Chapter 6| Sayad

23 3 0
                                    

"Baliw ka ba?" nahihibang na tanong ko. Hindi makapaniwalang napabuga na lamang ako ng hangin at napasuklay sa aking itim na buhok.

Naririnig ba nito mga sinasabi niya?

"Hmm..." himig niya at bahagyang lumapit sa akin na ikinaatras ko ng isang hakbang.

"If you only allow yourself to know me better, I am more than that. More probably, a psycho?" ani nya sa seryosong tinig na siyang ikinatigil ko sa aking kinatatayuan.

P-Psycho?

Napatitig tuloy ako sa bughaw niyang mga mata. Tila inaarok kung tama at kung totoo ba ang narinig ko kani-kanina lang.

Maya maya pa'y bigla siyang tumawa nang mahinhin.

"Just kidding..." ani niya at hinawi ang buhok niyang nakaharang sa kaniyang mukha.

Buhat sa narinig ay napangisi na lang ako at nailing.

"This is nonesense. Kung ayaw mong mag-sorry, so be it. Ayaw kong mag aksaya ng oras sa wala," matigas kong sabi.

Akala ko'y mabubura na ang ngiting nakapaskil sa labi niya kung sasabihin ko 'yon. Ngunit nagkamali ako. 

Lalong lumaki ang ngiting nakadekora sa labi niya. Tila lalong nawili pa.

Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng pagkairita.

"Since you drop the 'sorry thing', I don't have an alibi now to eat an ice cream with you?"

Sa tinanong niya'y hindi ko siya sinagot. Hindi ko naman din alam kung ano ba ang dapat isagot.

Mataman na tiningnan ko na lamang siya at humalukipkip. Bigla akong na-curious dahil hindi ko talaga siya mabasa. Kanina ko pa inoobserbahan ang mukha't mata niya pero hindi ko ma-predict bawat galaw at desisyon na gagawin niya. Hindi gaya sa iba na madali lang.

"If that's the case, okay. Let me change it. I, Persephone Walker, standing in front of you, asking you personally to eat an ice cream with me after class. Is that okay?" paanyaya niya at malamlam ang mga matang tumingin sa akin.

Napalunok ako sa nakikita.

"May sayad ka nga..." bulong ko dahil ang weird ng ginawa niya.

At bakit ba ganyan siya kung tumitig?

Alam kong narinig niya ang binulong ko pero hindi siya umimik. Tila matiyaga parin siyang naghihintay ng sagot ko. Yung tipong hindi siya aalis at hindi titigil hangga't walang sagot na namumutawi sa aking labi.

Huminga muna ako nang malalim habang hindi niwawaglit ang paningin sa kaniya.

"Sa tingin mo bakit ako sasama sayo?" I asked.

Buha't sa tinanong ko ay lalong lumaki ang ngiting nakapaskil labi niya.

"Because you are curious," confident niyang sagot na siyang nagpatigil sa akin sa aking kinatatayuan.

Luh? Paano niya nalaman?

Kunot noong tinitigan ko siya nang diresto buhat sa narinig.

"P-Paano mo nasabing curious ako?" I asked. I tried my best na hindi mautal kaso ay sumablay. Wala sa loob na napahawak ako nang mahigpit sa strap ng backpack ko dahil sa hindi maipaliwanag na tensyon.

Isang malumanay na ngiti muna ang pumaskil sa labi niya bago niya ako sagutin.

"Because you asked kung bakit ka sasama sa akin..." sagot niya at namulsa sa suot niyang above the knee na pink na palda.

"Anyway... See you later at 5pm sa gate. Bye for now," paalam niya.

Akmang lalabas na sana siya ngunit naudlot nung nagsalita ako.

Walker Series 4: PersephoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon