"Nagkakaguto na ako sa iba."

618 1 0
                                    

Hindi madali ang magkagusto ka sa iba, lalo na kung mahal na mahal ka ng taong kasalukuyan mong karelasyon. Hindi rin madali na iiwan mo na lang basta 'yung isa, dahil lang sa tingin mo ay may iba ng laman 'yang puso mo.

May mga rason kung bakit tayo nagkakagusto sa iba:

1. Better sila. May pagkakataon na talagang hindi maiwasan ang pagkukumpara. Darating ka talaga sa puntong iisipin mo na mas magan/gwapo siya, mas mabait, mas matalino, mas sweet, mas romantic, mas understanding.

2. Nagpapakita sila ng motibo. May mga tao talagang alam ng may minamahal ka na, lumalandi pa. Aba. Sino ba namang tao ang hindi matutukso? Walang taong santo, o ni perpekto. Darating at darating 'yung panahon na maaattract kayo sa iba, lalo na kung 'yung 'iba' na sinasabi ko, eh inaakit ka. 'Yung tipong alam ng may jowa ka, lumalambing pa, pinapasaya ka, niyayaya ka kung saan-saan, at ginagamit ang iyong kahinaan. Mahirap 'yan.

3. Palagi silang nandiyan. Ito 'yung isa rin sa pinakamahirap eh. 'Yung tipong kapag magkaaway kayo ng taong mahal mo, may taong nandiyan at ikocomfort ka, 'yung tipong sasabihin sa 'yo na - "Alam mo, kung ako 'yung taong mahal mo, hindi kita aawayin. Hindi kita sasaktan. Sinasayang ka lang niyan." Mga tipong ganyan. Oh 'di kaya naman, sasabihin sa 'yo, "Ako na lang kasi. Sa akin, hindi ka maiinis. Iintindihin kita. Hindi ako magseselos ng sobra kagaya niya. Pagkakatiwalaan kita." Hay naku. Tapos kapag kayo na, wala rin namang ipinagkaiba.

4. May something sa kanila. Ito 'yung tipong iba 'yung pakiramdam mo kapag kasama mo siya, kaysa sa pakiramdam mo kapag kasama mo 'yung boyfriend/girlfriend mo. May ganun kasi eh. 'Yun bang halimbawa, kapag nakakasama mo 'tong si Number2, mas masaya ka, mas kampante ka, mas kinikilig ka. Tapos kapag kasama mo naman si Number1, iba 'yung saya. Na kapag kasama mo siya, naiisip mo pa rin si Number2 o sinumang iba pa. 'Yung tipong si Number2, parang may powers. 'Yun bang kaya niyang i-divert ang pag-iisip mo sa kanya, kahit kasama mo na 'yung partner mo. 'Yun tipong kahit wala siya, siya 'yung nakikita mo. Parang nagayuma ka, kumbaga.

5. Matagal ka ng sawa sa partner mo. Ito naman 'yung tipong naghihintay ka na lang ng rason para hiwalayan mo 'yung partner mo, kaya noong nakakita ng better, mas mabilis ka ng mahulog. Alam mo kasi, hindi ka naman mahuhulog kaagad sa iba kung matibay talaga 'yung pagmamahal mo doon sa isa. Syempre, kung talagang mahal mo si Number1, kahit pa may maghubad sa harapan mo, hindi ka matitinag. Ang taong nakakayang magmahal ng iba, hindi strong ang pagmamahal para doon sa isa. Kumbaga, IT'S NOT ENOUGH TO MAKE HIM/HER STAY IN LOVE.

At just in case nga nagmahal ka ng iba, ito ang kailangan mong gawin o isipin.

* Siguraduhin mo munang mas sasaya ka diyan sa pangalawa kaysa sa una. Baka naman mamaya nadala ka lang ng matatamis niyang salita, tapos kapag naging kayo na nga, ikaw pa ang kawawa. Aba. Kaya bago ka pumasok sa isang problema, siguraduhin mong tama ang desisyon at solusyon mo ha?

* Siguraduhin mo munang siya na nga ang gusto mo. Kung minsan kasi, dumarating 'yung time na akala natin ayaw na natin doon sa isa, pero hindi pala. Minsan, naiinis ka lang pala, o nagkatampuhan kayong dalawa. Baka naman mamaya, kapag pinili mo 'yung pangalawa, bigla mong marealize na mas mahal mo pala 'yung isa ha. Mas lalo kang mahihirapan, kasi kakailanganin mong pumili, at dalawa na 'yung pwede mong masaktan.

* 'Wag kang magpacomfor masyado. Kung magpapacomfort ka, 'wag doon sa opposite sex mo. Kung babae ka, sa babae ka rin humingi ng payo. Kung lalaki ka, sa lalaki rin. Ang tendency kasi, kapag sa opposite sex ka humingi ng advice, eh mahulog ka sa kanya, kasi feefeelingin mong mas mapagagaan niya ang loob mo. Tapos ano? Ikaw lang pala 'tong nahulog. Eh saan ka pupulutin? Eh 'di sa kangkungan ng mga tanga. Kaya mag-isip ka, ha?

* Hindi porket galit ka o tampo ka kay Number1, eh hahanap ka na agad ng ipapalit o lalandiin mo. Baka mamaya, mas lumala pa ang problema mo. Kung may problema ka kay Number1, solusyon ang hanapin mo, 'wag konsumisyon. Hindi kalandian ang susi sa kagandahan ng relasyon at kinabukasan. Doon ka sa malinis na paraan. Kausapin mo 'yung partner mo, sa halip na sa iba ka humanap ng atensyon. Kung talagang mahalaga siya sa 'yo, gawan mo ng paraan, hindi 'yung ipagpapalit mo na lang. Hustisya mare.

*Hindi porket better 'yang si Number2, eh diyan ka na. Paano kung piliin mo 'yang si Number2, tapos may better pang dumating, o maging better bigla si Number1? Papalit ka na naman? Babalik ka na naman? Hay naku. It's not about who's better between the two, but about who's going to stay with you and be true. 'Wag kang magkumpara, dahil una sa lahat, ang relasyon ay hindi kagaya ng isang application na pwede mong i-update ng i-update sa kung alin ang mas bago at mas maganda.

Mahirap man, kung talagang nagmamahal na kayo ng iba, tapusin niyo ng maayos ang relasyon niyo doon sa isa, hindi 'yung patatagalin at mas pahihirapin mo pa. Sometimes, all you need is communication and understanding. Kung hindi ka niya kayang pakawalan, daanin mo sa pakiusapan. 'Wag mong lolokohin, o 'wag kang papayag na magpaloko siya sa 'yo. Sa huli, ikaw lang ang masasaktan at mahihirapan, kaya daanin niyo sa maayos na pagtatapos at matiwasay na usapan. :)

Problema Sa Pag-ibig. (PSP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon