Una sa lahat, itanong mo sa sarili mo kung, "May nagawa ba ako para hindi niya ako pagkatiwalaan?"
√ Kung sa tingin mo ay wala, isipin mo ulit.
× Masyado ka bang close sa opposite sex mo? Baka naman kasi hindi mo napapansin, eh masyado na kayong madikit ng bestfriend mo, o kahit na sinong hindi mo naman kamag-anak. As long as alam ng partner mo na hindi mo kaanu-ano ang kausap mo, asahan mong magdududa siya o pararatangan ka niya ng kung anu-ano. Natural lang 'yan. MAHAL KA NIYA EH.
× Baka naman mamaya, kapag kasama mo siya eh nakikipag-usap ka pa o nakikipagtext sa iba. Respeto naman sa kanya. Kapag kasama mo siya, siya lang dapat ang pagtuunan mo ng pansin, at 'wag ibang taong posible niyang pagselosan. Natural lang 'yan. MAHAL KA NIYA EH.
× Baka naman banggit ka ng banggit ng pangalan ng iba kapag kasama mo siya. 'Wag ganun. Para mo na ring ipinaparamdam sa kanya na walang kwenta ang usapan niyo kung 'di ka magbabanggit ng ibang tao. Kung maaari, PANGALAN LANG NIYA, o mga bagay lang sa inyong dalawa ang banggitin mo. Watch your words. Isang rason 'yan para pagdudahan ka niya. Natural lang 'yan. MAHAL KA NIYA EH.
× Baka naman madalas eh parang cold ka sa kanya. Iisipin niya talaga na meron ka ng iba kapag ganyan ka. Kung may problema ka sa buhay mo o sa kanya at sa relasyon niyo, sabihin mo sa kanya. Lutasin niyo ng magkasama. 'Wag naman 'yung parang may iba ka na, kaya ka nanlalamig sa kanya. Isang rason 'yan para magduda siya. Natural lang 'yan. MAHAL KA NIYA EH.
√ Kung alam mo namang wala kang nagawa, tanungin mo siya, at sabihin mo sa kanya na wala siyang dapat kawalan ng tiwala, at na hindi ka gagawa ng kahit ano.
> Iparamdam mo sa kanyang mahalaga siya. Kapag kasama mo siya, siya lang dapat muna. 'Wang kang mag-oopen ng topic na tungkol sa mga taong pinagseselosan o ayaw niya.
> Kapag kasama mo siya, mag-isip ka ng masarap pag-usapan. Kapag nauubusan ka ng sasabihin, maglambing ka naman. 'Wag na 'wag mong ipaparamdam na naiinip ka, dahil baka isipin niya na ayaw mo siyang makasama.
> Kung kilala mo ang taong pinagseselosan niya, 'wag mo ng masyadong lapitan o kausapin kapag kasama mo siya. Kapag 'yung tao naman ang nauna, dedmahin mo muna, saka mo ipaliwanag na nag-iingat ka lang talaga.
√ Para 'wag ka niyang pag-isipan ng masama, 'wag kang gagawa ng anumang maaari niyang ipagduda. Kapag naman sa tingin mo ay sobra na siya, sa halip na makipagkompronta ka, kausapin mo muna siya. Sabihin mo ang nararamdaman mo, at 'wag mong idaan sa pakikipaghiwalay o anumang paraan para makakalas sa kanya. PAG-USAPAN NIYO MUNA.
Talagang may mga taong hindi masyadong nagtitiwala. Intindihin niyo sila. Ayaw lang nilang masaktan. Ayaw nilang mawalan o maagawan. Gusto lang niya minsang iparamdam na mahalaga ka talaga sa kanya, na mahal ka mahal ka niya, at na ikaw lang ang nasa puso niya.
Tandaan ha! DAANIN SA USAPAN, 'WAG SA HIWALAYAN! :) Learn how to listen to their thoughts and feelings. Kung mahal niyo sila, iparamdam niyo at ipakita.