CHAPTER 20: The Near Ending.
_______________________________
*Jarrel's POV*
Nagpapanggap akong tulog ngayon. Dinig ko ang mga boses ng mga paparating.
Mga nasa lima siguro sila base sa aura nila.
Haha Oo! Aura! Tinuruan kami kung paano gumamit ng sense eh.
"Utos ni bossing na wag papatayin ang mga yan, dahil sya mismo ang tatapos. Sabi lang nya ay huwag hahayaang makatakas. Maging alerto kayo dahil may ibubuga ang mga batang yan"
"Oo naman bossing! Ayoko pang mamatay! Ginagawa ko lang 'to para sa pamilya ko.. Kailangan ko ng pera para sa ikabubuhay naming."
Tugon naman ng kausap nung lalaki.
Mukhang hindi talaga gusting gumawa ng masama nitong ah.. May mga kasama pa siguro syang tulad nya ay kailangan din ng pera kaya ginagawa ang ganitong trabaho?
Pangako, Tutulungan ko sila kung tutulungan nila kami haha
"Mabuti ng nagkakalinawan. Sige na, maiwan muna kita. Sasabihan ko din yung iba."
Naramdaman kong may mga lumabas.
Binuksan ko ng marahan ang isang mata ko at saka sumilip.
Pagkatingin ko ay tanging iisa lamang ang bantay. Mukhang ito yata yung kausap kanina nung leader ata nila.
"Psst!" Sitsit ko sa knya. Lumingon naman sya sa akin at lumapit.
"Oh Gising ka na pala bata!"
"Bossing! Tulungan mo kaming makatakas, pramis tutulungan din kita bilang kapalit! Nay sariling kompanya kami.. Kung gusto mo, bibiyan kita ng trabaho. Bibigyan ko din ng scholarship ang anak mo kahit ilan man sila"
"Bata, Hindi pwede eh.. Buhay ko at buhay din ng pamilya ko ang nakasalalay ditto. Pag pinatakas ko kayo, Siguradong mananagot ako kahit sabihin ko pang hindi ko kayo pinatakas"
"Eh kung sumabay ka na din sa pagtakas namin? Tas kunin mo yung pamilya mo at itatago ko kayo. Sige na manong! Maawa ka na samin! Siguradong papatayin kami eh.. Paano na lang yung inay ko? Yung kapatid ko? Babae pa naman yun! Sino na lang magtatanggol sa mga mang aapi sa kanya? Pati sa mga manliligaw nya? Pao kung lolokohin pala sya? Sino yung tutulong sa kanya? Ako lang ang maasahan nila manong.. Maawa ka na samin.." Pamimilit ko sa kanya.
"Haist! Hindi ko naman ginusto 'to eh.. Pero sigi, gagawa ako ng paraan.. Basta tutulungan mo din ang pamilya ko ah.. Nangako ka.."
"Salamat manong!"
"Sya sige, kakausapin ko muna yung mga bantay sa labas.. Gumawa ka ng paraan para makatakas sa lugar na ito. May daan dyan sa likod. Dun kayo dumaan.. Wag kayong gagawa ng ingay kung ayaw nyong mahuli."
"Salamat talaga!"
Tinanggal nya na din yung pagkakatali ng tali sa kamay at paa ko.
Tumayo ako at pumunta kila luke.
Syempre ginising ko na muna sila..
Habang kinakalas ko ang mga tali ni Gelo, dahil natanggal ko na yung kay Luke at si Luke ang nagtatangal ng kay Mike, kinukwento ko na sa kanila yung nangyari kaninang tulog sila kasama na dun yung tulung na binigay sakin ni Manong.
BINABASA MO ANG
His Protector
ActionThey both have a different world. But one night change everything. Things become complicated.. She's a killer, merciless and fearless.. He's a Gangster but a loving friend, son and brother. She fall.. He fall.. They become allies.. D...