kami ngayon sa bar counter nitong apartment namin. Kanina pa ako sinasamaan ng tingin ni Monica. I can't possibly tell her everything kahit na bestfriend ko siya. Sometimes , may mga bagay na dapat ay sa atin lang. At ayokong magbago ang tingin nito sa huli. She looked really impressed kay Venice. Tsk.

" Nakakatampo ka naman. Bestfriend mo na nga ako. Hmpp." Nagpa pout pa nitong sabi. Yeah , she's beautiful pero napaka weirdo ng babaeng to. And that's what makes me like her. Ang saya nitong kasama. A ray of sunshine. At parang walang kasamaan sa kaloob looban. She keeps me sane and she's my family. And I'm very thankful sa babaeng to. I'd kill every person na mananakit rito.

" Oo , na sige na. Pero maghintay ka kung ready na ako" pagsuko ko.

" Tsk. Ngayon na kasi. This is torture y'know. Mababaliw ako kakaisip kung ano ba kasing meron sa inyo , girl! What's up with you and ma'am? Idol ko kasi yun eh." nagmamaktol na ito.

"Manigas ka dyan. Ang kulit mo." Tumayo na ako para pumunta sa kwarto ko. Alam ko kasing di kami matatapos hangga't di ko sinasabi. Ganun siya ka mapilit. I know her. Naglalakad na ako papunta sa kwarto. Gusto ko na rin matulog.

Pagdating ko sa tapat ng pinto ng kwarto ko ay agad ko itong binuksan. And when I saw the bed, I suddenly remembered something. Last night, me and her...... in that bed. Arghhhhhh. Nakakainis. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko siya hinayaang gawin yun. My mind screamed NO! but my body always betrays me. I can't deny the fact that I enjoyed it and . .. she . . she still has this effect on me. Hindi ko mawari kung ano tong nararamdaman ko. Sinubukan ko naman sa lalaki, pero iba talaga siya. And I wouldn't say I prefer girls when she's the only girl who made me feel this way. And that's why I need to keep my distance. She's no good for me and I need to put me first this time.

And I need to stop thinking about her. Hays , ano ba naman self, matutulog ka na nga lang , siya parin nasa isip mo. Well, maybe I'm a little bit guilty sa ginawa ko sa kanya kanina pero tama lang naman yun di ba? Hays .. makatulog na nga lang . .



Kinabukasan . . .

Late na akong nagising. At malamang wala na si Monica. Diko alam kung pupunta ako sa office ngayon , or maghahanap ng ibang school , or pupunta akong UP ngayon. First of, tinatamad ako magtrabaho kaya di muna ako pupuntang office. Pag pumunta naman akong UP , baka Makita ko siya dun at masira yung araw ko. Kaya dito na lang ako . maglilinis na lang ako.

Maghapon akong naglinis ng apartment namin. And naiinis ako kasi lagi kong naaalala yung mga araw na nandun pa ako sa bahay niya , naglilinis din buong maghapon habang wala pa siya. And I remembered our happy times. Kahit papano , we shared happy memories sa bahay na yun. I kinda miss her. Her smiles at ang paiba -iba niyang mood. Bakit ko pa kasi siya nakita ulit? Pa-move on na ako eh. pa heal na ako. Hays. Ang tagal naman umuwi ni Monica.

Kasalukuyan akong nasa sala at nanunuo ng palabas habang hinihintay si Monica. Mag aalas siyete na ata wala parin ito. I'm starting to get worried. Alam kong hindi na siya menor de edad pero kasi may pagka tanga pa naman ang isang yun. Paano kung na rape yun, o naholdap? No! hay naku . napaka overthinker ko talaga at di na ako natutuwa.



Third Person's POV

Ilang minuto ding nag oovethink si Kaizen dahil pasado alas siyete na at wala pa rin ang kaibigan. Palakad-lakad ito sa sala at nag-iisip kong susunduin nya na ba ang kaibigan. Sa gitna ng kanyang pagkabalisa ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang kaibigan na kanina pa niya hinihintay. Parang nabunutan naman ng tinik si Kaizen nang makita ang kaibigan. Napawi ang ngiti niya ng mapansing matamlay ito?

"Anyare beh? Ba't parang galing ka ng lamay?" tanong ni Kaizen. Hindi ito nagsalita at nanatiling naka tungo.

