Hanggang ngayon wala pa ring pumipili sa akin. :)
Been writing under this book since 2014 pero wala pa rin talaga.
I know I'm not awful. Kapili-pili ako in some ways. Ang problema, mas trip nilang gawin akong kaibigan. Dahil siguro ako 'yung palagi nilang nalalapitan?
Ako 'yung palaging nandiyan?
Ako 'yung palaging nakikinig, sumusuporta?
Ako 'yung palaging umiintindi sa kanila?
Siguro ganun talaga? Siguro ganun talaga.
Minsan naisip ko na maging selfish na lang, pero that's not me.
Kapag alam kong kailangan nila ng mayayakap, ako 'yung palaging available. Ako 'yung palaging one call away. :)
Kapag alam kong kailangan nila ng makakasama, ako 'yung palaging nandiyan para sa kanila.
Kapag alam kong malungkot sila and walang willing na sumama sa kanila, naaawa ako.
Pero kapag ako na, walang naaawa sa akin.
Walang pumipili sa akin.
Wala.
Minsan iniiiyak ko na lang lahat. :)
Kaso minsan nakakasawa rin ano?
Kailan kaya?
Kailan kaya darating 'yung panahon na ako naman ang pipiliin?
Na ako naman ang lalapitan dahil ako 'yung gusto nila talaga?
Na ako naman ang sasaya dahil sa wakas, storya ko naman ang isusulat ko.
Kailan?
Pagod na ako. :)
Pagod na akong intindihin lahat.
Sana naman ako na ang sunod.
Sana naman ako na ang mahalin.
Sana naman ako na ang piliin.
Pero sa ngayon, hello na lang muna.
Sana masaya kayong lahat.
Happy New Year!