"Tingin ko...wala naman. W-wala naman akong dapat ikwento," nauutal kong sagot at mailap ang mga matang nag-iwas ng tingin. Sa huli, hindi na nag-usisa pa si Judy.
Talagang hindi na mag uusisa ang isang yun. First of all, hindi kami magkaibigan and second, hindi rin kami magkaaway.
"Okay. Hindi naman talaga ako curious. Hindi naman kita kaibigan," kapag kuwa'y wika niya at ngumiti.
Sa sinabi niya'y sarkastikong ngumiti ako pabalik at humalukipkip sa harapan niya.
"The feeling is mutua---hachoo!"
Naman! Maangas na sana eh! Kung hindi lang ako bumahing.
Natawa na lamang si Judy habang pinapanood akong kuhanin yung tissue sa loob ng bag ko.
"O siya, mauna na ako. Huwag kang mag-ingat sa pag-uwi at madapa ka sana," paalam niya at kumaway bago ako tuluyang iwan sa hallway.
"Ma-duh-puh kah ngin shana..." bumawi pa talaga ako habang may nakaharang ng tissue sa ilong ko.
Humupa ang akward na paligid nung bumalik na ang mga estudaynte sa kanilang mga gawain. Yung iba pauwi na, yung iba nagkukwentuhan sa gilid habang ang iba naman ay may pinagtitripang kaklase.
Tumingin ako sa gawi ni Persephone. Nandoon pa rin siya sa hallway kasama yung Vice Pres. Nakaupo sila sa bench at panghanggang sa ngayon ay inaasikaso siya nito. Inabutan pa nga siya ng lemon juice na agad niya namang ininom.
Kung titingnan, para silang magjowa. Magkatabi sila tapos sobrang lapit pa nila sa isa't isa.
Teka? Ano ba 'tong naiisip ko? Bakit ko ba sila pinagmamasdan?
Napakurap kurap ako bigla sa napagtanto.
Bago ko pa man bawiin ang paningin ko sa kanila ay nahuli ako ni Persephone na nakatingin. Wari mo'y bigla siyang na-conscious sa kinauupuan niya. Bahagya siyang lumayo sa kasama niya sabay tingin muli sa pwesto ko.
Sa ginawa niyang yun ay napataas ang kilay ko.
Bakit niya kailangan umakto ng ganon? Na akala mo'y nag-aalala siya sa iisipin ko? At so what kung magkatabi sila?
Ani ko sa aking isipan at napaismid. Nagkibit balikat na lamang ako.
Napagpasyahan ko na lang na umuwi tutal yung last subject namin ay absent ang prof.
****
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nung makitang malapit na ako sa bahay.
"Nakakapagod..." bulong ko sa aking sarili at napapunas na lamang ng pawis sa aking noo't leeg.
Kahit gawa na yung bike ko ay hindi ko parin magamit-gamit. Kapag nalaman kasi ni mame, siguradong patay ako. Isa pa, ayaw kong mag-commute. Ayaw ko dahil nahihirapan akong ilabas yung barya sa bulsa ko. Hindi dahil sa makipot ang bulsa. Sadyang kuripot lang talaga.
Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng bahay ngunit naudlot nung kusang bumukas 'yon. Bumungad sa paningin ko si mame.
"Mame?" wika ko sa nagtatanong na tinig at napatingin sa hawak niyang plato na may nakapatong na mangkok.
"Heto..." ani niya at kinuha ang kamay ko. Pinahawak niya sa akin yun bago niya ako bitawan.
"Nagluto ako ng champorado. Balita ko may sakit pa rin si Kristina. Dalhin mo roon sa kanila."
Oh? Champorado!
Unti-unti ay may sumilay na ngiti sa aking labi.
My favorite!
BINABASA MO ANG
Walker Series 4: Persephone
Mistero / ThrillerThe kind of love you grew up with is the kind of love you are subconsciously attracted to. It can be happiness, sadness, or, unfortunately, pain.