PAGKATAPOS mag-merienda, tumambay muna sila Lewis at Pearl sa students lane malapit sa school field. May isang oras na bakante si Pearl bago ang susunod na klase. Samantalang half day lang ang pasok ni Lewis. Ayaw pa nitong umuwi dahil sasamahan daw siya nito. Maghihintay ito hanggang sa matapos ang klase niya at maihatid siya pauwi. Na-sweet-an siya subalit kinastigo niya ang sarili. Nagpapanggap lang ito. He was only doing that for their show.
"O, bakit nakabusangot na naman 'yang mukha mo, Pearly ko? Kanina pa kita napapansin. May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Lewis.
"Wala. Huwag mo na lang akong pansinin," pagsisinungaling niya, saka nagtalumbaba.
"Hindi puwede. Ayoko ngang nakabusangot ang girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao, palagi kitang inaaway. Gusto ko, palagi kang naka-smile. C'mon, tell me so I can help you." pamimilit nito.
She hesitated. "K-kasi..." Bumuntong-hininga siya. "Hindi ko talaga ma-gets 'yong lesson namin kanina sa Statistics. Kahit maraming beses nang inulit ni Mr. Uy, 'yong professor namin, kung paano i-solve 'yong equation, hindi ko pa rin makuha. I'm just bothered. May exam pa naman kami doon bukas. Doon lang ako nahirapan. Baka mamaya, hindi ako makapasa sa exam." nababahalang sabi niya.
"Hmm... patingin nga ako ng lesson n'yo." anito.
Inilabas niya sa kanyang shoulder bag ang notebook niya. Binuklat niya ang mga pahina at ipinakita rito.
"I know this," anito nang mabasa ang notes niya. "Tuturuan kita."
"Talaga?" nabuhayan ng pag-asang sambit niya.
"Oo naman."
Ipinaliwanag nito kung paano i-solve ang math problem. Mataman naman siyang nakikinig. Matiyaga nitong itinuro sa kanya kung paano makukuha ang sagot at ang technique para mas madali niyang matandaan ang formula. Unti-unti, nakukuha na niya. Nagbigay ito ng sample equation at mabilis at walang kahirap-hirap niyang na-solve iyon. She answered it correctly. Napapalakpak pa si Pearl sa tuwa. Matalino talaga ito.
"Madali lang pala. Mas na-gets at nadalian ako sa explanation mo kaysa kay Mr. Uy," natatawang wika niya.
Tumawa ito. "Bilib ka na sa akin, 'no? Bukod sa may guwapo kang boyfriend, may tutor ka pa."
Pabirong siniko niya ito sa dibdib. "'Yabang!" Pero ngayon, alam na niya kung kanino siya magpapaturo kapag may hindi siya maintindihan sa Statistics o kahit anong subject na may kinalaman ang Mathematics. "Salamat, Lewis."
"Sure. No problem, Pearly ko. Ikaw pa. Sigurado akong makakapasa ka sa exam n'yo. Kayang-kaya mo 'yon." kinindatan siya nito. "Salamat din sa panonood ng live performance ng Morning Star band namin kanina sa lobby."
Napatingin si Pearl sa gitara nito na nakapatong sa wooden table. Palaging tumutugtog ang banda nito sa school nila. But it was her first time to watch them perform. Hindi niya pinapanood ang mga ito noon. Pero dahil "boyfriend" niya ito, kailangan may moral support siya bilang "girlfriend" nito. Hindi lang naman iyon ang dahilan. Ang totoo, gusto na rin niyang mapanood ito. Pagkatapos ng pagkanta nito sa gitna ng kalsada para sa kanya, she just couldn't get enough of his voice. Siya pa ang humila kina Tiffany at May Anne na tuwang-tuwa naman. Hindi niya lang inasahan ang ginawa nito. Hinila siya nito papunta sa tabi nito. Hawak-hawak nito ang isang kamay niya at lumuhod habang kinakantahan siya. Tila siya hinarana nito sa harap ng mga schoolmate niya. Hindi magkamayaw ang mga kapwa nila estudyante sa paghiyaw. Abot-langit ang kilig na naramdaman ni Pearl nang mga sandaling iyon. Kahit nagpapanggap lang sila, kinikilig pa rin siya.
BINABASA MO ANG
WHEN THE LOVE IS REAL (Lewis And Pearl) ✔
Romance"Payag na akong makipagbati sa 'yo, sa isang kondisyon..." "Ano 'yon?" "Pumayag ka munang maging girlfriend ko." Literal na napanganga si Pearl kay Lewis. Siya, magpapanggap na girlfriend ng lalaking 'to? Ang lalaking sagad sa buto ang pagkainis niy...