"Huy! Magsalita ka na naman , iha! Kanina ka pa din ma contact at nag-alala ako sayo ng Malala ha! Ano ba naman yung sagutin mo yung tanong ko? May nangyari bang masama sayo? Ano ----" . natigil ang pagmamaktol ni Kaizen ng biglang itong yumakap sa kanya.

" Kaizennnnn.... Si ma'am idol ko!. Naaksidente siya! Huhuhu" mangiyak ngiyak nitong sabi.

"S-sino a-ang naaksidente?" No. It can't be her.

" Sino pa bang idol ko? Si Ma'am Venice syempre." Pagkasabi nito ay kumalas si Monica sa pagkakayakap kay Kaizen. Umupo ito sa sofa habang hawak hawak ang mukha. Parang nabingi naman si Kaizen sa narinig mula sa kaibigan ngunit pinipilit niyang itago ang matinding kaba na nararamdaman.

" S- sinong maysabi?K-kelan siya naaksidente?" matapang niyang tanong sa kaibigan.

"Sabi ng ibang instructors natin. Naaksidente daw kahapon ng umaga. Ayun sa report , over speeding daw ang dahilan. Sumalpok ang sasakyan nito sa padaan na ten- wheeler truck. " malumong sabi ni Monica.

"I- is she still alive?" seryoso at kinakabahang tanong ni Kaizen kay Monica.

"Oo. Pinakita samin ng ibang teachers ang mga larawan. Sobrang lala ng pinsala sa kanya. Hindi ko siya lubos makilala sa mga larawan na yun'. I heard she's in a hospital ngayon pero hindi ko alam kung saan at kung buhay pa siya. Sa tindi ng damage, it would be a miracle na mabuhay pa siya." Sabi ni Monica. Unti -unti namang namumuo ang luha sa mga mat ani Kaizen. At napansin naman ito ni Monica.

"Gurl, okay ka lang?" hindi ito sinagot ni Kaizen. Bigla na lamang itong tumayo at umalis.

Kaizen's POV

I immediately left Monica in the living room. She can't see me on the verge of crying. Baka mas lalo lang itong mag-usisa about sa amin. Nandito ako ngayon nakahiga sa malambot kong kama realizing how hard I was on her. The feeling of guilt came rushing over me when I heard what Monica have said. Ako ba? Ako ba ang may kasalanan? I remembered what happened yesterday morning. Was she upset with what I did? Kaya niya pinatakbo ng mabilis ang sasakyan? Kaya pala wala man lang akong natanggap na message sa kanya kahapon at hanggang ngayon. 

Hinanap ko ang phone ko. I need to find out where's her hospital. I need to go there right now! Habang dina dial ko ang number ng aking assistant na si Mark ay hindi ko na mapigilan pa ang luha ko. They are  naturally flowing and I know it flows from my heart. Ilang minute pa ay sa wakas sinagot narin ni Mark.

"H-hello Ma---"

" Mark, please help me find her. Please , I'm begging you"

"S-sino po maam?"

"Venice Aviles. Find her by hook or by crook. And I- I need the feedback within this day. Do you understand me?"

"Sige maam.I'll do what I can."

Ibinalibag ko ang phone ko at nagpatuloy sa pag-iyak. This day can not end if I will not see her and know her status. And she can't be dead. I will not allow that.

Mag-aalas dose na ng gabi at wala pa ring feedback si Mark. Nakailang beses ko na siyang tinatawagan and I'm starting to get mad. Hindi ako makakatulog hanggat hindi ko nalalaman ang whereabouts niya. Ginawa ko na rin ang makakaya ko para mahanap siya pero wala pa din. Nawawalan na ako ng pag-asa. Ano bay an , Venice! Di pa ako nakakaganti sa lahat ng ginawa mo sa akin tapos iiwan mo na ako.

*sniff *sniff * sniff*



Third Person's POV

Maririnig sa buong kwarto ang paghagulgol ni Venice pero natigil ito nang mag ring ang telepono. Agad naman itong sinagot ni Kaizen habang pinupunasan ang mga luha.

"Ma'am , si Mark to, I found her. I'll text you the address."

"O -okay."

Nang matanggap ng huli ang address ay agad itong nagbihis at umalis sa kalagitnaan ng gabi.







" N-no, V-Venice. . .. . " Sambit ng huli habang patuloy ang pag-agos ng mga luha.





To be continued . . . .



Met You In The DarkWhere stories live. Discover now