Chapter 8: What the!

120 13 4
                                    

CHAPTER 8: What the?!

___________________________________

*Mitch POV*

Kinabukasan, maaga akong nagising. Oo, medyo may troma pa ko pero dahil kay Sky at dun sa lalaking tinawag nya eh nawala na ang pangamba kong maulit uli iyon.

Naglalakad na ko sa hall way ng school ng nakita ko sya.

"Skyyyyy!!!!" pagtawag ko sabay takbo papunta sa knya

Lumingon sya saken at tila hinihintay akong makalapit sa kanya..

Paunti-unti nakikitang kong nagbabago na sya ng pakikitungo sa akin pero ang expression ng mukha nya ay di manlang nagbabago, Cold pa din kung tumingin, parang walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid nya ngunit iba ang ipinapakita ng kilos nya ..

Napakasaya ko dahil nakilala ko sya at naging kaibigan ko siya. Swerte ng maituturing ito kaya masasabi kong swerte ako!

"Uhm.. Sky pwede bang sumabay ako sayo sa classroom?" pagtatanong ko sa kanya.

Tulad ng kinasanayan ko, hindi man lang sya nagsalita. Tinignan nya lang ako at nagpatuloy ng lumakad.

Isa lang ang ibig sabihin nun ^_______^ sumasang-ayon sya hihi

Pagpasok namin sa room ay dumiretso agad sya dun sa upuan nya sa likod at ako naman ay pumunta na sa pwesto ko malapit lang sa kanya pero hindi kami magkatabi..

Nakita ko din ung magkapatid at nagbatian lang naman ng good morning.

Nakita kong tumungo si Sky sa upuan nya kasaqbay nun ang biglaang bukas ng pinto at pag pasok ng 4 kings. Pero si Sky deadma pa din.. hays..

Nagsiupuan na din ang 4 KIngs gayun din ang mga kaklase namin dahil dumating na din ang prof namin..

Nagsimula na ang klase ng bilang --

*Tok ! Tok ! Tok !*

"Miss, Excuse me po." sabi nung babaeng kumatok.

"ah class wait for a minute" sabi ng prof nammukahang may pag uusapan na mahalaga yun ah kasi kung hindi bakit kailangan pang lumabas diba..

Maya maya lang ay bumalik na ang prof namin ..

"Class, Cut ang klase hanggang mamayang lunch. bali sa ngayon wala muna kaong gagawin pwede kayong lumabas muna or tumambay sa library kung gusto nyo. May dumating kasing VIP Visitors eh.. kailangan muna naming asikasuhin iyon. Class Dismissed." Prof

Naghiyawan naman agad ang klase at naghanda ng lumabas.

Habang ako, si Sky best friend, si Kyla at Aira ay naiwan dito..

Hinihintay ko kasi si Best friend kung ano na eh, kung lalabas edi susund ako, kung dito lang sya edi dito na lang din ako.. haha Buntot nya ko ei ^_____^

"Hey! gals wanna join us? we're going to cafeteria.. Let's eat! My treat!"-Kyla

"your Treat? game ako dyan!"- Aira

"Tse!! your not included.. hmp... may pera ka naman why bother? palibhasa kuripot eh"

"shut up! basta treat mo. whether you like it or not ^________^"

"ahm.. Best ? san ka ngayon?" tanong ko kay Sky.. Nagtatalo na naman kasi ung dalawang yun eh.. haist..

Tumayo na si Sky at dumiretso na sa pinto..

His ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon