"Maybe it's true... I don't know how to."
****
"Hi!"
Napapitlag sa gulat ang isang estudyante nung biglang may nagsalita sa bandang likuran niya. Napabitaw tuloy siya sa hawak niyang sigarilyo at nagpa-panic na lumingon sa kaliwa't kanan bago muling tumingin sa babaeng nasa harapan niya.
Wari mo'y nakipagpaligsahan siya sa isang marathon dahil sa bilis nang tibok ng kaniyang puso. Tila ba lalabas na'to sa kanyang lalamunan. Natatakot kasi siya sa ideyang nahuli siyang naninigarilyo sa loob ng eskwelahan at isa pa, President ng student council ang nakahuli sa kaniya.
Namamawis ang mga kamay na pinahid niya iyon sa kaniyang below the knee na pink na palda at natatarantang hinawi ang kaniyang itim na buhok.
"B-Believe me... Napulot ko lang 'yang sigarilyo sa lapag at nagkataon na nakita mong hawak ko. Please, don't confiscate my ID. My dad will gonna kill me kapag napatawag siya rito," makaawa niya at pikit matang nag fingercross sa likuran niya.
Pakiramdam niya'y nasa bingit siya ng kamatayan ngayon. Halos hindi na nga siya humihinga sa kaniyang pwesto.
Ngunit sa hindi malaman na dahilan, narinig niya ang mabining tawa ng kaharap niya. Sa puntong iyon ay nagmulat siya ng mata dahil sa pagtataka. Bumungad sa kaniya ang maamo nitong mukha at nagtama ang tsokolate niyang mata sa bughaw nito.
Akala mo'y nasa pelikula o nobela nung nakaramdam siya ng pagkabagal ng oras. Ang ingay ng paligid ay kataka-takang nawala. Ang mga bagay na nakapalibot sa kaniya ay kakat'wang lumabo bigla at ang tanging malinaw lamang sa kaniyang paningin ay ang babaeng nakangiting nakatayo sa kaniyang harapan.
Kulang na lang ay panawan siya ng ulirat nung lalong lumaki ang ngiti nito nung napansing napatulala siya.
Nahigit niya ang kaniyang hininga at napatameme na lang talaga. Si Zeus na kilala niya sa kwento ng Greek Mythology, wari mo'y nagpadala ng libo-libung kidlat para ibato sa kanya.
"Don't fool me. I was watching you from afar. I saw you, taking out a cigarette from your pocket."
Tila natauhan siya at napalunok na lang nang mariin nung narinig niya kung gaano kaganda ang boses nito. Sobrang nakakahalina. Parang musika.
Masyado bang clićhe? Corny?
Corny na talagang pakinggan ngunit wala na talaga siyang mahanap na tama o nararapat na salita para isalarawan ang babaeng kaharap.
Sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang puso niyang tumibok nang ganun na lamang. May kakaibang emosyong unti-unting lumulukob sa kaniyang dibdib.
Unang tanong na pumasok sa sakaniyang isip ay kung susuwayin ba niya ang bagong pakiramdam na 'yun.
Dahil sa parang isang rolyo ng buhul-buhol na sinulid na ang kaniyang isipan, wala sa sariling nabanggit niya ang mga katagang...
"Ang ganda mo..."
Kita ang gumuhit na pagkabigla sa mukha ng babae nung sambitin niya iyon. Ngunit sa huli ay binigyan siyang muli ng isang mabining ngiti.
"Marami ngang nagsasabi. By the way, I'm Persephone. Bago ka palang, tama? Siguro mga one week?"
"A-ah... Oo. T-tama ka..."
![](https://img.wattpad.com/cover/315967383-288-k474167.jpg)
BINABASA MO ANG
Walker Series 4: Persephone
Mystery / ThrillerThe kind of love you grew up with is the kind of love you are subconsciously attracted to. It can be happiness, sadness, or, unfortunately, pain.