NADATNAN ni Xander si Zeus sa lounge na kausap ang isang crew sa pagitan ng isang estante. Mukhang naulinigan nitong kanina niya pa pinagmamasdan ang lalaki kung kaya't bumaling ito sa kanya.
"Dumating na daw si Cognac?"
"Oo. Kasama ang...pinsan niya."
"The woman who was with you in the infirmary?" Inikot nito ang inuupuang high stool para harapin siya. "Any luck? Mukhang may nasapol ang kamandag mo, Leeyung. Why don't you give her a try? Hindi lang sa babaeng iyon sa bar ang pagsasayangan mo ng oras. Mukhang wala kasing balak magpakita ulit ang babaeng iyon sa'yo at magpakilala."
But he only stared at Zeus flatly.
"I won't. I don't wanna eat my own word. May responsibilidad ako sa babaeng iyon." That's him. Ayaw niyang may atraso sa kahit na sino. As long as walang lalapit sa kanya para magpakilalang ito ang naikama niya. Hindi siya titigil hangga't wala silang closure na dalawa.
Iyon ang palaging pinapaalala sa kanya ng mga magulang niya. Particularly sa daddy niya. Wala siyang dignidad na tatapakan at dala-dala niya iyon sa isip, puso at... balun-balunan niya. Or maybe, it was his guilt too. Sa sobrang kalasingan. Nagpadala siya sa agos ng kanyang libido. Dahilan kung bakit nagawa niya iyon.
That's it. He was guilty.
"Nasaan na sila ngayon?"
"Nasa villa pa ni Cognac siguro." Sagot niya rito. Bago inabot ni Zeus sa kanya ang isang Margarita. Walang pagdadalawang-isip na inisang lagok niya iyon.
"Frustrated ka ba?"
"Do I look like one?"
Nanliit ang mga mata ni Zeus na ginamitan na naman siya sa katalinuhan nito. Pormado pa ang mga daliri nito into triangular one para sukatin ang kanyang kabuuan. "Yes you are!"
Natawa nalang siya. Wala siyang takas ngayong ito ang kaharap niya. Zeus has an incredible set of mind. Ito rin ang logical thinkers sa kanilang lahat.
"Whatever you say. Mas kilala ko naman ang sarili ko,"
"Yeah. But you are good in hiding your feelings. Well, men does. Kumusta na pala ang mga bulaklak mo? Hindi pa ba nalanta sa kakahanap mo sa babaeng iyon na eksperto sa pagtatago?"
He likes to raised flowers. Halos mapuno na nga ang bakuran niya dito sa FVC dahil gustong-gusto niya ang iba't-ibang klase ng bulaklak.
"Hindi ko sasabihin sa'yo. Unless bibili ka."
Ginawa niya na ring negosyo iyon. Katunayan, may maliit na establisyemento nga siyang pinatayo dito sa FVC with Zeus approval ofcourse. Dahil paboritong bilhin rin iyon ng mga kalalakihan na gustong regaluhan ang mga girlfriends nito ng mga bouquet.
"Bibigyan kita ng pera..."
"Marami na ako niyan."
"Bilhan mo ng paninda mong bulaklak ang pinsan ni Cognac."
"Why would I do that?"
"Dahil kaibigan siya sa asawa ni captain."
Pero hindi niya maintindihan kung bakit gusto siya nitong bigyan ng bulaklak iyong pinsan ni Cognac. Sa halip, sumama ang timpla ng mukha niya.
"You're weird."
"Always naman...hi, people." Sulpot ni Henjie mula sa kung saan kaya't natampal niya ang noo. Isa pa ito sa sakit ng ulo sa lahat ng mga miyembro dahil sa natural na pagkatsismoso.
Then Henjie's stare dropped at him.
"Pinapatanong pala ni Cognac kung narito na ba daw sa lounge ang pinsan niya."
BINABASA MO ANG
Chasing You (Complete)
Ficção GeralSi Beverly ay isang babaeng miyembro na may sticky-tip shots na ugaling nababagay sa isang spoiled brat. Ayaw na ayaw niyang hindi nakukuha ang gusto niya. Kaya hindi niya pinalagpas ang lalaking naging sanhi kung bakit nabuhay ang damdamin sa kanya...