"Okay lang bang maghintay?"

231 0 0
                                    

Tanong na ang hirap sagutin.

Tanong na hindi mo alam kung may tama bang sagot para rito.

Tanong na pwedeng mong sagutin ng HINDI o pwede ring OO.


Pero okay lang nga bang maghintay?

Sa tingin ko, oo.

~~

Hello guys! Sorry at sobrang tagal kong nag-update sa isang tao. Medyo matagal din kasing walang pinagdaanan at ang hirap naman kung walang paghuhugutan. So para sa tanong ngayon, sa tingin ko, OO. OKAY LANG NA MAGHINTAY.


Okay lang maghintay kung..

1. Sigurado kang babalik siya. Tipong may kailangan lang puntahan at babalik din naman. O may kailangan lang asikasuhin at saglit ka lang maiiwan. 'Yung sigurado ka kahit hindi niya sabihin. Kahit walang assurance. Kasi alam mong hindi matagal. Alam mong sandali lang. Okay lang 'yan.


2. Mahal ka niya, pero kailangan muna niyang umalis at mapag-isa. Ito naman 'yung tipong humingi lang siya saglit ng space. Not all the time okay lang kapag space na ang hiningi dahil may ibang sa sobrang laki ng space na binigay mo sa relasyon niyo, may nakasingit ng ibang tao..doon sa space na ibinigay mo. Dito, itanong mo kung mahal ka pa ba talaga niya at kung oras lang ba talaga ang kailangan niya o kung ayaw na niya talaga. Sabihin mo, diretsahin ka niya. Pero okay lang. Okay lang na hintayin mo siya kung talagang mahal mo siya.


3. May tiwala kang ikaw lang talaga ang mahal niya. Kung sa tingin mo kahit na magkalayo kayo saglit o hindi kayo mag-usap ng ilang araw eh wala pa talagang iba, okay lang na maghintay ka. Pero kapag sa tingin mo, parang wala ng nangyayari at na parang naiwan ka na sa ere, doon ka tumigil. Ramdam naman natin 'yun. Minsan nga lang, dinedeny natin sa sarili natin kasi nga mahal natin sila. OPEN YOUR EYES AND DON'T IGNORE THE TRUTH.


4. Ipinaramdam niya sa 'yo na worth it siyang hintayin. Ito 'yung tipong kung napaghintay ka man niya noon eh ilang minuto o oras lang tapos bumabalik naman siya. O tipong dumating sa point na ilang araw siyang nawala pero bumalik at nagparamdam pa rin naman siya. O kaya naman nagkaroon kayo ng problema at hindi kayo nag-usap ng ilang araw o linggo, pero binalikan ka niya. 'Yun. Pero kapag palagi ka niyang pinaghihintay ng hindi mo naman alam ang dahilan, tama na.


5. Kung kaya mong maghintay. Napakahalaga na kaya mong maghintay kung kailangan mo siyang hintayin. 'Yun kasi ang tanong eh. KAYA MO BA? Kasi kung hindi mo kaya, sabihin mo. Diretsahin mo siya. Sabihin mo sa kaniya kung kaya mo siyang hintayin o hindi na. Hindi 'yung mangangako kang hihintayin mo siya pero hindi rin naman magtatagal at susuko ka na.


Okay lang maghintay kung alam mo sa sarili mong mahal mo talaga siya at na mahal ka niya. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ikaw lang palagi ang maghihintay. Dapat napatunayan na niya noon sa 'yo na mahal ka niya. Dapat ipakita niya sa 'yo na worth it siya. Dapat iparamdam niya sa 'yo na karapat-dapat siya. At kung maghihintay ka, siguraduhin mong hindi ka masasaktan. Dahil kapag hintay ka ng hintay at alam at ramdam mong wala ka na namang napapala, tama na. Hindi na tama 'yan.


Basta hintayin mo siya hangga't sa tingin mo ay tama pa na hintayin siya. At kung hindi man siya bumalik, at least alam mong ginawa mo na 'yung part mo at na pinatunayan mo na sa kaniyang mahal mo siya. Kung wala talagang nangyayari, tama na.

Problema Sa Pag-ibig. (PSP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon