Kabanata 6

0 0 0
                                    

SHE was flying in the air pagkatapos mag-shower. Naglagay ng lipgloss then she's off to go. When Cognac stood perfectly fine in the door jamb. Sa mismong pintuan ng kwarto nya.

"Saan ka na naman balak pupunta?"

"Kay Xander. Saan pa nga ba?" Umingos lang ang pinsan niya bago ikinurus ang mga braso. "Sarili mo lang talaga ang sinasaktan mo riyan sa ginagawa mo."

"And I am more willing to be in pain kung makakasama ko naman siya. Kaya tsupi na. Naghihintay na panigurado iyong love of my life ko sa bahay niya."

"I can't believe you really was that desperate to get him!" Sinundan talaga siya nito sa baba pero sarado na ang tainga niya para atupagin ito. "Dalawang beses ka ng muntikang mamatay riyan sa ginagawa mo. For sure Xander was really mad at you. Pinagbibigyan ka lang niya dahil may deal kayo."

Hindi na lingid sa kaalaman nito ang naging deal nilang dalawa ng love of her life niya.

"Cognac, cousin. Kung mahal mo talaga ang isang tao. Matututo kang magta-tiyaga. Kumilos ka na rin para magkaroon ka na ng love of your life."

"Tss! Malala ka na nga. Ewan ko sa'yo Beverly."

Ngising-aso siya nang mag-walk out si Cognac dala ang asar nito sa kanya. Well, Cognac was really like that. After nitong malaman na may gusto siya kay Xander, saka lang ito naging mahigpit sa kanya. More likely protecting her, because he was a man. Naiintindihan naman niya ang pinsan dahil ayaw nitong masaktan siya. Lalo at hayagang sinasabi ni Xander na hindi siya nito magugustuhan. Iyon siguro ang rason ng gwapong pinsan niya. The war between her love and her love to his friend...ay ewan! Basta magulo.

Ang tanging inaalala niya lang sa mga sandaling iyon. Was Cognac. He was protective of her. Pero sakit sa ulo lang ang dulot niya dito. Hay! Ang pinsan niya talagang iyon. Di bale nalang, sa tamang panahon. Makakabawi rin siya sa pinsan niyang nagsusumigaw ang puso sa stepsister nitong imposibleng mapapasakamay nito.

"Xander mylabs!"

"I'm up here..." Literal na umangat ang kanyang tingin sa matayog na bubong nang makita ang nakasungaw na si Xander kung kaya't halos naglupasay ang mga mata niya nang makitang topless ang binata.

Ulalam.

"Ano ang ginagawa mo riyan?"

"Inayos ko lang ang sangkalan ng tubig." Inangat pa nito ang kamay na may hawak na gamit pang-tubero. Naman. Swak na swak nga talaga ang closure nilang dalawa ng binata sa oras na 'yon. "Kanina ka pa?"

"Hindi. Kararating ko lang."

"Hintayin mo ako sa loob. Madali lang naman 'to."

"Dito nalang kita hihintayin." Makasilay man lang sa makasalanang tiyan mo.

"Sigurado ka?"

"Oo."

"Nagpaalam ka ba kay Cognac na pupunta ka ngayon dito?"

"Oo."

"Mahal mo ako?"

"O—ay Teka!" Nalusaw na naman ang puso niya nang makita ang dimples nito dahil sa pagngiti. "Ngumingiti ka na naman..."

"Just wait for me there..."

Iyon nga ang ginawa niya. Nakasilong siya sa lilim ng malaking payong na mukhang nagsa-sun bathing. Habang nakatingala sa love of her life niya na agad umuumbok ang muscles kahit sa kaunting galaw lang.

Yummy!

"Hey! Pwedeng pakiayos ang ladder? Bababa na ako kasi. Nalaglag yata siguro ng hindi ko napansin."

Chasing You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon