Kabanata 1

0 0 0
                                    

"SHOT! SHOT! SHOT!"

Dumadagundong ang hiyawan ng mga manunuod nang tagumpay na mabawi ni Xander ang bola at ngayon ay nag-iinitiate na ng three points shot.

Nagkaroon kasi ng Liga ang Blue Warrior kalaban sa pumapangalawang kasikatan ng mga ito na kilala ring mga basketbolistang grupo.

But Beverly was confident na mananalo ang manok niya. Always naman. Hindi ng mga ito pinapalagpas ang expectations ng mga fans nito. At isa na siya sa mga fans na may lihim na paghanga sa isang miyembro.

"Shot! Shot! Shot!"

Muling sigawan ng mga manonood. Particularly ay ang boses ng mga kababaihan kung kaya't narindi siya.

Hindi niya lang ipinahalata dahil nasa tabi niya ngayon sina Cris, Devon at Zephanie para makinuod.

Nang biglang makarinig siya nang malalakas na pagsinghap. Only to see that Xander was now in the floor limping and...searing the pain na tiyak ay dinaramdam ang labis na sakit.

No!

"Hoy babae, saan ka pupunta?"

Pero hindi niya pinakinggan si Zephanie at basta lang siyang nakisabay sa alon ng mga taong nag-aalala sa isang miyembro na nanganganib pa yatang malumpo.

Nang sa wakas ay narating niya na ang pinakababang bahagi ng court at isang angat niya lang sa mga paa. Tuluyan niya nang mapasok ang pinagkakaguluhan ng mga basketbolistang grupo ng biglang may humarang sa dadaanan niya.

"Saan ka pupunta? Bawal pumasok dito Bev..."

"Gusto kong makita kung ano ang nangyari Cognac. Kaya umalis ka diyan!" Pinsan niya si Cognac Wyatt at nang makita ang pangungunot ng noo nito ay tinabing niya lang ang binata.

"Beverly, bawal nga!"

Sinubukan nitong iharang muli ang katawan pero tiningnan niya nang masama ang pinsan. "Gusto mo bang sumunod diyan sa kasama mo?"

"Hindi. Kaya nga bumalik ka na lang roon sa upuan mo dahil napuno ka na nang tsismisan ngayon kung bakit nagpupumilit kang pasukin ang court—"

"Cognac!" It was Captain Clyden Spencer Balderama na agad lumapit sa kanila. Sandali siyang binalingan nito bago sa pinsan niya.

"Dadalhin si Xander sa infirmary dahil mukhang malubha ang naging bagsak niya. Tuloy ang laro pero sino ang magbo-volunteer para samahan siya roon?"

"A-ako! Ako captain!"

Parang nag-slowmotion ang paglipat nang tingin ng dalawang manlalaro sa kanya. Particularly ang pinsan niya na mas lalong gumatla ang pangungunot ng noo at halata ang pagtataka.

"Bakit ikaw?" Halatang hindi nito nagustuhan ang voluntarily help niya kaya bumaling ito kay Captain. "Marami namang mga staff sa infirmary para alagaan siya doon."

"Iyon na nga ang problema e. Nagkaroon kasi nang emergency ang head ng mga doctor roon kaya ang head nurse lang ang aasikaso kay Xander so bale kailangan niya nang assistance."

Iyon na ang opportunity niya para sumingit ulit. Subalit ang herodes niyang pinsan ay talagang pinigilan siya.

"...hindi nga ikaw Bev. Kilala kita baka kung ano-ano nalang ang gagawin mo kay Xander roon—"

"Wala na tayong oras. Beverly ikaw na. Puntahan mo roon si Xander sa infirmary..."

"A-ano? Captain baka—"

"Pinsan mo siya Cognac. Saka wala pa namang bad record iyang si Beverly kaya safe si Xander sa kanya. Another thing, assistance lang naman sa head nurse. Hindi siya ang personal na gagamot. Okay? Cool ka lang." Saka siya binalingan ni captain at tinanguan. "Lakad na!"

Chasing You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon