Kabanata 11

0 0 0
                                    

PABILING-BILING si Xander sa kama dahil akala niya ay umaandar pa ang aircon sa kwarto na napili niya. Halos hubarin niya na lahat ng saplot dahil likas na talagang naiinitan siya.

This really is the life he could get to remember kahit ikakamatay niya pa. Magkakaroon pa yata siya ng hika dahil mainit na hangin talaga ang pumapasok sa ilong niya.

"Xander...g-gising ka pa?" And he could utterly said a word at basta nalang bumangon revealing Beverly in his front. Doon niya lang naalala na tanging boxer shorts nalang pala ang kanyang suot.

Pero he never dared to walk back.

"Yes?"

"Uhh..." Detoriated pa itong iniwas ang tingin. "N-nakalimutan kong sabihin na sira na pala ang aircon diyan. Well, uhmm...you can use the second room next to mine. Wala naman ang mga parents ko and since kilala ka naman yata ng parents ko. Panatag na ako roon." Saka ito nawala sa harapan niya.

Oh thanks God! I'm safe. Akala kasi niya ay magkakaroon na siya ng sakit sa kwartong impyerno yata ang tingin niya doon.

"Do you mind wearing some clothes? Hindi iyang isampay mo lang sa balikat mo." Biglang sabi nito habang nakasunod siya.

"Sorry. Na-distract ka ba?"

"Hindi naman. Nakapikit kasi ako habang naglalakad." Pigil niya nang hindi matawa dahil siya yata ang nabingi sa panibagong joke na tangay nito ngayon.

Nang humarap ito sa kanya pagkarating nila sa harapan ng kwarto ng mga magulang nito. She then looked away again.

"Hindi ka yata nakinig. Hindi modeling agency itong bahay namin. So you're good to get in. Hanapin mo nalang ang aircon sa loob."

"Thank you, Bev."

Pansin niyang saglit na natigilan ito. "Dapat masanay ka nang tatawagin kita sa pangalan mo..."

"You're welcome." Walang lingon-likod siyang tinalikuran nito at padaskol pang isinarado ang pinto. Samantalang sa kabilang kwarto ay hindi na alam ni Beverly kung bakit biglaan na naman yata ang foreign feeling na lately niya ulit naramdaman.

Xander jumped himself in bed feeling the cold and warm na eksakto lang sa balat niya. Thanks for the woman he's with. May kaunti naman pala itong pag-aalala sa kanya. He can't help himself, but to smile when his phone beeped.

It was Beverly's mom.

"Tita..."

"How are you young man? Hindi ka naman ba pinapahirapan ng anak namin? Pagpasensyahan mo nalang talaga 'yan at ikaw na ang umunawa. You know, she's been ageing."

"Uhh...22 years old pa naman si Beverly Tita at malayo pa ang lagpas sa kalendaryo ng edad niya. Anyway, have you talk to her?"

"Hindi. Sa'yo lang naman talaga ako tumatawag dahil ayaw kong bigyan ng another set of responsibility iyang si Beverly ngayong nasa bakasyon kami. Ikaw na ang bahala sa Unica hija namin ha? By the way, any updates?"

Nahihirapan siyang i-accomodate ang Ginang dahil baka ma-offend ito kung sakaling magkakamali siya nang isasagot. Hindi niya naman alam kung paano nito nakuha ang number niya, pero mukhang si Cognac ang pinakamalapit na suspek para gawin iyon.

Hindi niya naman matino kung anong update ang tinutukoy nito. So he told her how their dinner done nang walang nangyaring sagupaan. At labis na ikinatuwa iyon ng Ginang bago siya nito pinatayan ng tawag.

Naghabilin pa ito ng salitang hindi niya alam kung paano niya sasabihin dahil siya mismo ay literal na...na-offend.

One night stand is not a mistake young man. It's a choice.

Chasing You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon