Venice's POV
"Women loving women?" Tanong ko kay Monica.
"P-po?" Parang nagulat ito sa sinabi. She looked really uncomfortable with what I've said. I guess that's her answer.
"Yeah. Do you think it's disgusting? The idea of two women falling in love with each other. You do know there are lots of cases like that nowadays. Where do you stand about that?" sabi ko. I don't normally discuss things like this. But I suddenly felt interested, I don't know why.
"Ah. . Eh. Ano po. Ahm . Frankly speaking po kasi my family is very religious. And based on the principle I had grown up with, that shouldn't be. Ahhh. No offense po sa inyo if you have a relationship with a woman po ah. Hehehhe." Tila nenenerbyos nitong tugon. Hindi pa ito makatingin sa akin. Did she just conclude that I'm into a relationship with another woman just because I opened the topic? Hahahah.
"Oh no. I'm not offended. And I'm certainly not in a relationship with another woman."
"Ah. Hehe. Ganun po ba? Pero may plano po kayo? I. . . I mean if there's a chance na . .na magkajowa po kayo ng babae?" Parang nagulat naman ito sa sinabi niya. Tila may halong pagsisisi kung bat pa niya sinabi.
"If you'd ask me the same question a year ago. I'd definitely say ,No. But if you'd ask me now. I'd say ,Yes. I figured that love is not based on gender. And that we can love and be with who we want regardless of gender. And that we have to accept that the LGBT community do exist and should therefore respect them."
"Ahhh. Hehehhe. Sige po." Parang naging uncomfortable naman ito sa sinabi ko. Tahimik lang kami after ng conversation namin na yun hanggang sa nakarating kami sa tinitirhan nila.
"Dito na po tayo." Naghanap lang kami ng parking saglit at pagkatapos ay naglakad na papasok. Medyo kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. Being nervous is new to me. Ilang minuto pa ay dumating na kami sa tinitirhan nila. Maganda naman ang lugar. Condo unit siya. And nasa top sila nitong building. Didn't know she's rich like this.
Nasa tapat na kami ng pinto at parang gusto ko nalang umuwi ng akmang buksan na neto ang pinto para makapasok na kami. Mabilis nitong binuksan ang pinto at pumasok sa loob habang ako naman ay naiwang nakatayo sa labas. Ilang sandali pa ay narinig ko ulit ang pagbukas nito.
"Ma'am, anong ginagawa mo diyan. Lika po pasok po kayo." Sabi ni Monica. Bumuntong hininga muna ako bago pumasok sa loob. Pagkapasok ko sa loob ay namangha naman ako sa ganda at linis ng lugar. Wala akong nakitang anino neto. Saan kaya yun? Nilibot ko ang paningin. Wala akong nakitang larawan ng kahit na sino bukod sa kanilang dalawa. She looked so happy here.
"Ma'am, wait lang po kayo. Tawagin ko lang siya." Tinanguan ko lang siya habang papaupo sa sofa. Nilibang ko muna ang sarili ko.
Ilang minuto na ang lumipas pero wala parin sila. Naiinip na ako. Ilang sandali pa ay nakita ko si Monica. Nakabusangot ito.
"Ma'am, b-balik raw po kayo next time. W-wala daw po siya sa mood ngayon. Sorry po talaga sa kaibigan ko ma'am. Huhu. Sana wag niyo po ako ibagsak. " Nakatungo pa ito habang sinasabi yun. Natawa na lang ako. I tapped her head.
"No, I won't. Can you just accompany me to her room. Ako na kakausap." Tumango lang ito. At naglakad , sinenyasan ako na sumunod. Ilang sandali pa ay nasa tapat na kami ng room nito. Sinabihan ko siya na ako ng bahala Kaya nagpaalam na ito. Magluluto raw muna siya ng hapunan.
I took a deep breath and knock..
Tok!tok!tok!
Walang sumasagot. . I tried again.
YOU ARE READING
Met You In The Dark
RomansIn the darkness, I've seen the light. You are that light, Miss. An unexpected love story.