Chapter 2| Has Started

39 4 0
                                    

"Come on... Please..." makaawa ni Elis at ngumiti nang alanganin.

Naa-amuse naman na pinagmasdan siya ni Persephone at natawa na lang. Hindi ito natinag sa kaniyang kinatatayuan. Nag cross arm pa ito sa harapan niya.

"Give me your ID. Trust me. There are no parents involved."

Tila nakahinga nang maluwag si Elis nung narinig niya iyon ngunit hindi niya muna agad binigay ang ID niya. Malay ba niya kung nagsasabi ng totoo itong babaeng kaharap niya? Malay ba niya kung tutupad ba ito sa usapan? Na walang magulang after niyang ibigay ang ID niya.

Lumunok siya nang mariin nung lumawak ang ngiting nakapaskil sa mukha ni Persephone. Mukhang nararamdaman nito ang pag aalinlangan niya.

"Wala kang tiwala sa akin?" tanong nito habang titig na titig ang bughaw nitong mata sa kaniya.

Hindi niya malaman kung ano ang nangyari. Mabilis niya kasing hinubad ang ID niya at inabot kay Persephone. Pakiramdam niya kasi ay may something sa babae. Na para bang kapag hindi ka sumunod, magsisisi ka.

Nung hawak na ni Persephone ang ID niya, tumalikod na ito sa kaniya. Ngunit bago ito tuluyang umalis ay nagsalita ito.

"Sa student council office, five pm. Pumunta ka roon to claim your ID." walang lingong wika nito at naglakad na palayo.

Nung hindi na niya makita pa si Persephone ay napabuga siya ng hangin at napasuklay sa may kahabaan niyang buhok. Sadyang kay bilis ng pangyayari. Parang kanina lang ay ine-enjoy niya ang sigarilyo tapos bigla siyang nahuli, nakuha ang ID niya at hindi niya malaman kung anong klaseng parusa ang haharapin niya mamayang ala singko ng hapon.

"Elis naman kasi..." bulong niya sa kaniyang sarili at napasabunot na lang. Sinisisi ang sarili dahil sa mga pangyayari.

Buong maghapon na lutang si Elis. Lutang kakaisip sa ID niya pati narin sa emosyon na naramdaman niya para sa babaeng nagngangalang Persephone.

"Elis... give one type of figurative speech."

"Huy, Elis! Tawag ka ni ma'am!"

Napapitlag siya sa gulat at napahawak sa kaniyang noo nung may bagay na tumama roon. Nung naramdaman na niya ang sakit ay napapikit siya nang mariin at sinamaan ng tingin ang seatmate niyang si Amanda. Pinitik kasi siya nito sa noo.

Akmang babawi  na sana siya sa kaibigan ngunit naudlot nung muli siyang tawagin ng guro.

Napakamot na lang tuloy siya sa kaniyang kilay at tumayo. Napalunok siya nang mariin nung mapansing lahat ng kaklase niya ay nakatingin sa kaniya.

"P-Pwede po bang...pakiulit ng tanong?"

Pagkasabi niya non ay nagbulungan na ang mga kaklase niya samantalang ang iba ay natawa. Tumaas naman ang kilay niya sa naging reaksyon ng mga kaklase niya.

Kung wala lang dito si ma'am, ingungudngod ko isa-isa ang mga 'to sa lagayan ng chalk.

Ani niya sa kaniyang isipan habang tinititigan niya nang masama ang mga kaklase niya. Napawi naman ang tawanan nung napansin nilang mukhang napipikon na si Elis.

"Give one type of figurative speech, Elis," ulit ng teacher niya sa kaniya.

Natahimik naman siya saglit at pilit inaalala ang mga bagay na napag aralan niya noon.

Walker Series 4: PersephoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon